Chapter 4

2.1K 60 2
                                    

Ziah's POV:)
Nagaya na si Kuya na pumasok sa loob, kaya lumabas na ako ng kotse. Kailangan kong kalmahin ang sarili. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng bahay.

"Dito ka muna. Pag narinig mo na may nagtanong kug ano yung surprise ko, pumasok ka na kaagad ah." Sabi ni Kuya bago pumasok sa loob

Narinig ko naman sa loob ang mga pamilyar na boses. Katulad ng boses ni Z, Jin at ni Ruki. Pagkatapos naman ng ilang minuto narinig ko nang may nagtanong kay Kuya. Agad naman akong pumasok sa loob, napatingin naman silang lahat sa akin.

"Z-Ziah?" Gulat na tanong ni Viel

Parang nakakita naman sila nang multo nung pumasok ako. Yung iba naman parang ngayon lang ako nakita. Yung tipong parang hindi nila ako nakita dati.

"It's nice to see you again, guys." Sabi ko na may kasamang maliit na ngiti

Biglang lumapit sa akin si Z at hinila ako para sa isang yakap. Akala ko naman kung anong gagawin niya. Niyakap ko din siya pabalik.

"Hayup ka. Kayla Jin ka lang nagsabi na aalis ka na pagkatapos ng isang linggo. Hindi ka manlang nagsabi sa amin ni Javier." Sabi ni Z na mukhang iiyak na siya

"I'm sorry. Kailangan ko lang talagang umalis agad noon. Nakalimutan ko nang magsabi." Sabi ko

Kumalas na siya sa pagkakayap. Agad niya naman pinunasan ang mga luha niya. Siguro sila na ni Kuya. Ilang taon na rin yung nakalipas no. Impossibleng hindi pa naging sila after all these years.

"Ziah."

Napatingin naman ako dun sa tumawag sa akin at nakita ko si Kuya Zander. Mas lalo siyang gumwapo. Rinig ko model na siya e. Nung una talaga akala ko pinsan ko lang siya. Hindi ko siya kinausap noon pero tanggap ko na siya bilang kapatid ko.

"Kuya." Maiksing sabi ko

Nanlaki naman ang mga mata nila. I've grown up. Pagkatapos ng ilang taon natutunan ko na kung paano maging mature. Natutunan ko na ding tanggapin yung mga bagay na wala sa control ko.

"Oi friend! Hayup ka! May future ka ba? Nagaral ka na ba ng mabuti?" Tanong ni Clarice

Magto-tropa na ba silang lahat? Parang lahat sila nandito e. Hindi pala parang dahil lahat talaga sila nandito. Pati si Ruki nandito din. Palagi kasi siyang wala sa mga ganito noon. Masaya naman ako na nandito siya. Naging magkaibigan pa rin naman kami.

Pwede pa rin naman kaming maging magkaibigan na dalawa. Kailangan lang namin ayusin yung mga nangyari sa nakaraan. Tanggap ko na, na si Marielle ang mahal niya. Katulad nga ng sinabi ko natuto na kong tanggapin ang mga bagay na wala sa control ko.

"I'm actually a doctor now. I graduated after 7 years of studying medicine." Sagot ko

Yung mga mukha nila parang gulat na gulat sila. Hindi ko ine-expect na makita sila na ganito ka close sa isa't isa. Lagi kasi silang nagaaway nung highschool pa kami. Hindi nga nila ganon kakilala isa't isa nung highschool pa kami e. Siguro nga nung umalis ako, marami nang nagbago.

"Wow. Paano ka tumalino, sis?" Tanong ni Eunice

"Wala naman. Nagaral lang ako ng mabuti." Sagot ko

Ruki's POV:)
She's back. Sobrang ganda niya na ngayon. Masaya ako na nandito na siya. Tama ngang hinintay ko siya. Kung titignan mo siya ngayon, mukhang hindi na siya naapektuhan na nandito ako.

Hindi niya na ba ako gusto? Napakahirap nang basahin ng mga emosyon niya dahil blanko lang ang expression niya. Hindi na katulad ng dati. Ngumingiti siya pero maliit lang.

Malaki na yung pinagkaiba niya. Pumuti na siya, mas lalo siyang tumangkad, mas lalo din siyang gumanda at naging tahimik na siya. Hindi na siya yung katulad ng dati na palaging madaldal. Naging mas mature na siya. Namiss ko siya. Sana alam niya na hanggang ngayon siya pa din ang mahal ko.

Naging duwag akong tao noon pero ngayon handa na akong protektahan siya kahit na i-sakripisyo ko pa yung reputasyon at buhay ko para sa kanya. Hindi ko nagawang maipaglaban yung nararamdaman ko para sa kanya noon pero ngayon, alam ko nang maipaglalaban ko na yung nararamdaman ko para sa kanya.

Ziah's POV:)
Tinignan ko si Jin. Napansin kong nakatingin din siya sa akin. Tagal na naming hindi naguusap. Nginitian ko naman siya. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa ginawa ko.

"Bes. Shit! Tinalo mo na ang ganda ko." Sabi ni Kylee

Did I mention that Kylee is Damon's sister. Hindi alam ni Kylee na si Damon ang kasama ko sa Korea. Hindi naman kasi nila kinakausap ang isa't isa. Kaya hindi alam ni Kylee na kasama ko ang Kuya niya. Hindi niya nga alam na best friend ko si Damon e.

"No. Mas maganda ka pa rin talaga sa akin." Sabi ko

I'm not lying. Hindi naman ako nagagandahan sa sarili ko e. Kahit na sinasabi nila na maganda ako, palagi ko namang dine-deny. Wala akong confidence na sabihin sa sarili ko na ang ganda ko.

"Humble as always. Sa itsura mong yan, pwede ka nang maging KPOP idol." Sabi ni Kylee

Nagulat naman ako ng may biglang pumasok sa loob ng bahay namin. Nung pagtingin ko, nakita ko si Marielle. Close na din ba sila sa kanya? Bakit siya nandito?

"Well. Siguro eto ang dahilan kung bakit nakipag break sa akin si Ruki. The love of his life is back. How was Korea, Doc?" Tanong ni Marielle

Ano namang ibig sabihin niya dun? Hindi naman ako ang mahal ni Ruki. Don't tell me that Ruki used me to make her jealous.

"Why are you here, Marielle?" Tanong ni Ruki

"Aww don't be so cold, Ruki. I invited myself here because someone forgot to invite me. Don't you remember, Ruki? I love surprise parties." Sagot ni Marielle bago tumingin kay Kuya Javier

So hindi sila close sa isa't isa? Bakit ba sa tuwing gusto kong maging masaya kasama nang mga kaibigan ko, palagi siyang nandito para sirain lahat ng iyon? Bakit nga ba nakipag break si Ruki sa kanya?

"Alam mo ba kung bakit walang choice si Ruki kundi ang saktan ka noon?" Tanong ni Marielle

Ano? Sinaktan ako ni Ruki noon dahil sinabi niya sa aking mahal ka pa rin niya. Ano naman tong sinasabi niya ngayon?

"You should stop talking, Marielle. Wala ka dapat dito ngayon." Sabi ni Enzo

Biglang lumapit sa akin si Marielle at hinawakan ang mukha ko. Amoy alak siya. She's in her drunk state right now.

"Why? Why can't I be like you, Ziah? You are loved by everyone. Why can't I have that? Sinubukan kong kunin ang lahat ng bagay na meron ka pero hindi ko nagawa e. Masama ako sa paningin nila, Ziah. Deserve ko naman ang mahalin diba? Why? Why can't I have it?" Tanong ni Marielle

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )On viuen les histories. Descobreix ara