Chapter 2

2.4K 65 1
                                    

Ruki's POV:)
It's been 8 years since I last saw Ziah. I can say na hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik siya. Minsan naisip ko rin na magmahal na lang ng iba kaso wala e. Siya pa rin. It's always been her. Hindi ko alam kung bakit pero mahal na mahal ko siya. Pinangako ko din sa sarili ko na hihintayin ko siya.

Nasa bar ako ngayon. Pagkatapos niyang umalis, nagpupunta na ko sa bar. Hindi naman palagi. I still have a lot of work to do. I'm a photographer. I do landscape photography and some famous model brand shoots. Kapag wala naman akong trabaho, yun yung mga oras na pumupunta ako dito. Palagi kong kasama si Zander at ang mga kaibigan namin.

"Nandito ka nanaman, bro?" Tanong ni Zander

Syempre nandito nanaman yan si Zander dahil sigurado akong sinabihan siya ni Enzo. One of his close friends na mayari ng bar na to. Zander is actually a famous model. I've done a few shoots with him but I'd still rather do landscape photography.

"Wala ako dito. Multo lang ako." Sarkastikong sagot ko

Para kasing tanga. Yung mga tinatanong niya sobrang obvious na naman yung sagot. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ko sila kaibigan e.

Nagulat naman ako ng may biglang umupo sa tabi ko. Napatingin naman ako ay nakita ko si Enzo. Another annoying person. Bakit kasi nandito tong mga taong to?

"Pre. Hulaan ko. Siya nanaman yung dahilan kung bakit ka umiinom dito no? Pagkatapos ng walong taon siya pa din ang mahal mo? Lupet mo naman. Masyado ka namang loyal." Sabi ni Enzo

Ngayon nga lang ako naghintay ng ganito katagal para sa isang babae e. Ewan ko. Iba kasi si Ziah. Hindi siya katulad ng ibang babae na nagustuhan lang ako dahil sa itsura ko. Pag pumanget ba ko magugustuhan pa rin nila ako? Hindi diba. Si Ziah kasi nagustuhan ako dahil sa kung sino talaga ako.

"Ako naman kasi yung unang nangiwan e. Gusto ko lang naman siya protektahan noon. Ang tanga ko nga para isipin na hindi niya ko iiwan. The moment she left me, doon ko lang naintindihan ang lahat. Mahal ko siya. Hihintayin ko siya dahil yun yung pinangako ko sa sarili ko." Sabi ko

"Yun ba yung dahilan kung bakit girlfriend mo pa rin hanggang ngayon si Marielle? Gusto mo siyang protektahan mula kay Marielle at sa lolo mo?" Tanong ni Zander

Tama nga. Girlfriend ko pa rin si Marielle hanggang ngayon. She is still threatening me pero this time, papatayin niya naman daw ang mga kaibigan ko. Pumayag naman si lolo sa mga gusto ni Marielle. Para silang mga tanga. Akala nila natatakot pa ako sa gagawin nila.

"Yes." Maikling sagot ko

Sila naman ang gusto kong protektahan ngayon. Wala na si Ziah e. Hindi ko na kailangan pang magalala pa para sa kanya.

Nagulat naman ako ng may biglang humila sa akin palabas. Nakita ko nanaman yung babaeng kinamumuhian ko. Si Marielle. Ano nanamang kailangan nito? Tangina. Sa lahat ba ng lugar na pupuntahan ko susundan niya ko?

"Bakit ka nanaman nandito sa bar? Si Ziah nanaman ba ang rason? Hindi ka pa ba nadadala? Sino pa ba ang gusto mong subukan kong ipapatay? Pamilya mo?" Tanong ni Marielle

Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi magbanta e. Wala namang nangyayari. Nasasakal na ako sa kanya. Sakal na sakal na ko. Gusto ko na lang siyang saktan pero habang naalala ko na babae pala siya, pinipigilan ko ang sarili ko.

"Go on. Baka gusto mo na ring patayin ang sarili mo? Hindi na kita pipigilan. Gawin mo na kung anong gusto mong gawin. Bahala ka na sa buhay mo. Sakal na sakal na ako sayo. Hindi mo ako alila para sundin ko pa lahat ng inuutos mo. Kung gusto mong gawin, gawin mo. Hindi na kita pipigilan. Let's break up. Wala nang dahilan para manatili pa ako. Wag ka nang lalapit ulit sa akin para magbanta." Sagot ko

Bahala na siya sa buhay niya. Hindi naman siguro lahat ng tao sa buhay ko kailangan kong protektahan diba? Yung pamilya ko ipapa-patay niya? Gawin niya. Tutal parang hindi ko na naman sila pamilya. Alam naman nilang ganito ang mga ginagawa ni Marielle pero hinahayaan nila ito. Bahala sila.

"No! You can't break up with me! Tatalon ako dun." Sigaw ni Marielle bago niya tinuro yung tulay na malapit sa bar

Binigyan ko naman siya ng isang malamig na tingin. Sa tingin niya ba pipigilan ko siya? What a joke.

"Gawin mo. Gusto mo samahan pa kita." Sabi ko

Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun, umalis na ko sa harap niya at nagpunta na sa parking lot. I've made my decision. Hindi na mababago ang isip ko. Hihintayin ko na lang si Ziah. Hindi ko alam kung kailan siya babalik. Hindi ko rin naman siya ma-message dahil wala na yung dati niyang social media accounts, iba na rin ang number niya.

Binuksan ko na yung pinto ng kotse ko at agad na pumasok. Saan ba ako pwedeng makitulog? Hindi naman sa wala akong bahay pero doon din kasi nakatira si Marielle. Nilock ko lang yung dating guest room na tinulugan dati ni Ziah.

Nilalagyan ko yung palagi ng mga gamit. Yung mga bagay na gusto kong ibigay sa kanya. Hanggang ngayon naglalagay pa rin ako ng mga gamit dun. Hindi ko naman maibigay sa kanya dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Ayokong dun matulog si Marielle dahil para lang kay Ziah yung kwarto na yun.

Paano nga ba napadpad si Marielle sa bahay ko? Pinagpilitan kasi ng lolo ko na doon siya tumira. Syempre dahil obsessed siya sa akin, pumayag siya. Noong umalis si Ziah, nagaway kaming dalawa sa tulay. Akala ko pagkatapos noong araw na yun lalayuan niya na ako pero hindi. Hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin siya.

Pwede akong makitulog kayla Sage. Binuksan ko yung engine ng kotse ko at nagsimula nang magmaneho. Wala akong oras para makipagtalo ulit sa kanya dahil kapag nakipagtalo pa ko ulit sa kanya, madami nanaman akong oras na masasayang.

Paulit ulit lang naman yung mga bagay na pinagtatalunan namin. Hindi na siya yung Marielle na minahal ko noon. Ngayon masyado na siyang obsessed. Siya pa nga ang nakipaghiwalay sa akin noon tapos ngayon siya naman ang naghahabol. Sige. Maghabol siya hanggang kaya niya. Bahala siya sa buhay niya.

~ TIMESKIP: BAHAY NI SAGE ~

Bimusina ako sa labas ng bahay nila Sage at agad namang binuksan ng bagong gising na Sage yung gate. Anong oras na tulog pa rin siya?

Binuksan ko yung bintana ng kotse ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Sage. Huminga siya ng malalim bago siya nag signal sa akin na pumasok na.

"Sana bumalik na dito si Ziah para naman hindi ka palaging nandito!" Sigaw ni Sage

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now