Chapter 35

1.1K 35 1
                                    

Ruki's POV:)
Nagising ako sa lakas nang alarm clock sa loob ng kwarto na tinutulugan ko. Tinatamad pa akong bumangon pero may pupuntahan pa kaming event ngayon, isa yun sa mga hiling ni Ziah.

Pumunta ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Nagsuot ako ng isang simpleng itim na tshirt at pantalon. Hindi ko na inayos ko na ang buhok ko dahil wala na akong gana magayos.

Wala namang pake ang tao kung anong itsura ko sa event. Wala din naman akong pakielam sa itsura ko. Sanay naman akong nakikitang ganito yung buhok ko. Nung high school ganito na yung buhok ko.

Wala na naman akong pagaayusan e so bakit ako mage-effort para sa wala? Nagaayos lang naman ako dati at dahil naman yun kay Ziah pero ngayon nawalan na ako nang gana. Kung nandito lang siya, bakit hindi diba?

Bumaba na ako sa hagdan at agad ko naman silang nakita na nasa dining table na kumakain. Wala rin akong gana kumain ngayon so nagpunta na lang ako sa living room at naupo sa couch.

Hindi kasama ang mga kapatid ni Ziah sa event kaya wala sila dito ngayon. Siguro natutulog pa rin sila sa mga kwarto nila o hindi kaya pumunta sila sa kani-kanilang mga trabaho nila. Kung hindi man sila pumasok, siguro hinahanap nila si Ziah ngayon. Hindi kami pwedeng magkaroon ng burol kung walang katawan.

Gusto ko, ako ang maghahanap sa katawan ni Ziah pero ayaw nilang gawin ko yun. Sinabi nila sa akin na dapat ko na lang sundin ang mga hiling ni Ziah sa akin. Sa totoo lang, mas importante sa akin ang mahanap ko si Ziah bago ko gawin to pero hindi naman nila ako hahayaang gawin yun.

Parang nawalan na din ako nang ganang mabuhay. Hindi ko alam kung bakit. Parang hindi ko na maramdaman yung kaluluwa ko sa loob ko. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng isip ko.

Bigla ko namang may naramdamang tumabi sa akin. Napatingin ako at nakita ko si Matt. Tinignan ko lang siya nang ilang sandali at umiwas na nang tingin. Wala rin ako sa mood makipagusap sa mga tao ngayon pero naisip ko na kailangan ko nga pala magsalita mamaya. Huminga ako ng malalim. Gagawin ko para kay Ziah.

"Bakit kaya kailangan mangyari ang lahat nang to kay Ziah? She's an angel and yet she always suffers a lot. Noon mahilig pa siyang umiyak sa tuwing may problema siya but now after seeing her before she died parang naging matapang na siya. She's fighting her own battles now. Hindi ko manlang natanong kahit isang beses sa kanya kung ayos lang ba siya. Akala ko okay lang siya pero mali ako. Sanay akong nakikita siyang masaya but all this time under that smile of hers was a world full of pain. I didn't know that she was in pain until this happened. Until I saw her suffer with my own eyes. Ruki, naging bulag tayo sa mga nangyari. Walang ni isa sa atin ang nagtanong sa kanya kung ayos lang ba siya." Sabi ni Matt

Tama siya. May mga taong sobrang sanay tayong nakikitang masaya na hindi na natin namamalayan, sila pa yung nagsu-suffer. Minsan lang talaga, kailangan nating mag obserba para malaman natin kung ano talagang nangyayari.

"Yes. She's an angel sent here on earth. Hiniling ko lang na sana nag open up siya sa atin. Kaibigan din naman natin siya e. Hindi naman masama kung magke-kwento ka sa mga kaibigan mo. You don't have to fight all of your battles alone. Dapat alam mo na nandito lang ang mga kaibigan mo para sa iyo kahit ano pa yung pinagdadaanan mo. They'll always be here to protect and guide you kahit sila pa ang masaktan." Sabi ko

I couldn't believe that she sacrificed herself for us. Totoo na nasasaktan ako nung panahong nakakapit pa rin siya sa akin pero nung oras na yun. Hindi ko na pinansin yung sakit na nararamdaman ko. Naka focus lang ako sa pagligtas ko sa kanya pero siya na mismo ang bumitaw.

Alam niyang nasasaktan na ako pero hindi ko na yun pinansin dahil ang importante ay ang mabuhay siya. Oo, sobrang sakit na nang balikat ko nun pero ang inisip ko na lang nun ay mas lalo akong masasaktan kapag bumitaw ako. She did. Wala na akong ibang magawa kung hindi ang masaktan.

"Alam niya na nasasaktan ka na. Alam niya kung kailan niya na kailangang bumitaw. Alam mo Ruki, wala na rin naman kaming ibang magagawa kung hindi tanggapin ang lahat nang mga nangyari. Nasasaktan kami. Alam namin pero ano pa bang magagawa namin? Hindi namin siya maliligtas." Sabi ni Matt

Hindi ko pa rin kayang tanggapin na patay na siya. Hindi ko pa rin tatanggapin na patay na siya hangga't hindi ko pa nakikita ang katawan niya. Kapag walang katawan, maniniwala pa rin ako na buhay siya kahit alam kong walang kasiguraduhan.

"I should have told her that Damon survived. He fucking survived from that accident. Buhay siya dahil lumaban siya para kay Ziah. He's doing fine right now. Hiniling niya lang sa akin na itago ko mula kay Ziah. Siguro buhay pa si Ziah ngayon kung sinabi ko iyon sa kanya. Hindi din magagalit sa kanya ang pamilya ni Damon kung alam nila." Sabi ko

Yes. Buhay pa si Damon. Akala din naming lahat na nag flat line na siya but a miracle happened. He asked me a favor though. He told me to tell them that he was dead so eventually they think that he's dead. Nakakagalaw na rin siya ngayon. He could even talk properly now. Paano kung nalaman niyang wala na si Ziah?

"He's alive?" Gulat na tanong ni Matt

Tumango lang ako bilang tugon. Walang nakakaalam ibang nakakaalam kung hindi ako. I was there when that accident happened. Hindi ko naman dapat alam na buhay siya pero nakita ko siya sa hospital nang isang beses.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil lahat na sila tapos na kumain. Lumabas na ako nang bahay at nagpunta nang parking lot. Sana sinabi ko sa kanya ang lahat.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to mesaage me in my twitter account: @/xrhkx.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now