Chapter 23

1.1K 38 0
                                    

Ziah's POV:)
Nagmaneho na si Kit papunta sa bar na pagmamayari ni Enzo. Hindi ko alam kung naalala niya pa ako pero isa siya sa mga kaibigan ni Kuya Zander. Hilingin na lang natin na wala siya doon.

Baka kasi magsumbong siya kayla Kuya Javier. Naging close na kasi sila sa isa't isa. Hindi ko lang alam kung kailan. Siguro nagkaayos na silang lahat nung wala ako dito. I still have work tomorrow, patay ako kay Kuya Javier.

Nakarating kami sa bar pagkatapos ng ilang munuto. Ang hirap pala maging third wheel no? Magkahawak talaga sila nang kamay sa harap ko. It's not that bad pero please wag sa harap ko.

Lumabas na kami ng kotse at pumasok na sa loob ng bar. Nagpaalam naman si Kylee at Kit na sasayaw daw muna sila. Ayokong sumama sa kanila kaya uminom na lang ako.

Ruki's POV:)
Nasa bar ako ngayon nila Enzo at umiinom. Ilang araw na akong umiinom at dahil nanaman yun kay Ziah. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siyang nararamdaman para sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko tungkol dun. Sinabi ko sa kanya na hihintayin ko siya pero sa totoo, ayoko talagang naghihintay.

Noong nakasalubong ko siya kanina sa ospital, ang gusto ko na lang gawin ay ang halikan siya pero alam kong hindi pwede. Sobrang hirap magkaroon ng self control. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

"Nandito ka nanaman? Hindi ka pa ba nakakapag move on? Ruki, walong taon! Walong taon na ang nakakalipas at ngayong nakabalik na siya, hindi na ikaw ang mahal niya. Tanggapin mo na yun." Sabi ni Enzo

Oo. Nandito siya para inisin ako. Kailan ba siya nawala? Malamang bar niya to. Nandito lang naman ako kasi lagi akong my libreng alak. Hindi naman sa wala ako pera pero ayoko lang talagang magsayang ng pera. Wala naman siyang pake kung palagi akong nandito e. Palagi niya nga lang ako iniinis. He's too noisy.

"Alam mo naman Enzo na mahirap yan gawin. She's the first person who appreciated me. I'll make her fall in love with me again. I'll make sure of that kahit ilang taon pa ang abutin nun. Now shut that fucking talkative mouth of yours." Sabi ko

Napatingin naman si Enzo doon sa taong umupo doon sa bar counter. Hindi ako tumingin dahil knowing Enzo, babaero din yan. Kaya wala pang girlfriend e. Lahat na lang nang nakikita niyang maganda dito sa bar, nilalapitan niya. Wala naman akong magagawa, pagmamayari niya naman to.

Bigla naman siyang lumapit doon sa babaeng kakaupo lang sa may bar counter. Paano ko naman nalaman na babae? Simple lang. Nakadress e. Hindi nga lang ako tumingin sa mukha.

"Hi Ziah! Long time no see!" Narinig kong sabi ni Enzo

Pagkatapos niyang sabihin yun, napatingin ako sa babaeng kausap ni Enzo. Si Ziah nga talaga. Why is she here though? Ayoko din yung dress na suot niya dahil masyadong kita yung legs niya.

"It's nice to see you too, Enzo! I see you still own this bar." Sabi ni Ziah

Napatingin naman ako kay Enzo. Tumingin din siya sa akin at nginisian ako. Alam ko kung anong sinusubukan niyang gawin. Not now, Ruki. Control yourself. Hayaan mo na sila. Alam mo namang walang gagawin yan si Enzo.

Ziah's POV:)
Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Enzo. Great. Pag eto talaga nagsumbong kayla Kuya, hindi ko na lang alam. Wait. As long as I do not drink, safe ako.

"Oo nga e. I'm surprised that I was able to manage this bar for so long." Sabi ni Enzo

Mabait pa rin naman si Enzo katulad ng dati. Kailan ba siya naging bad boy katulad ng iba niyang mga kaibigan noon. Siguro nga may tinatago din siyang pagka bad boy niya.

"I see that you're doing well." Sabi ko

Binigyan ko siya nang isang maliit na ngiti. Nag mukha na siyang mature. Mukha naman siyang mature noon pero mas nag mukha lang talaga siyang lalaking lalaki ngayon. Dati kasi mukha siyang bata e for he's age.

"So I heard that you were with Damon in Korea. Is it true?" Sabi ni Enzo

Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko nga pala na may dakit ako ngayon pero nasa bar ako. Sinabi din sa akin ni Damon na wag akong aalis ng bahay. Hindi ako nagsabi sa kanya.

"Shit. Sorry Enzo. Can you please excuse me for a moment." Sabi ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko

Naglakad ako papunta sa labas ng bar at nilabas yung cellphone ko mula sa bulsa ko. Binuksan ko ito at nakita kong marami akong messages are missed calles mula kay Damon.

Ang bobo ko talaga minsan. Gago. Alam ko namang may taong magaalala sayo tapos ganito ginagawa mo. Nagulat naman ako dahil nag ring ulit yung cellphone ko. Si Damon ulit ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

Damon

Damon [ Where the fucking hell are you, Ziah? Kanina pa kita hinahanap! ]

Ziah [ I-I'm sorry! Lumabas kami ngayon. Nasa bar kami. Kasama ko si Kit tsaka si Kylee. ]

Damon [ Fuck! Pwede ba sa susunod magpaalam ka para hindi ako nagaalala sayo? Pumunta ka na sa may tawiran. Ngayon na. ]

|CALL ENDED|

Hindi ko na inisip si Kit tsaka si Kylee dahil nagmamadali na ako magpunta doon sa tawiran na sinabi ni Damon. Nakakahiya naman. Hinanap niya pa ako.

Medyo malayo kasi yung tawiran na tinutukoy ni Damon kaya tumatakbo na ako ngayon. Sobrang sakit na ng paa ko. Naka heels pa ako. Pagkatapos ng ilang minuto nang pagtakbo nakarating na ako sa may tawiran.

Nakita ko si Damon na nasa kabilang side nang tawiran. Natatakot ako kay Damon ngayon dahil nung nakausap ko siya kanina sa phone parang galit na galit siya. Hindi ko pa naman nakikitang magalit si Damon.

Bigla namang inangat ni Damon ang tingin niya sa akin at bigla siyang ngumiti. Nag wave siya sa akin. Hindi ba't galit siya dahil hindi ako nagpaalam sa kanya?

Nakita ko namang biglang tumawid si Damon nang naka red light pa.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now