Chapter 21

1.2K 35 2
                                    

Ziah's POV:)
Nagpunta naman kami ni Kit sa isang mall. Hindi ko alam kung saang mall dahil ginising niya na lang ako noong nakarating na kami. Pinagtititigan kami ng mga tao ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil gwapo yung kasama ko. Hindi kami bagay na maging mag best friend. Gwapo siya at ako naman? Panget.

Kailan ba ako huling nagandahan sa sarili ko? Kailan ko ba huling na-appreciate yung sarili ko? Siguro nung high school pa ako pero matagal na panahon na iyong nakalipas.

Ewan ko kung bakit hindi ko na ulit iyon magawang gawin ngayon. Siguro nga dati, gandang ganda pa ako sa sarili ko pero dati pa iyon. Immature pa ako magisip nun. Galit na galit ako noon sa Section F dahil sa mga masasamang sinasabi sa akin noon pero ngayon, wala na. Malaki na ang pinagbago ko.

Ako na ang nagsasabi sa sarili ko na ang panget ko. Ako na ang hindi nakakaappreciate sa sarili ko. Hindi na ako katulad nang dati.

Nagulat naman ako nung bigla akong hinila ni Kit. Napatakbo naman kami. Tinignan ko siya at napansin kong nakatingin din siya sa akin. Nakangiti siya.

Pagkatapos ng ilang minuto na pagtakbo. Nakarating kaming dalawa sa timezone. Seryoso? Bakit niya ako sa timezone dinala? Hindi na ako mahilig sa mga ganito. Matanda na kaming pareho. Never ko pang naexperience na maglaro sa mga ganito. Wala na kasi akong oras para dito.

Hinila niya naman ako papunta sa karaoke. Naglabas naman siya nang card mula sa wallet niya. Siguro lagi siyang naglalaro dito. Tinap niya naman yung card dun sa may TV.

Inabot niya sa akin ang mic pero tinaasan ko lang siya nang kilay. Hindi ako marunong kumanta. I mean marunong naman ako pero ayokong gawin to.

"Wala akong hilig sa pagkanta. Besides, nandito lang naman tayo para magusap." Sabi ko bago ko siya binigyan ng isang maliit na ngiti

"I got married, Ziah. You were right. May iba pang babaeng kaya akong pasayahin sa mundo. Nung una hindi ako naniwala. Hindi nga ako sigurado kung magiging masaya ba talaga ako nang wala ka pero narealize ko na hindi lang ikaw yung tao na kayang magpasaya sa akin. Naipakita niya sa akin yun Ziah. Sobrang swerte ko dahil nakilala kita, Ziah. Ang swerte ko dahil nandyan ka para sa akin bilang best friend ko. Gusto ko lang magpasalamat dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka dito. Alam kong malungkot ka pa rin. Dinala kita dito dahil dun. Gusto kong ikaw naman ang maging masaya." Sabi ni Kit

Pinapaiyak niya naman ako ngayon. Hindi dahil sa malungkot ako. Masaya nga ako e. I'm happy that he's married with someone else. Hindi ako nagkamaling i-reject siya.

Masakit isipin na nasaktan ko siya noon pero ngayon masaya na ako para sa kanya. Matagal din kaming hindi nagusap. Hindi ko manlang siya nakitang ikasal. Sobrang swerte nung babae na pinakasalan niya.

"No. You don't have to make me happy, Kit. Makita ko lang na masaya ang best friend ko, masaya na ako. Masaya ako na nakita mo na yung babaeng para sayo. Don't worry, I'm happy. Wag ka nang magaalala, Kit. Think about yourself." Sabi ko

Napangiti naman siya pero nagbago agad yung expresyon niya pagkatapos ng ilang segundo. Tinignan niya ako ng may seryosong expresyon sa mukha niya. Hindi ba siya masaya ngayon?

"Alam kong nasasaktan ka kahit wala kang sinasabi. The light in your eyes has been diluted and the smile that I love seeing shine had faded but it's okay because I know they will return one day." Sabi ni Kit

Kilalang kilala niya pa rin ako kahit ilang taon kaming hindi nagusap. Siguro dahil dati siya yung palagi kong pinupuntahan kapag may iniiyakan ako.

Gusto kong gawin ulit yung kasama si Kit pero hindi na kami pwedeng bumalik sa nakaraan. Kailangan ko na ding harapin ang mga problema ko magisa. Hindi na kami mga bata.

"How do you know that my smile will come back?" Tanong ko

Hindi na ako yung tipo ng tao na mabilis sumuko. Hindi na ako katulad noon na tinatakasan ko na lang lahat ng problema ko.

Minsan kailangan ko ding harapin ang sarili kong mga problema kahit gaano pa ito kahirap. Oras lang ang makakapagsabi kung hanggang kailan natin ito kakayanin.

"Bacaue you're you, Ziah. It will always come back because it's a part of you." Sagot ni Kit

Kit has been always there to support me at ngayon kahit ilang taon na kaming hindi naguusap nandyan pa rin siya para sa akin. Kaya ang swerte yung taong napangasawa niya. Sana maging masaya silang dalawa.

"Thank you for always being there for me. Thank you for always believing in me. Noong panahon na sinukuan ko yung sarili ko, hindi mo ako sinukuan." Sabi ko

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako. Hindi na awkward sa pagitan namin. Naguusap na rin kami pagkatapos ng ilang taon. Sana hindi na to magbago.

"I'm happy that I was able to make you happy."
Sabi ni Kit

Kumalad naman ako sa pagkakayap namin sa isa't isa at binigyan siya ng isang maliit na ngiti. Masaya na talaga siya. Nag mature na din siya.

"So who's this lucky girl?" Tanong ko

"Kylee." Maiksing sagot ni Kit

Bakit parang ang familiar sa akin nung name? Parang kilala ko yung Kylee na tinutukoy niya. Teka nga lang? Weird. It is just me or kilala ko talaga yung Kylee na yun?

"Kylee. As in Kylee Williams? Yung kapatid ni Damon?" Tanong ko

Binigyan niya naman ako ng isang awkward na ngiti. Guess what? He married my grade school best friend. I'm quite surprised. Tagal na din naming hindi nakakapagusap.

"Hulaan ko, ako lang ang hindi nakakaalam na kinasal na kayo?" Tanong ko

Tumango lang siya. Grabe dami ko talagang namiss pero small world nga naman. Parang dati lang hindi nila kilala ang isa't isa pero ngayon kasal na sila.

"I want to see her." Sabi ko bago nag pout

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope you enjoyed this chapter! gulat ako dahil marami na kayong nagbabasa nito! thank you for all the support!

——— TO BE CONTINUED ———hi!i hope you enjoyed this chapter! gulat ako dahil marami na kayong nagbabasa nito! thank you for all the support!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now