DB THIRTY EIGHT

416 25 3
                                    

"Ilang taon kana Reign?" Nakangiting tanong sa akin ni Miss Hishoki. Kaya napaiwas ako ng tingin kay Mr. Chi at tumingin sa kanya.

"18 po, pero 19 na ako sa December." Nagulat siya sa sinabi ko at bahagya pang napapalakpak.

"December din birthday ni Chi." Napalunok ako, ng makita kong napa smirk si Mr. Chi. Ang lakas ng impact ng bawat galaw niya sa akin, hindi ko din alam kung bakit.

"You are so good in singing that Chinese Song. I thought the singer behind that curtain is a pro Chinese singer haha." Napangiti ako sa sinabi ni Mr. Wang. Ganyan na ganyan din kase ang sinabi ni Hayden kanina eh.

"You can be a regular singer here Reign." Tipid ding sabi sa akin ni Mr. Garrett na ikinatigil ko sa pag-inom sana. Hindi kase ako sure kung pwede, magiging busy na ako sa practicum namin next month eh.

"Why not?" Agad na sabat ni Mr. Chi na ikinagulat ko. Tumingin pa siya sa akin at ngumiti ng matamis.

"I like your voice. Can I hire you as our regular singer here?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Nakakahiyang tumanggi kase, opportunity ko nayun para sa bago kong pagkakakitaan. Kaso, ayokong may magiging sagabal sa oras ng practicum ko.

"I..I'm not yet sure Mr. Chi. I'm sorry." Hingi ko ng pasensya. Ngumiti din naman ng nakakaintindi ang mga kasama niya, at siya tumango lang sa akin.

"Just call Manager Hayden, if you have already decided."

"O..ok Mr. Chi. Thank you."

Hindi nagtagal nagpaalam nadin kami ni Hayden, dahil medyo na oop na kami sa topic nila. Tsaka ang awkward kaya na makinig about sa topic nila sa mga business nila.

Hindi ko nadin tinignan pa si Mr. Chi habang naglalakad kami papalayo. Alam ko kase na nakasunod ang tingin niya sa amin. Honestly? Hindi ako na cricreepyhan sa kanya. Hindi naman kase siya mukhang sindikatao. Mukha lang masungit, pero mabait naman siguro? Not sureee.

"Omygash! Kahit ganun na edad ni Mr. Chi ang hot niya parin!! Kyaaaah!!"  Napailing nalang ako sa sinabi ni Hayden. May kasama pa ngang hampas ang pagkakasabi niya, kaya napalayo ako sa kanya.

"May asawa na ata yung tao." Hindi makatinging komento ko sa kanya. Baka kase hampasin nanaman ako, kapag natawa ako sa reaction niya.

"I don't care. Pero in fairness hah, hoy tingin ka nga sa akin." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano nanamang kaya gagawin nito? Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin, kaya napaatras ako.

"H..hindi tayo talo." Sabi ko sa kanya at inilayo ang mukha niya. Nanlalaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"W..what?! Hoy! Ang feeling nito, tititigan ko lang mata mo! Duhhhh?" Flinip hair niya ang imaginary long hair niya sa mukha ko, kaya napatawa ako ng mahina.

"Nag jojoke lang din naman ako." Pero siyempre, nagulat talaga ako kanina. Akala ko kung ano ng gagawin niya.

Ganun na ganun ang mga ginagawa ni Seven kapag may binabalak eh--

Ah-- speaking of--! Tsk!

"In fairness ulit, pareho kayo ni Mr. Chi ng mata. Uyyyy!! Kinikilig!!" Napalayo ako ng sinundot niya ang balakang ko.

"H..hindi ah!" Bat ako kikiligin? Parang yun lang?

"Deny pa, akala mo hindi ko napapansin yung titig niya sayo kanina? Nakuuuu! Okay lang na hindi niya ako gustuhin kung ikaw lang din naman ang type. Basta pag may kapatid siya na mas bata, ireto mo sa akin ah?" Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya.

Napaka impossible naman kase kung wala pang asawa si Mr. Chi.
Tsaka ano bang iniisip ni Hayden. Na may gusto sa akin yung tao? Hindi ba pwedeng kinikilatis niya lang ang pagkatao ko? Ganun naman kase daw kapag business man/woman ang isang tao. Bawat tao na nakakasalamuha nila ay kinikilatis nila muna.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now