Chapter 29

1.1K 36 1
                                    

Ziah's POV:)
Pinagluto naman kami ng magulang ni Kylee. Wala naman akong magawa kung hindi ang panoorin lang silang nagkekwentuhan. Akala ko sisihin nila ako sa mga nangyari pero hindi.

Hindi nila ako sinisi sa mga nangyari pero hindi pa rin ako sigurado kung hanggang kailan yan dahil may iba pang mga kapamilya si Damon. Hindi ko alam kung sisisihin ba nila ako or hindi. Sabi nga ng mommy ni Damon, hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari.

Hindi ko alam. I just can't stop overthinking about it. I tend to overthink so much kahit na I should trust and wait sa kung anong mangyayari. Hindi ko pa rin mapigilan kabahan sa mga mangyayari. I don't like this feeling. Yung tipong palagi na lang ako kinakabahan tapos wala naman pala talagang mangyayari.

I just can't help it kasi sobrang nakakapagtaka. Mukhang hindi affected sila Ruki sa pagkamatay ni Damon but I get it naman. Hindi sila close.

Tumingin naman ako kay Ruki at nagulat naman ako dahil nakatingin din siya. Magiging awkward kapag patuloy ko pa siyang titignan kaya binawi ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang ako sa pagkain ko. Patuloy ko naman itong pinaglaruan. Wala kasi akong ganang kumain e, although nakakahiya naman sa parents ni Kylee and Damon kung hindi ko kakainin yung hinanda nila.

"Ziah."

Nung may tumawag sa pangalan ko, agad naman akong napatingin. Ang mga magulang naman ni Damon at Kylee ang tumawag sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko at binigyan sila nang isang pilit na ngiti

Napaka peke ko. Hindi ko kasi kayang sumabay sa kanila. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang ngumiti ngayon. Hindi ko kayang makisabay sa mga pangiti ngiti nila. It's just too hard for me. Siguro kasi ako yung palaging kasama ni Damon at hindi naman sila.

"Could you tell me more about Damon." Sagot ng nanay ni Damon at Kylee

Ruki's POV:)
She looks so shocked when Kylee's mother asked her to tell her more about Damon. Mukha siyang patay ngayon pero wala naman akong magawa para sa kanya. I could only watch her suffer on her own.

Kahit anong gawin ko, alam kong hindi ko mapapagaan ang loob niya. Hindi sa ngayon. She rejected me at alam kong wala na siyang gusto sa akin.

Dapat ko na siya hayaang maging masaya. Alam kong dadating din ang panahon kung saan magiging masaya na talaga siya. Hindi lang siguro ngayon. Alam kong kailangan niya lang nang oras tanggapin ang lahat.

"He was the perfect best friend. Kung may nagkakagusto man sa kanya then sobrang swerte na nila kasi boyfriend material si Damon. Ma-effort siya. Palagi din siyang nandito sa tuwing malungkot ka. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na siya. Sino na ang taong magpapatahan sa akin sa tuwing umiiyak ako? Ayokong masanay nang wala siya sa tabi ko. Alam ko naman na marami pa akong kaibigan na nandyan para sa akin pero mas sanay ako na nandyan si Damon para sa akin. I know that it's selfish." Sabi ni Ziah habang nakatingin sa sahig

Hindi na siya umiyak this time. Siguro kasi naubos na ang mga luha niya. The color of her eyes have diluted and the smile that I loved seeing is gone. Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikitang maging masaya.

Ako yung tipo ng lalaki na hindi alam kung paano magpapasaya ng babae. Hindi ko rin alam kung paano napasaya ni Damon si Ziah tuwing malungkot siya. In the end I never really knew who Ziah is.

Sa dulo kami din pala ang hindi nakakakilala kay Ziah. Maybe because she didn't spend her time with us back when we were in high school. Kahit nung nasa college kami si Damon pa din ang kasama niya.

Si Damon lang talaga ang tunay na nakakakilala kay Ziah. After all, he spent eyes years together. Alam niya kung kailan malungkot si Ziah. Alam niya kung paano mapapasaya si Ziah. I envy him for that because I can't do it.

"I'm sorry. I need some rest. I'll see you guys tomorrow. Thank you for the food, Mr. and Mrs. Williams. Thank you for understanding my side." Sabi ni Ziah bago naglakad paalis

"It's not normal for me to see her act like this. Guys, you know that we need to do something about this right? We need to cheer her up pero hindi ako makaisip ng paraan." Sabi ni Dia

Right. Lahat kami hindi makaisip ng paraan kung paano siya mapapasaya. Ang kailangan niya ngayon ay ang best friend niya.

Jin's POV:)
Gusto ko siyang maging masaya ukit. Hindi ako sanay na nakikita siyang malungkot. Sanay ako na nakikita siyang palaging masaya. Hindi ko manlang naisip na possible din pala siyang maging malungkot.

Biglang natahimik ang mga magulang ni Damon. Ang naiisip ko lang ngayon ay ilagay siya para kumuha ng fresh air pero alam kong hindi niya naman gugustuhing lumabas. She would rather stay inside her room so taking her out for some fresh air would be a bad idea.

Ewan ko yun lang siguro ang naiisip naming lahat ngayon. Lagi na lang kasing nagkukulong si Ziah sa loob ng kwarto niya. Paminsan minsan na lang siya lumalabas. Sa tuwing kakain lang kami.

Pag wala naman siya sa mood kumain, lagi lang siyang nakahiga sa kama niya. Palagi naman kaming nasa bahay nila. Dito na nga kami natutulog lahat para mabantayan namin si Ziah. Malaki naman ang bahay nila so ayos lang. Pumayag din naman sila Javier. Nandito din naman sila sa tuwing kailangan namin sila.

Si Zander naman ang pinaka tahimik sa kanilang lahat. Hindi mo talaga siyang makikitang lumabas nang kwarto niya except ngayon dahil nga nandito ang mga magulang nila Damon.

Kaibigan din naman siya ni Damon pero ang pinakanaapektuhan sa aming lahat ngayon ay si Ziah. Paano ko kaya mapapasaya si Ziah ulit?

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section! thank you for all the support. love you!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now