Chapter 7

1.9K 58 1
                                    

THE NEXT DAY.
Ziah's POV:)
Nasa emergency room ako ngayon. Inaasikaso ko ang mga pasyente. Hindi ko alam kung bakit madami sila ngayon. Madami kaming mga doctor na nasa emergency room ngayon. Natapos na ko sa pag gagamot ko ng pasyente ko nang may biglang lumapit sa akin na nurse.

"Dr. Ong. Ikaw pa lang po kasi yung tapos sa ngayon. Pwede niyo po bang tignan yung nakagat po ng aso?" Tanong nung nurse at tinuro sa akin kung nasaan ang pasyente

Tumango lang ako bilang tugon at agad pinuntahan ang pasyente. Nagulat naman ako dahil nakita ko si Nixon, Ruki, Kit at Viel. Si Viel ang nakahiga sa kama. Mukhang siya yung nakagat ng aso.

Ano nanaman bang kalokohan ang pinasok ng mga to? Paano naman nakagat si Viel ng ano? Di ko agad nakita ang sugat ni Viel dahil nakaharang sa harap ko si Nixon, Ruki at Kit. Mukha silang mga nakainom. Sobrang gulo din ng mga pagkakasuot ng mga damit nila. Halatang nagmadali silang magpunta dito.

Ang kukulit din ng mga sinasabi ni Viel. Akala mo mga bata. Gusto ko na lang matawa sa mga sinasabi nila ngayon.

"Wag kang susuko, Viel!" Sabi ni Nixon

Napangisi ako. Para namang mamamatay agad yung kaibigan nila. Buti nga nadala nila dito agad si Viel e.

"Wag na wag mong isasara yang mga mata mo! Hayup ka!" Sabi ni Ruki

Natawag pa talaga niyang hayup si Viel? Mga lasing pa ata tong mga to e.

"Oi! Wag mo kong susukuan, men! Wag ngayon. Kaya mo pang mabuhay." Sabi ni Kit

Halatang ngayon lang sila nakakita ng nakagat ng aso.

"Pwede ko na po ba siyang tignan? Baka mas lumala po yung kagat sa kanya nung aso." Sabi ko

Pare-parehas silang tumingin sa akin. Nanlaki naman ang mga mata nila. Kasama na din si Viel. Mukhang gusto niyang tumayo sa pagkakahiga niya.

"Ziah. Alam mo bang yung aso niyo yung kumagat sa akin?!" Naiiyak na tanong ni Viel, medyo nakaupo na siya ngayon

Lumapit ako sa kanya ay hinawakan siya sa noo niya. Bigla ko naman siyang tinulak pabalik sa pagkakahiga niya. Kung pagtripan ko kaya silang lahat? Pwede naman. Madali lang naman silang pagtripan. Agad ko namang tinignan sugat ni Viel. Hindi naman ito malala.

"I'm sorry. Malala na ang kagat nung aso kay Viel. Hindi ko na siya kayang gamutin." Pag arte ko, pinipigilan ko ang pag tawa

Biglang nanlaki ang mga mata nilang lahat. Mabilis naman silang lumapit sa tabi ni Viel. Hinawakan nila ang kamay niyo. Naniwala talaga sila sa sinabi ko. Gusto ko na lang tumawa dito.

"Patawad, Viel. Mabuhay ka lang ng mahaba, ililibre na kita. Kahit ano pa yan. Pangako." Sabi ni Nixon

Buti na lang ginawa ko to no? Malilibre pa siya. Sarap kaya mabuhay sa mundo ng puro libre.

"Viel! Wag na wag mong isasarado yang mga mata mo! Pag sinarado mo talaga yan, bubugbugin kita." Sabi ni Ruki

Masama pa lang maging kaibigan si Ruki no? Mamamatay ka na nga lang mabubugbog ka pa. Saan ka pa diba? May souvenir ka na mula sa kanya pagpunta mo ng after life.

"Wag mo akong susukuan, Viel! Mabuhay ka pa ng matagal, ibibili kita ng damit araw araw." Sabi ni Kit

Sana all nalilibre din ng damit no? Ang yaman naman pala nito ni Kit e. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na lang.

