Chapter 37

1.1K 41 3
                                    

Ruki's POV:)
Pagkatapos nang sinabi ni Constantine, nagsitanguan lahat nang tao. Hindi ko gustong i-kwento ang lahat nang nangyari sa ibang tao pero nirerespeto ko ang desisyon nila. Hindi lang naman ako ang masusunod dito e.

"We have lost someone who was once part of Section F. She was so important to us and we aren't even expecting that to happen nang ganon lang kabilis. She sacrificed herself for us." Sabi ni Nixon

3rd person's POV:)
Nilabas na nilang lahat ang mga panyo nila mula sa mga bulsa nila. They knew that Ziah's death was painful. Hindi pa rin nila tanggap ang pagkamatay nito dahil parang kahapon kasama pa nila ito. Parang kahapon lang sila nagkakilala.

Nagulat naman ang mga tao dahil ito ang kauna-unahang panahon na nakita nilang umiyak si Jin, Kit at Ruki. Ngayon lang nalaman ng mga taong yun kung gaanon talaga ka-importante si Ziah sa kanila.

Hindi kasi nila ganon kadalas makitang mag react si Jin, Kit at Ruki. Makita lang nila ngayong umiiyak ang tatlo parang nararamdaman na din nila ang sakit.

Kahit hindi nila kilala si Ziah nalulungkot pa rin sila. Hindi man nila nakilala si Ziah pero makita lang nilang umiiyak si Jin, Kit at Ruki parang naiiyak na din sila. Hindi nila alam kung paano sila magre-react.

"Parang kailan lang inaaway ko pa siya pero ngayon wala na. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pero sa tuwing naalala ko si Ziah, naalala ko din yung best friend ko noon. Namatay din siya. Ang lungkot kasi yung mga taong katulad pa nila yung namamatay. Hindi nila deserve yun." Sabi ni Jenric habang pinipigilang umiyak

Sobrang lungkot na nang hangin sa paligid nila. May ibang mga tao na nagsisimula nang umiyak dahil sa mga narinig nila.

"Hiningan ko siya nang pabor dati nung nasa high school pa lang kami. Gusto kong tulungan niya si Ruki na makapag move on noon. Alam niya kung anong pwedeng mangyari pero pinili niya pa ding tulungan si Ruki. Gagawin niya ang lahat para tumulong. Hindi na importante sa kanya kung masasaktan siya." Sabi ni Wayne

Lahat sila naalala yung mga alala nila kasama si Ziah nung high school pa lang sila. Hindi man nila nakasama nang matagal na panahon si Ziah pero madami pa din silang alala na magkakasama.

"I miss her. Noon dati kaming tumatambay sa school garden para magkwentuhan. Ang lungkot lang dahil hindi na namin magagawa yun ulit nung umalis siya. Naging masaya naman ako dahil may isa pang babae nun sa section namin. Madali ko lang din siyang nakasundo dahil sobrang approachable niya." Sabi ni Dia habang nagpupunas nang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya

Hindi na nila nagawa ang mga yun dahil umalis na si Ziah at nagpunta na nang ibang bansa. Sana nga kaya pa nilang gawin yun sa huling pagkakataon pero huli na ang lahat. Wala na si Ziah.

"I was there when the accident occurred and I wish that we could..."

"Trade places." Sabi ni Ruki habang patuloy na umaagos ang mga luha mula sa mga mata niya, sinubukan niya itong punasan pero hindi niya pa rin napigilan ang pagpatak nito

Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin niya. Nahihirapan na siya simula nung namatay si Ziah. Hinding hindi niya matatanggap na wala na si Ziah.

Naiyak na din ang mga tao dahil ngayon lang nila nakitang umiyak si Ruki. Ang walang emotion na lalaki na kilala nila ay masyadong naapektuhan sa mga nangyari. Hindi sila sanay sa reaksyon na binibigay sa kanila ni Ruki.

"Siya yung taong laging nagpapasaya sa akin sa tuwing malungkot ako pero ngayon wala nang gagawa nun para sa akin. Gusto kong bumalik si Ziah sa tabi ko pero alam kong napakaimpossible nang gusto kong mangyari. Gusto ko siyang makita ulit." Sabi ni Viel

Napaka masiyahing tao ni Viel pero ngayon wala na silang ibang nakikita kung hindi umaagos na mga luha mula sa mga mata nito.

Hindi sila sanay sa mga naririnig nila at nakikita nila ngayon. Umiiyak lahat nang mga taga Section F. Sanay silang nakakakita noon nang mga seryosong mukha at masasayang mga mukha pero iba ngayon. Alam na nila kung gaano ka-importante ang taong yun sa kanila. Hiniling nga nila na sana nakilala nila itong mysterious girl.

"These past few days have been painful." Sabi ni Jin habang pinupunsan niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya

Natahimik ang lahat at yung iba naman nagpupunas nang mga luha mula sa mga mata nila. Yung iba naman hindi naiyak pero kitang kita mo ang lungkot sa mga mata nila. Hindi na nga alam nang MC kung ano pa ang pwede niyang itanong e.

Parang wala na siyang masabi sa mga sitwasyon na ganito. Hindi nila alam lahat na ganito pala kalala ang nangyari.

"Sana masaya na si Ziah sa kung nasaan man siya ngayon. Sana ginagabayan pa rin niya tayo kahit hindi na natin siya nakikita. I miss her though kahit hindi naman kami masyadong nakapagusap." Sabi ni Constantine

Hindi umiiyak si Constantine pero halatang halata mo sa mga mata niya na umiyak na siya. Namamaga ang mga mata niya.

"Everything's going to be fine! She'll always be here in our hearts!" Sigaw nang mga tao

Napahawak si Dia sa may dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Sobrang saya niya dahil sinusupportahan pa rin sila nang mga fans nila kahit ganito ang mga nangyari.

"Thank you for all the support that you have given us. We don't know kung saan kami pupulutin nang wala kayo. It has been painful for us but thank you for being there to cheer us up!" Sabi ni Duke

"I lost my angel and my best friend a few days ago. She was truly amazing and she was always there whenever I needed her but nothing last's forever. Not even angels. I love you and may you rest in peace. I miss you. Be happy." Sabi ni Kit

Tumayo na silang lahat para magpaalam sa mga fans nila. Nag wave sila nang kamay at nagbigay mang maliit na ngiti.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to send a message in my twitter account: @/xrhkx

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now