Chapter 31

1.1K 32 7
                                    

Ziah's POV:)
Naglalakad na kami papunta doon sa lugar kung saan ililibing si Damon. Ruki's arms were around my waist while doing so. Alam niyang natatakot ako. Takot ako sa magiging reaksyon ng mga kapamilya ni Damon.

Kahit na dapat sobrang awkward namin ngayon, hindi. For the first time I actually feel comfortable being with him. Hindi naman dapat ako maginarte ngayon.

Nung nakalapit na kami sa mga tao, hindi nila napansin ang presensya namin dahil lahat sila iniiyakan si Damon. Naawa ako sa kanila. Naiinis din ako sa sarili ko, hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyari.

~ TIME SKIP: AFTER 2 HOURS ~

Pagkatapos ng dalawang oras nang pagdadasal ng mga kapamilya ni Damon at Kylee, pinuntahan na nila ang mga bisita nila. Kinakabahan pa din ako. Dahan dahan ko namang tinanggal ang mga kamay ni Ruki mula sa bewang ko at tumingin sa kanya, para sabihin sa kanya na handa na akong makilala ang mga kapamilya ni Damon.

Napatigin naman ako doon sa gawi ng lola nila Damon at Kylee. Nakasunod naman si Kylee sa likod nang lola niya. Bigla naman ako nakaramdam ng mas matinding kaba nung nakita kong papalapit yung lola niya sa gawi namin.

Bigla namang hinawakan ni Ruki ang kamay ko at sinigurado ako na magiging okay lang ang lahat. Nung nakalapit na ang lola nila Kylee sa amin, binigyan niya kami nang isang maliit na ngiti. Hanggang ngayon hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Mga kaibigan ba kayo nang apo ko?" Tanong ng lola ni Damon

Napatango naman kaming lahat. Siguro lahat kami natatakot ngayon sa magiging reaksyon nang lola ni Damon. Dahan dahan kong binitawan ang kamay ni Ruki. Alam niya na kaya na ako ang may kasalanan sa pagkamatay nang apo niya? Shit. I can't do this, the guilt is eating me.

Unknown's POV:)
Pinapanood ko sila ngayong umiyak. Siguro nga walang nakalimot sa akin. Pinapahirapan ko lang sila ngayon in a way. Kung alam lang talaga nila.

Nami-miss ko sila. Weird. Gustong gusto kong ipakita ang sarili ko kaso hindi ko kaya. Hindi pa ngayon. Siguro pag dumating na ang tamang oras. Papatawarin naman siguro nila ako. Papatawarin niya naman siguro ako.

Naawa din ako sa kanya. She's suffering at wala ako dun para sa kanya. I'll make sure to come back pag alam kong kailangan na kailangan niya na talaga ako.

Ziah's POV:)
Hindi ako makahinga. Nasa harap na namin ang lola ni Damon at Kylee ngayon. Nakatingin naman sa kanya si Kylee. Nung napansin ni Kylee na nakatingin ako sa kanya, tinignan niya din ako at binigyan niya ako nang isang maliit na ngiti.

"Ah. Opo." Sagot ni Ruki

Nagulat ako. Wala. Ang galang niya lang. Hindi ko pa kasi siya nakikitang maging ganyan sa kahit na sino. Nararamdaman ko na anytime malalaglag na ako sa lapag dahil sa panginginig ng tuhod ko. Masyado akong kabado.

"Nasaan yung Ziah?" Tanong ng lola ni Kylee

Tangina. Bakit? Sana pala hindi na lang nila sinabi ang pangalan ko sa kanila. Fuck. Kinakabahan ako. Ayoko ng ganito.

"A-Ako po." Sagot ko

Hinihiling ko sa sarili ko na sana hindi na lang ako sumagot. Anong tawag sa akin? Tanga. Naiinis talaga ako sa sarili ko.

"Ikaw yung Ziah na palaging kasama nang apo ko noon. Natutuwa ako nung mga panahong kasama ka niya lagi dahil lagi ko siyang nakikitang nakangiti pero ngayon hindi ko na siya magawang tignan. Gusto kong magpasalamat sayo dahil kahit papaano napasaya mo siya pero kasalanan mo din kung bakit namatay ang apo ko. Patawarin mo ko iha pero sa tingin ko hindi na kita kayang makita pa dito. Hindi mo deserve ang makita si Damon dahil sa tuwing nandito ka naalala ko lang ang mga panahon kung saan buhay pa ang apo ko. Pasyensya na, iha." Sabi ng lola ni Damon

Sobrang sakit. Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako tatanggapin nang buong pamilya ni Damon at Kylee. Kasalanan ko ah lahat. Ngayon wala na akong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Parang sinasaksak ako nang ilang beses sa puso. Siguro nga tama ang lola ni Damon, hindi ko deserve makita si Damon. Sana balang araw mapatawad ako nang pamilya ni Damon.

"Pasyensya na din po. Akala ko po kasi ayos lang na nandito ako. Hindi ko po kayo sinasadyang saktan. Alam ko pong Hindi ko na mababawi ang mga nangyari pero sana alam niyo po kung gaano kasakit ang mawalan ng kaibigan. Hinihiling ko nga po na sana ako na lang. Kung maibabalik ko lang po sana ang mga nangyari, gagawin ko po. Ito na po ang huling beses na makikita niyo ako na kasama o malapit sa pamilya niyo. Patawad po ulit. Alam kong walang magagawa ang pagso-sorry ko pero patawad po talaga." Sabi ko bago naglakad paalis

May narinig naman ako na tumawag sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Siguro dapat lumayo na ako sa lahat nang tao sa paligid ko dahil baka sila naman ang masaktan ko. Ayoko nang may sumunod pa kay Damon. Mas mabuti nang sa akin na lang mangyari ang lahat nang yun.

Siguro nga tama ako. Hindi ko deserve ang mabuhay. Hindi ko deserve makita ang mundo. Ang oras nang lahat sa akin na nakalaan ngayon pero dapat sa trabaho nila yun nilalaan. Sikat silang lahat. Maraming taong naghihintay sa kanila. Dapat nilang unahin ang mga taong yun.

Narinig ko nga na inimbita sila sa isang event bukas e pero hindi pa nila sinasagot ang imbitasyon na yun. Sa mall gaganapin at meron nang mga bumili ng tickets. Hindi na dapat ako maging sagabal sa mga trabaho nila.

They're well known all around the world. I don't deserve them. They deserve someone better. Someone who will support them. Inimbita din ako para mag guest pero hindi na ako pumayag. Sikat lang naman ako sa Korea. Paano naman nakaabot ang pangalan ko dito sa Pilipinas?

Patuloy akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa isang bride. Mukhang malalim ang tubig nito. Tama naman siguro itong gagawin ko. Para na rin hindi na ako maging sagabal sa mga buhay nila. Napapagod na din ako.

Hindi ko na magawang mapigilan ang mga tumutulong luha mula sa mga mata ko. Matagal kong tinitigan yung tubig. Dapat na siguro akong magpaalam sa kanila sa huling pagkakataon.

Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at agad na hinanap ang number ni Ruki sa contacts. Nung nahanap ko ito, matagal ko munang tinitigan ang number niya bago ko ito tinawagan.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon