DB SEVEN

1K 56 2
                                    


Third Person's Pov

Hindi alam ni Reign ang kanyang gagawin ng mapagtanto niyang, ang nasa harapan niya ngayon ay yung lalakeng humalik sa kanya. Samantalang para namang nakakita ng multo si Severn.

Muli nanamang nag flashback ang nangyari kay Reign. Natatakot siyang mangyari nanaman ang nangyari noon, at pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang pakay.
Hindi na siya makapag isip pa ng tama.
Tinalikuran niya ang lalake na nakatingin lang sa kanya at tumakbo palabas.

'Crap! si Ranger !' Usal niya ng marealize niyang si Ranger ang pakay niya, at ang dahilan kung bat siya napadpad sa kwartong yun. Kailangan pa niya itong kunin!

Pero nagdadalawang isip siya.

Hindi rin alam ni Severn ang kanyang gagawin ng makita niya si Reign. Ang babaeng nahalikan niya nung gabing naglasing siya isang buwan na ang nakalilipas. Ngayon niya lang ulit ito  nakita.
Pano nga ba siya makikitungo kung para narin niya itong binastos?

'pero d..di ko naman sinasadya!' sabi ni Severn sa kanyang sarili ng manaig ang kanyang konsyensya.

Hihingi na sana siya ng tawad sa nangyari sa babae pero nakaalis nato.

Malamang naman. Sino ba ang hindi aalis, kung makakasalamuha mo nalang bigla yung taong nanghahalik nalang sayo ng walang pasabisabi?

Severn sighted. Tumingin siya kay Ranger, ang kanyang pusa tsaka siya ngumiti.

'hmm good job Ranger. Want to go around later?'

'meowww!!'

REIGN POINT OF VIEW

'Pano kung mangyari nanaman yun? p..pano ko ba dapat siya pakikitunguhan?'

'grr! anong pano pakikitunguhan? Ano may balak ka pang kausapin siya? wag na oy! manyak yun!'

'H..hindi sa ganun'

aggh!! Nababaliw na ako!

P..pero yung lalakeng isa sa dahilan kung bat ako nagkulong ng halos isang buwan a..y

ka DORMMATE KOOOOO!!!!!

huhu.

what to do? what to do?

Kanina pa ako dito sa sala ko na palakad lakad, sapo sapo ng isang kamay ang noo ko habang nakahawak ang isa, sa beywang ko.

Si Ranger! hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga yun eh! ramdam ko siya talaga!

Si Ranger, ang pusang nakita ko nun sa gubat nung naligaw ako sa pagcacamping naming mga Girl's Scout. 8 years old pa ako nun at hindi pa ako marunong gumamit ng map.  Ang ingay kase ng kaklase ko nun kaya hindi ko narinig ang explanation ni teacher. Pero nagpapasalamat ako kase buti nalang naligaw ako, dahil natagpuan ko si Ranger.

Halos 9 years ko ding inalagaan at tinuring na parang kapatid si Ranger. Hindi ako pwedeng magkamali! Alam ko ang mannerism niya pag nagugulat eh! Nakita ko yun kanina.

Nagtatakbo nalang siya bigla habang nakawagayway ang buntot niya. Pero hindi rin masyadong mabilis ang takbo niya pag ako ang nanghahabol sa kanya. Base sa nakita ko kanina, kaya ko siya nahabol ay dahil sa mabagal yung naging takbo niya.

Doormate BuddiesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora