DB TWENTY THREE

521 30 0
                                    


Pagkalabas ko, nadatnan ko agad si Seven na sobrang sama kung makatingin. Mag sosorry sana ako, kaso naalala kong hindi nga pala kami bati.

Umirap ako, tsaka siya nilagpasan.

Magsama sila ni Victoria!

Hindi pa ako nakalayo, nahigit na niya ang kamay ko.

"Aray! A..no ba!" Kita kong napalitan ng kalituhan ang ekspresyon nang pagmumukha niya.

"What's wrong?" Napasimangot ako sa tanong niya.

"Ikaw! Ikaw ang problema!" Mas lalong kumunot ang noo niya.

"W..wait what?!" Hindi ako umimik. Napatingin ako sa pintuan ng Cr.

Kamusta na kaya sina Miss Yrikah, at Miss Park dun? Sana nanaman maging okey na sila. Hindi naman ako tanga, para hindi maramdamang may hindi sila pagkakaintindihan kanina eh.

"Are you jealous?" Napatingin agad ako kay Seven dahil sa sinabi niya. Humalukipkip siya, at mataman akong tinitigan.

"A..ano? Huh! Kanino naman? Tsaka bat ako magseselos kay--"

"Victoria." Hindi ako nakasagot sa kanya. Lumapit siya sa akin.

"Tell me. Did I make you feel jealous?" Hindi ko alam pero napatango ako. Bumuntong hininga siya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Why?"Hinawakan niya ang mukha ko, kaya napatingin ako sa kanya, "Tell me Reign."

"H.hindi mo ako pinapansin. S..sabi mo pa adobo favorite mo! So, bakit sabi ni Victoria yung Gravy ek Ek daw?" Sinimangutan ko siya. Somehow, nawala na yung pagka awkward feeling ko kanina. Parang bumalik agad doon sa nakaka komportableng pakiramdam.

Napatawa siya nang mahina.

"Adobo is really my favorite dish. What made you think that I am lying? Wala naman akong sinabing favorite ko yun kay Victoria, hindi ko alam kung bakit sinabi niyang favorite ko yun."

"So hinula niya lang ganun?"  Tanong ko sa kanya. Tumango siya ng dalawang beses.

"Naku! Manghuhula na nga lang mali pa." Puna ko, kaya napatawa kaming dalawa.

"Severn." Nawala ang ngiti niya ng may tumawag sa kanya. Pinat nung lalaki si Seven sa balikat.

"Have you seen Yrikah?" Nang marinig ko ang pangalan ni Miss Yrikah, nakuha niya agad ang attention ko. Tinignan ko ang kausap niya, mahahalata mo agad ang pagkakapareho nila ni Seven ng features sa mukha.

Siguro siya yung best friend ni Miss Yrikah, na ex din ni Miss Park. Ang gwapo niya din, ang matured niya tignan, mukhang friendly at hindi gaya ni Seven na unang tingin mo palang sa kanya, mukha na agad masungit. Matangkad, hindi mestiso hindi rin naman Moreno. Yung tamang kulay lang ng kutis. Malapad ang shoulders, maganda ang pangangatawan.

In short so manly! So hot! So handsome!

Napahagikhik ako sa iniisip ko kaya, napatingin sila sa akin.

Ahm. Awkward ulit?

Kumunot ang noo nang brother ni Seven. Kaya mukha na tuloy silang kambal dahil sa itsura nila ngayon. Parehong nakakunot ang noo nila eh.

"Who are you?" Gaaa'.

Hinapit ako sa bewang ni Seven, at hinila papalapit sa kanila.

"She's Reign. M..my--"

"Wow. So she's Reign? Your Girlfriend right? Oh yea, right. Hi I'm Ivo, Severn's big bro. Nice to finally meet you Reign." Kumunot ang noo ko, pero nawala din agad ng nilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands.

Doormate Buddiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن