Chapter 14

1.6K 45 1
                                    

Ziah's POV:)
Napatingin naman ako kay Keegan pero hindi na siya nakatingin sa akin. I want to apologize dahil hindi ko maibabalik sa kanya yung nararamdaman niya para sa akin. Kung hindi lang si Ruki ang una kong nakilala edi masaya na sana ako sa iba ngayon.

It's not that I regret meeting Ruki pero parehas sana kaming hindi nasaktan kung hindi lang namin nakilala ang isa't isa. Lumabas na ko mula sa opisina ni Keegan at dahan dahang sinara ang pinto niya.

Nakita ko naman si Jin na nakaupo dun sa may bench sa gilid. Ano namang ginagawa niya dito? I mean, we just met each other awhile ago. Lumapit ako kay Jin. Napatingin naman siya sa akin.

Napatayo siya sa inuupuan niya noong malapit na ako sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang ngumiti sa akin. What the hell is happening? Yung mga taong hindi ko pa ine-expect na maging ganito biglang nag babago.

"I'm here to take you home." Sabi ni Jin

I'm not used to this yet. Noon nasa Korea kasi ako si Damon ang laging naghahatid sundo sa akin. Sa iisang bahay lang naman kasi kami nakatira e.

Tumango na lang ako bilang tugon at agad siyang sinundan papunta ng coffee shop. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung paano ko sasabihin kay Keegan na hindi ko siya gusto.

I actually didn't expect him to have feelings for me. He's even the last person that I expect catching feelings for me. Napahinga ako ng malalim. Ngayon ko lang napansin na nakatayo na pala kami sa harap ng kotse niya.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako pinagbuksan ng pinto ni Jin. Kung saan saan kasi napapadpad yung utak ko. Agad naman akong pumasok sa kotse niya.

Pumasok na din siya sa driver's seat at agad na binuksan ang makina ng kotse niya. Napapaisip din ako ngayon kung may nararamdaman pa ba ako para kay Ruki. It can't be.

Bakit ba kasi napaka complicates ng buhay ko? Ayoko mang i-reject si Keegan pero wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya. Masasaktan ko lang siya. Hindi ko naman kasi talaga maibabalik sa kanya ang nararamdaman niya e.

"Ziah."

Parang nangyari na to dati sa akin. Parang nangyari na sa amin to ni Jin. Parang deja vu lang.

"Ziah!"

Bigla akong natauhan nung bigla na lang sumigaw si Jin. God. Bakit bigla bigla naman siyang sumisigaw dyan? Narealize ko naman na nasa parking lot pa rin kami ng hospital.

"Bakit nandito pa rin tayo?" Tanong ko

Baka lutang din si Jin or ako lang yun? Kanina pa ba niya ako tinatawag? I've really been thinking a lot lately. Ngayon lang pala yung ganito kalala.

"Diba sabi ko sayo iuuwi na kita. Kanina ko pa tinatawag yung pangalan mo. Masyado naman atang  malalim yang iniisip mo at hindi mo narinig yung pagtawag ko sa pangalan mo. Tatanungin ko lang sana kung saan ka nakatira." Sabi ni Jin

Right. Gago. Hindi ko napansin na ganon na pala kalalim yung iniisip ko.

"Right. Dun lang ako nagsa-stay ngayon sa Shangri-la Hotel." Sabi ko

Tumango naman siya bilang tugon at nagsimula nang mag drive. Hindi katulad ng bahay namin kung saan nakatira sila Kuya Javier na walking distance lang, yung kinuha na hotel ni Damon medyo malayo so kailangan talaga ng kotse.

Wala rin kasi akong oras para matuto mag drive kaya pag nandyan si Damon, lagi niya akong hatid sundo. Pag wala naman, no choice ako kundi mag commute.

Marunong naman akong gumamit ng motorcycle pero ang panget naman tignan kung mag gaganon ako papasok.

"Bakit parang ang lalim naman ng iniisip mo ngayon? May problema ka ba?" Tanong ni Jin

Knowing Jin for 8 years now, I knew that he would ask me these types of questions. He tends to worry a lot kahit wala ka naman talagang problema. He's always thoughtful and I admire him for that.

"It's nothing important. Wala din akong problema ngayon. Don't worry. I'm fine." Pagsisinungaling ko

Natutunan ko na ding magsinungaling simula noong umalis ako ng Pilipinas. Dati kasi halos araw araw akong umiiyak nang dahil kay Ruki. Lagi namang tinatanong ni Damon kung bakit ako umiiyak at lagi ko namang dinadahilan sa kanya na dahil lang sa movie yun.

Syempre kapag movie ang dinadahilan ko, lagi akong may laptop sa harap ko. Kung hindi naman movie, sinasabi ko sa kanya na may nang bu-bully sa akin sa school which doesn't really end well because he ends up visiting my school.

"You learned how to lie now, huh?" Tanong ni Jin

What? Paano niya naman nasabing nagsisinungaling ako? Masyado ba akong halata?

"What? Paano mo naman nasabi na nagsisinungaling lang ako sayo?" Tanong ko

He looked at me for a second. Mabilis niya namang binalik ang tingin niya sa daan. Napangisi naman siya.

"I just felt like you did. You're too easy to read. Akala ko ba wala na tayong itatago sa isa't isa? We're best friends, Ziah. Do you think I'm that dumb not to know when you're lying?" Tanong ni Jin

Ngayon ko lang narealize na hindi pala gumana ang pagsisinungaling ko kay Damon. He probably never believed me when I lied. I'm too bad at this.

"Fine. Someone just confessed his feelings to me. He told me that he likes me at hindi ko alam kung paano ako magre-react. Ayoko naman siyang masaktan kaya nagiisip ako ng paraan kung paano ko siya ire-reject. Naisip ko nga lang na wala namang ibang paraan ang pag reject. Masasaktan ko pa rin siya kahit anong gawin ko. Hindi naman ako sigurado kung may nararamdaman ba ko para sa kanya pero kapag niyayakap niya ako, bumibilis ang tibok ng puso ko." Sagot ko

He suddenly cleared his throat.

"Alam mo Ziah. Hindi ka naman talaga makakahanap ng paraan na mang reject nang hindi mo nasasaktan yung tao e. Gusto ka niya at kapag gusto ka ng isang tao, hindi mo maiiwasan ang masaktan siya. Don't expect anyone not to get hurt after getting rejected. Trust me. Hindi ko man sinabi sayo noon na nasaktan ako after mo kong i-reject pero ganon naman talaga." Sabi ni Jin

Siguro nga tama siya. Kung ako nga sa sarili ko, takot akong mareject e. Sila pa kaya. Ano pa bang magagawa ko diba? Hindi ko naman siya pwedeng paasahin. Mas masakit naman yun.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! if you have any ideas, feel free to leave a comment in the comment section.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon