Chapter 10

1.8K 51 1
                                    

Ziah's POV:)
Nung nalaman ko na sa hospital na namin magta-trabaho si Keegan, nagsimula na akong pumasok ng maaga. Hindi dahil sa gusto ko siyang makita. Ayoko lang malate. Noong nasa Korea ako, lagi niya akong napapagalitan dahil late ako magising or dumating.

Nagpapahangin ako ngayon sa rooftop ng may narinig akong taong umiiyak. Napalapit naman ako doon sa pwesto na kung saan ko naririnig ang mga iyak. Lalaki naman ang nakita kong umiiyak.

Lumapit ako doon sa lalaking umiiyak. Agad ko namang nilabas ang panyo ko mula sa bulsa ko ay inalok iyon sa kanya. Napantingin naman siya sa akin. Dahan dahan niya namang tinanggap ang panyo ko. Mukha siyang mas bata sa akin. Mukha din siyang intern dito.

"Sorry po kung nagulo ko po kayo." Sabi niya

Magalang siya at gwapo din siya. Yan ang gusto ng mga babae sa isang lalaki. Hindi sa type ko siya. Natutuwa lang ako sa kanya. May mga lalaki pa palang katulad niya.

"Hindi mo naman ako nagulo." Sagot ko

Hindi naman sa ayaw kong makipag kaibigan sa kanya pero sa tingin ko lang na sapat na ang mga kaibigan na mayroon ako ngayon. Kung magkakaroon man ako ng bagong kaibigan, sana yung mapagkakatiwalaan ko. Aalis na sana ako nang bigla siyang sumigaw.

"I'm Killian!" Sigaw niya

Pagkatapos niyang sabihin yun, agad naman akong dumiretso sa emergency room. Pagdating ko ng emergency room, nandoon na agad si Keegan. Inaasikaso niya ang mga pasyente. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na may namatay na, na pasyente sa kamay ko. Gusto ko mang sabihin sa kanya, hindi ko lang alam kung paano.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya at agad siyang tinulungan. Hindi niya napansin na ako ang tumutulong sa kanya dahil masyado siyang naka focus sa ginagawa niya. Lagi kaming busy dito sa loob ng emergency room. May mga oras din na kailangan naming mang operate. Keegan is actually so good inside the operating room. Ilang taon na din siyang doctor.

Noong natapos na siya sa ginagawa niya, bigla siyang napantingin sa akin at ngumiti. Which is so odd. Nung nasa Korea kami, lagi siyang naka poker face. He never really showed his smile. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Ano kayang nakain niya?

"Kanina ka pa daw nandito. Hinanap kasi kita agad nung pagpasok ko. Sinabi naman nila sa akin na nag break ka saglit. Lunch na. Kumain ka na ba? Sabay na tayong kumain?" Tanong ni Keegan

Anong nangyayari sa kanya? Bakit parang nagiba yung ugali niya? Hindi naman siya ganito. He's arrogant at lagi siyang galit. Bakit parang sobrang bait niya ata ngayon. Dati naman wala siyang pakielam kung nakakain na ako. Mas importante pa sa kanya ang trabaho.

"Why are you suddenly acting this way?" Tanong ko

I couldn't handle my curiosity anymore. Masyado na siyang weird ngayon. Hindi naman kasi talaga siya ganito e. Alam ko namang kahit sino pwedeng magbago pero wala namang nagbabago ng ganon kabilis e.

"Hindi na naman ako yung boss mo dito. Nung sinabi ko sayong ayoko sa Pilipinas, isa lang yung kasinungalingan. Hindi lang ako nagkaroon ng magandang memory dito. I just realized that I shouldn't blame anyone for what happened in the past. I never lied about memorizing the Filipino language though. My girlfriend and I took a vacation here a few years ago. Akala ko magiging masaya yung bakasyon namin dito pero mali ako. Nakipagbreak siya sa akin nung unang araw namin dito. Mayroon pala siyang ibang lalaki. She just used me to get here. That's when I started to hate girls. It stopped when I met you. Narealize ko na hindi pala kayo pare-pareho. I still acted cold towards you to protect myself." Sagot ni Keegan

First time to nangyari. Hindi kasi siya ganito kadaldal. I'm surprised na marami siyang nasabi ngayon. I never knew that Keegan had a girlfriend though. Akala ko ganon lang talaga yung ugali niya. Noon kasi kapag pinapagalitan niya ko, laging may lumalabas na masasakit na salita mula sa kanya. Tiniis ko yun. Hindi ko alam na nasaktan pala siya.

"I'm sorry." Sabi ni Keegan

Hindi niya naman kailangan mag sorry sa akin e. Dati pa naman nangyari yun e. Hindi na dapat natin inaalala kung anong nangyari nung nakaraan. Hindi mo na naman mababago ang desisyon mo nun e. Nangyari na e.

"It's fine. You don't have to apologize. I completely understand why you acted that way towards me. I forgive you." Sabi ko

Parang nakakahiya siguro kung kasama ko na siya palaging kakain ngayon. Gagawa na lang siguro ako ng rason para hindi siya makasamang kumain. Sa totoo lang, sanay na kong magisa.

"Sorry. May kailangan kasi akong gawin e. Pwedeng next time na lang tayo kumain ng lunch." Sabi ko bago naglakad paalis

Agad naman akong lumabas ng ospital at nagpunta sa malapit na coffee shop. Nakita ko namang nakatambay doon ang iba kong mga kaklase sa Section F. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob at nag order ng frappe. Pagkakuha ko ng order ko. May nabangga ako at natumba ako sa sahig.

Tumingin naman ako doon sa taong nabangga ko at nakita ko si Killian. Nakakahiya naman to. Halos lahat ng tao dito sa loob ng coffee shop nakatingin sa akin. Ang awkward. Nagulat naman ako ng biglang lumuhod si Killian sa harap ko. Pupunasan niya na sana ang damit ko pero bigla ko siyang pinigilan.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit sa amin si Ruki. Lumuhod din siya sa harap ko at binigyan ako ng blankong expression.

"Masaya bang makipaglandian?" Tanong ni Ruki

Gago pala siya e. Akala niya ba nakikipaglandian lang ako ngayon? Ang sarap talagang hampansin nitong isang to sa ulo.

"Akala ko ba nakikipag landian lang ako?" Tanong ko

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! if you have any ideas please feel free to leave a comment in the comment section. my dm's are also open for your messages, feel free to send a message!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang