Chapter 3

2.2K 57 1
                                    

Ziah's POV:)
Pagkatapos ng ilang oras na paglalakbay, nakadating na din ako sa Pilipinas. Pagkatapos ng ilang taon naamoy ko na ulit ang hangin ng Pilipinas. I'm finally back.

Aasikasuhin ko muna ang mga bagay na dapat kong asikasuhin. Kailangan ko munang pumunta sa ospital. Sabi kasi ng director namin, pagdating ko dito sa Pilipinas agad akong pumunta doon.

"Pupunta muna ako sa hospital. Pumunta ka na sa hotel management tutuluyan natin." Sabi ko kay Damon

Tumango lang si Damon bilang tugon at agad namang umalis. Hinila ko na ang maleta ko palabas ng airport. Naghintay naman ako doon sa may sakayan ng taxi.

~ TIMESKIP: HOSPITAL ~

Nang makarating ako sa ospital, naglakad ako sa hallways. Kailangan kong makita yung director ng ospital na to. Kailangan ko din malaman sa kanya kung saan ang opisina ko. Buti na nga lang kinausap ng director namin yung director dito, para bigyan ako ng oras na magbakasyon saglit. Nang makarating ako sa tapat ng opisina ng director, agad naman akong kumatok sa pinto.

"Come in." Narinig kong sabi ng director

Agad naman akong pumasok sa opisina niya. Naglakad ako papalapit sa kanya. Nagulat naman ako ng makita ko si Kuya Javier. Don't tell me director siya dito?

"Ikaw ba yung isa pinaka magaling na doctor nila sa Korea?" Tanong ni Kuya Javier pero hindi siya tumingin sa akin

Siguro sinuggest lang nila ako. Hindi niya siguro alam na ako pala yung doctor na sinuggest nila. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na siya yung director dito. Noong hindi ko sinagot yung tanong niya, doon lang siya napatingin sa akin. Lumaki naman ang mga mata niya dahil sa gulat.

"Ziah. Why are you here? Don't tell me ikaw yung doctor na nagaral ng pitong taon lang?" Tanong ni Kuya Javier

Parang hindi kapani-paniwala no? Dati kasi puro bagsak ang mga grades ko. Ngayon naman, I'm known as one of the greatest doctors in Korea. Hindi ko nga ine-expect na makakagraduate ako ng ganon kaaga e. It's fine though dahil alam kong I've worked really hard for it.

"Yes. I'm that doctor." Sagot ko

Minsan yung hindi mo pa inaasahang mangyari, yun pa yung mangyayari. Hindi ko naman ine-expect na papasa ako.

Hindi ko din ine-expect na makikita ko yung kapatid ko dito bilang isang director dito sa ospital. Things really happen unexpectedly.

Tumayo naman si Kuya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Nagulat naman ako ng bigla niya kong yakapin ng sobrang higpit.

"I missed you." Sabi ni Kuya

"I missed you too." Sabi ko bago ko siya niyakap pabalik

"Nakita mo na ba sila ulit?" Tanong ni Kuya

Gusto ko silang bisitahin pero hindi ko alam kung galit ba sila sa akin. Masaya nga ako e dahil hindi galit sa akin si Kuya. Nagpaalam ako sa kanya pero hindi niya na ako nakita umalis ng Pilipinas.

"No." Maiksing sagot ko

"Bakit naman hindi? Tara. Sabihin ko sa kanilang kitain tayo sa bahay. Kailangan mo na silang makita ulit. You don't know how much they've missed you." Sabi ni Kuya

Hindi ko alam na ganito na pala kadaldal si Kuya. Siguro nagpalit na kami ng pwesto ngayon. Dati kasi tahimik lang siya ngayon ako naman yung hindi na mahilig magsalita. Sa Korea kasi wala na akong masyadong nakausap.

"Alright." Sabi ko

Mukhang excited siya para sa akin. Siguro nga dahil hindi na ako nagkaroon ng oras noong pumunta ako ng Korea.

"Dadalhin na lang kita sa opisina mo pagpasok mo." Sabi ni Kuya

Hinawakan naman ni Kuya yung kamay ko at hinila palabas ng ospital. Maraming mga nurse and mga ka opisina ni Kuya ang nakatingin sa amin. Nagbubulungan naman yung iba. Kung makipagbulungan naman sila akala mo naman hindi sila rinig.

'Ang ganda niya. Girlfriend kaya yan ni Sir Javier?'

Girlfriend? Kung alam lang nila na kapatid ko to. Mandidiri sila sa sinasabi nila. Masyado kasi sila naga-assume.

'Ang landi niya, bes. First day pa lang niya dito pero nilandi niya na agad si Sir Javier.'

Kung iisipin niyo parang nakakadiri namang pakinggan. Kapatid ko to. Ayokong maging incest.

'Ganda niya sana kaso nilandi agad si Sir.'

Hindi ko alam kung maiinis ba ko sa mga sinasabi nila or matatawa e. Thank you na lang siguro sa compliment.

"Yan yung bagong dito diba? Close na sila agad ni Sir Javier?'

Malamang close na kami agad. Magkapatid kami e. Napailing na lang ako.

'Gwapo ni Sir no? Epal lang si girl.'

Yung kapatid ko gwapo? Nakakatawa. Kung ako epal, ano pa kaya siya?

'Baka sineduce niya si Sir.'

Sineduce ko ang sarili kong kapatid? How low of me.

Kung alam lang nila na kapatid ko to, babawiin niyo lahat ng sinabi niyo. Humanda sila sa unang araw ko dito. Tignan na lang natin kung sino mapapahiya sa atin.

Kadiri naman. Ayokong magkaroon ng boyfriend tapos kapatid ko lang pala. Natanga pa talaga akong malandi. Tusukin ko sila ng injection dyan para matauhan sila e.

Hindi ko narealize na nasa parking lot na pala kami. Nag wave lang ng kamay si Kuya sa harap ko. Ngayon ko lang narealize na pinagbuksan niya pala ako ng pinto. Agad naman akong pumasok sa kotse niya.

Pumasok na din si Kuya sa loob ng kotse niya at binuksan na yung engine. Yaman naman pala neto ni Kuya e. Ang ganda ng kotse niya.

"Don't mind my co-worker. Ganon lang talaga pag gwapo ang Kuya mo. Mapapahiya din naman yang mga yan sa first day mo pag pinakilala na kita sa kanila." Sabi ni Kuya

Parehas ba kami ng iniisip neto ni Kuya? Or sadyang ganito lang talaga pag magkapatid?

"Naiintindihan ko naman, Kuya." Sabi ko

Nagsimula nang mag drive si Kuya. Kinakabahan ako ng onti dahil walong taon na ang nakalipas noong huli ko silang nakita lahat.

Medyo excite din ako. Hindi ko naman ine-expect na makikita ko na sila ulit ngayon. Hindi ko pa pala nasasabi kay Damon pero ipapaalam ko na lang sa kanya paguwi ko.

Magiging masaya siya kapag nakita niya na ulit sila Kuya at yung mga kaibigan niya dati. Sana nga bago umalis si Damon noon ng Pilipinas ay naayos na nila yung pagkakaibigan nila.

Pagkatapos ng ilang minuto ng pagda-drive, nakarating na kami ni Kuya sa dati naming bahay. Namiss ko tong bahay na to. Ilang taon din akong hindi nakatapak dito. Namiss ko din yung mga taong nakatira dito. Bigla naman akong kinabahan.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now