Chapter 5

2.1K 56 6
                                    

Ziah's POV:)
Sa tingin niya ba perpekto yung buhay ko? Sa tingin niya ba perpekto na ang buhay ko dahil lang marami akong kaibigan? Sa tingin niya ba naging masaya ako pagkatapos ng lahat ng nangyari?

"You are given what you deserve. Things happen by the way they are because that is what you deserve. Hindi man natin nakukuha ang mga bagay na gusto natin pero may binibigay pa rin naman sa atin ang Diyos. Kailangan nating tanggapin yun because that's what we deserve." Sagot ko

Nung mga panahong nasa Korea pa ko, wala akong ibang ginawa kundi magaral ng mabuti. Binaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay para makalimutan ko yung nararamdaman ko para kay Ruki. Mahirap pero eto ako ngayon.

"Ilang taon kang nawala pero yung mga tao sa paligid mo, mahal ka pa din. Gusto mo bang malaman ang dahilan sa kung bakit ka iniwan ni Ruki noon?" Tanong ni Marielle

Hindi naman lahat ng tao sa paligid ko mahal ako e. Yung iba sa kanila plastik. Bakit ko pa kailangang malaman yung dahilan sa kung bakit ako iniwan ni Ruki? Kung alam ko naman na yung dahilan.

"Alam ko kung bakit ako iniwan ni Ruki, Marielle." Sagot ko

Sinubukan ko naman lahat ng makakaya ko para tulungan siyang mag move on mula kay Marielle e. Siguro nga hindi naging sapat yun.

"No. You don't." Sabi ni Marielle

May iba pa bang rason sa kung bakit siya ang pipiliin ni Ruki or gusto niya lang sabihin sa akin na hindi ako naging sapat para kay Ruki? Aware naman ako e. Sinabi na sa akin ni Ruki. Para sa akin sapat na yun.

"Shut up, Marielle." Sabi ni Sage

May tinatago ba sila sa akin? May dapat ba kong malaman?

"Alam niya na ang rason sa kung bakit siya iniwan ni Ruki. Kaya tama na, Marielle." Sabi ni Bailey

Nasabi ko ba sa inyo na kapatid ni Bailey si Eunice? Nakilala ko na si Bailey bago pa ako pumasok sa Section F. Best friend ko na kasi si Eunice noon sa dati kong school. Nung nilipat naman ako ng school ng parents ko, naging mag kaklase kami ni Bailey.

"What reason? You're just feeding her with lies. Just admit it, Ruki loves her. Why are you even feeding her with all these lies? Kasi gusto niyo siyang protektahan mula sa akin at sa lolo ni Ruki? Bakit? Because you know what we're capable of doing?" Tanong ni Marielle

Anong ibig sabihin niya dito? Ibig niya bang sabihin na ako talaga ang gusto ni Ruki at hindi siya? Wait. No. Baka plinano lang nila to.

"Why are you doing this, Marielle?" Tanong ni Duke

Bakit nga ba? Bakit nga ba niya sinasabi lahat ng to sa akin? Bakit ngayon lang kung kailan hindi ko na gusto si Ruki? Napatingin naman ako kay Ruki. Nakatingin din naman siya sa akin pero agad din naman niyang iniwas ang tingin niya.

"I'm letting him go. Hindi na siya masaya sa akin. Dati pa lang Ziah. Hindi na siya naging masaya sa akin. Simula nung dumating ka sa buhay niya. Sinubukan kong maibalik yung narararamdaman niya para sa akin pero pagkatapos ng ilang taon, ikaw pa din ang gusto niya. Ang hirap magparaya pero gagawin ko kasi alam kong hindi naman talaga ako yung gusto niya. Pinagsisiksikan ko lang yung sarili ko sa kanya. Naging masaya ako nung umalis ka. Umasa naman ako na kapag umalis ka, ako naman ang mamahalin niya. Wala e. Ikaw pa din. I even threatened him na kapag hindi niya sinunod lahat ng gusto ko, ipapa-patay ko ang mga kaibigan niya. This time, hindi na siya pumayag dahil alam niya namang ligtas ka." Sabi ni Marielle

Bakit hindi niya ito sinabi sa akin? Pagkatapos ng ilang taon napaniwala niya ako na hindi niya ako mahal. Nasaktan siya pero hindi ko alam.

"Mahal na mahal ka niya, Ziah. Hindi kita kayang palitan sa puso niya. Hindi ko alam kung paano mo ko napalitan sa puso niya pero congratulations. Kapag nireject mo siya. I'll take him back." Sabi ni Marielle bago siya biglang nakatulog

Napatingin ako sa kanilang lahat at nakita kong nakatingin sila sa akin. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko or kung paano ako magre-react sa sinabi ni Marielle. Akala ko ako lang ang nasasaktan sa aming dalawa.

"Could I go visit my room?" Tanong ko

Gusto ko lang munang makapagisip kahit saglit lang. Tumango naman silang lahat bilang tugon. Umakyat na ako ng hagdan at agad naman akong pumasok ng kwarto ko. Nagulat naman ako dahil may nakita akong mga pictures na nakadikit sa wall. Mga pictures ng Section F kasama sila Kuya.

Sa ibang mga picture, wala ako. May nakadikit ding mga Christmas Lights. They designed my room. Ngayon alam ko na, na parte pa rin ako ng Section F.

"Ziah."

Napatingin naman ako dun sa taong tumawag sa akin at nakita ko si Ruki. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko noong nakita ko siya.

"Gusto lang kita imbitahan sa reunion ng Section F bukas. After ng work mo." Sabi ni Ruki

Umasa ako ngayon na sana in-explain niya sa akin kung ano yung sinabi sa akin ni Marielle kanina pero alam ko namang wala siyang balak mag explain. Siguro pag handa na siya.

"Sure." Sabi ko

Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto ko pero nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Let's stay like this for awhile. Namiss kasi kita." Sabi ni Ruki

Bakit niya ako kailangan pakiligin? Teka. Hindi ko naman kailangan kiligin ah. Don't tell me. No. Wala na akong feelings para sa kanya. Nagulat lang siguro ako.

"Ruki. I have to leave. Hinihintay na ako ni Damon." Sabi ko

Not to hurt him naman intentionally pero hindi naman talaga ako nakapagsabi kay Damon na pupunta ako dito ngayon.

"Siya na ba ang bago mo ngayon?" Tanong ni Ruki bago siya kumalad sa pagkakayakap niya sa akin

"No. Best friend ko siya. We've been there for each other for 8 years now." Sagot ko bago ako umalis

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope you enjoyed reading this chapter!

——— TO BE CONTINUED ———hi!i hope you enjoyed reading this chapter!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now