"Ziah. Bakit ka tumatawa? Mamamatay na ko tapos masaya ka pa?" Tanong ni Viel

My bad. Mukhang nagalit ko na ang baby boy ng Section F. Baka pag nagkatotoo pa to, ako pa bisitahin niyan. Mas mabuti pang tigilan ko na to. Marami pa kong kailangan asikasuhin.

"Nagbibiro lang naman ako. Hindi ka mamamatay, Viel. Asa ka naman. Kagat lang yan. Sarap niyo lang talagang pagtripan. Thank me though. May mga libre ka na mula sa kanila." Sagot ko.

Kumuha na ko ng mga gamit para magamot ko na ang kagat ni Viel. Natulala pa rin silang lahat sa sinabi ko. Hindi pa rin sila makapaniwala na naloko ko sila. Viel should thank me nga e. Ibibili siya ni Nixon at Kit ng mga gusto niya.

"Kaso kailangan mo ng maraming injection. You'll be given a series of four injections over the course of several weeks and you'll also need an additional injection of rabies immune globulin.
It's required as a part of the treatment. You have to come back here for your weekly injections, Viel." Sabi ko

Tumingin naman siya sa akin at namutla. Takot siguro to sa karayom.

"Parang gusto ko nang mahimatay." Sabi ni Viel

"Don't worry. Parang kagat lang naman ng langgam yung mga injections." Sabi ko

Tuturukan ko na sana siya ng una niyang injection pero bigla akong pinigilan ni Viel. Nakasarado ang mga mata niya. Hindi ko alam na takot pala siya sa injection.

"Kung ayaw mo talagang mamatay bitawan mo ang kamay ko, Viel. Kailangan kitang injectionan." Sabi ko

"Wag! Masakit yan! Mommy, tulungan mo ko!" Sigaw ni Viel

Nakakatawa yung itsura niya ngayon. Takot na takot talaga siya na maturukan ng injection. Kung pwede nga lang na hindi ko na siya injectionan e.

"Nixon, Ruki and Kit. Pwede niyo bang hawakan si Viel? Kung ayaw niyo talaga siyang mamatay." Sabi ko

Nagkatinginan naman silang lahat saglit bago sila nagtanguan. Hinawakan ni Nixon yung right hand ni Viel, si Ruki naman sa left at si Kit naman yung may hawak ng dalawang paa ni Viel.

"Hoy! Bitawan niyo ko! Mga traydor kayo! Pakawalan niyo ko! Hayup naman kasi na aso yan. Ayokong ma-injectionan! Hayup! Ayoko Ziah! Maawa ka sa akin. Ayos na ako. Hindi ako nakagat ng aso! Ako ang nakakagat sa sarili ko. Hindi ko na kailangan niyan!" Sigaw ni Viel

Ganyan ba talaga siya katakot sa injection? Wala naman din siyang magagawa e.

~ TIMESKIP: AFTER 4 INJECTIONS ~

Nang matapos ko na yung first batch ng injections ko, napansin kong nawalan ng malay si Viel. Mas gusto niya pa nga daw magpakagat sa aso kaysa ma-injectionan.

"Pasyensya ka na, Ziah. Naabala ka pa namin sa trabaho mo." Sabi ni Nixon

"Ah, no worries. Trabaho ko naman to bilang doctor." Sabi ko

Trabaho ko naman to e. Hindi naman nila kailangang mag apologize sa akin.

"Makikita ka ba namin mamaya?" Tanong ni Kit

Namiss ko si Kit. Best friend ko siya dati. Siya yung pinakaunang taong lumapit sa akin nung pumasok ako sa Section F. Mas lalo siyang gumwapo at mas nagmukha din siyang mature.

"Of course." Sagot ko

"Mahirap pala maging doctor no?" Tanong ni Nixon

Oo. Minsan sobrang hirap talaga maging doctor. Kailangan mong masanay sa mga nangyayari sa loob ng hospital.

"Yeah." Sagot ko

Bigla namang may pumasok sa ER. Bigla naman nila akong tinawag. Kaya naman napatingin ako agad kayla Kit.

"I'm sorry. I need to go." Sabi ko

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon