DB ONE

2.7K 75 17
                                    


"Miss Ganda, kanina pa nakatigil ang jeep hehe"

Nagising ako ng may maramdaman akong hininga malapit sa mukha ko. Halaaa Nang lumingon ako nabigla pa ako sa mukhang nasa harapan ko, kaya napatayo ako agad dahilan para mauntog ako.

"Shit! Manong naman aghhh!"

Bakit ko ba kase nakalimutan? Andito nga pala ako sa loob ng jeep. Kainis!

Umupo nalang ako ulet kase nahihilo ako.

"Hehe sorry miss ang ganda mo pala sa malapitan?"

Sandali akong napatigil hindi dahil sa creepy si manong kundi sa sinabi niya.

Ayan nanaman ang salitang iyan kung hindi "maganda ka pala?" ang tinatanong sa akin "ganda mo pala sa malapitan?" Ang isa pang iniiwasan ko.

Alam mo kung bakit?

Kase natatakot ako.

Haha oa ba? Pero yun kase ang totoong nararamdaman ko eh.

Natatakot akong sagutin yung tanong nilang ganoon, malay ko ba naman na baka pag sinagot ko yun ng "salamat" sasabihan nila ako ng "ai te joke lang yun masyado ka namang ilusyunada, sinabi ko lang yun para may masabe" pag sinabi ko namang  "hindi naman po hehe" sasabihan din akong "masyado ka namang pa bebe"

So gaya ng lagi kong ginagawa iiwas nalang ako kaya ini-abot ko nalang agad ang bayad ko at dali-daling bumaba.

Well I'm Reign Sue pang mayaman lang ang pangalan ko pero hindi ako mayaman, tatay ko lang talaga ang bongga pero deads na. Hindi ko manlang siya nakilala. Masyado daw kaseng playboy kaya nabuntis niya si mama ng hindi niya nalalaman. Iyon ang kuwento ng mga kaibigan ni mama at noong tinanong ko siya nagalit lang. Alam ko naman na raw ang dahilan, pero bakit nag-abala pa daw akong nagtanong.

18 na ako , 2nd year college and I'm taking up Nursing gusto kong maging nurse. Bata palang kase ako nagandahan na ako sa uniform ng mga Nurse, kaya ayun nga tinatamad akong mag kuwento.

Naghahanap nga pala ako ng bagong apartment, kailangan ko kase ng bagong malilipatan. Iyong dating inu-ukopahan kong apartment ay masyadong malayo sa school ko. Itong bagong nahanap ko, medyo may kalayuan din pero hindi gaya nung dati, na kailangan ko pang magjeep ng dalawang beses.

Bitbit ko ang malaking bag at hila hila ang may kalumaan kong maleta, habang pumapasok sa malaking building.

Oo malaki, alam kong hindi ako mayaman pero may nakapag sabi kase sakin na may pang ordinary room at mura na available dito, kaya kesa maghanap pa ng iba dito nalang.

--

"Miss wala nga palang available na ordinary room dito kase wala namang ordinary rooms dito , dun! Dun sa kabilang building dun matatagpuan ang mga O.R ,pero wala na yatang vacant dun. pasensya na"

Bumagsak ang balikat ko ng marinig ko yan sa isang staff na nag check kung may available pang rooms pagkatapos kong magtanong kaya tinanguan ko nalang siya at ngumiti ng tipid.

Naglakad na ako papalayo at inis na inalala yung mukha ng nag recommend nito sa'kin. Pero sa kasamaang palad, naka cap nga pala siya kanina at hindi ko masyadong natitigan ang mukha niya.

So no choice ako kundi maghanap nalang ulet.

Kainis!

Napakaaa sinungaling nung nag offer sa'kin nito. Eh bat nga naman kase ako nagtiwala? Ni hindi ko nga yun kilala.

Hindi pa ako ininform na pang mayaman to.

Gutom na ako, malayo pa kase ang biniyahe ko kanina.

Pagkalabas ko nag stay pa ako sa harap ng building. Ni hindi ko nga din alam ang pangalan nito, at maghihintay pa ako ng jeep .

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now