DB SIX

1K 55 1
                                    


Ilang araw o weeks na ang lumipas, at halos mag-iisang buwan na akong nakakulong dito sa room ko.

Araw-araw tuwing may kakatok sa pinto ko, natatakot akong pagbuksan yun.
Pag gabi naman para akong nakakarinig ng mga kalabog. Palagi akong napapabalikwas, laging paranoid na. Sabihin niyo ng Oa ako pero yun ako eh. Minsan matapang, mataray, minsan naman mahina, naduduwag at natatanga.

Ganun naman talaga ang takbo ng buhay ng tao diba? Sobrang magulo.

Nakakatrauma yung nangyari sa akin nung nakaraan. Ni hindi ko nga alam kung p..pano ko siya nagawang h..halikan d..din e.

Nang naalala kong hinalikan ko din siya dun na ako nag simulang ma paranoid.

Dahil sa ginawa ko...

P..pano kung balikan ako nung lalake? P.pano kung pagkamalan nanaman niya ako? P..papano kung sa sobrang pagmamahal niya dun sa k...kamukha ko, I..ikukulong niya ako sa room niya?

P..pano kung mangyari ulit yun sakin?!

Ang dami kong tanong na 'pano'? Pero masisisi niyo ba ako kung, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko? A..alam ko naman na kahit magmukmok pa ako dito ng isang buwan, dalawa, tatlo o isang taon , alam kong ni isa sa 'pano' kong tanong ay hindi masasagot.

-----
-----

Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa hita ko. Sa pag-aakalang ito si Ranger. Ang Pusa na napulot ko noon, ay sinipa ko nalang ng hindi masyadong kalakasan.

'hmm.. istorbo'

Muntik na akong mapasigaw ng may humila sa paa ko.

'Si Ranger hinawakan niya ang paa ko!' gusto ko sanang paniwalaan yang sinisigaw ng baliw kong isip. Pero alam kong kahit ano pang tanggi ko, tao. Oo tao ang humawak sa paa ko at tumakip sa bunganga ko para hindi ako makasigaw.

Gusto kong sumigaw pero ang lakas niya. Hinalikan niya ang leeg ko, buong mukha, at unti unting itinataas ang isang kamay niya papunta sa hita ko. Ang isang kamay niya ang sumira sa T-shirt ko kaya mas lalo akong nag pumiglas habang umiiyak.

"Psst.. wag kang malikot. Matagal ko na tong gustong gawin sayo, humahanap lang ako ng tyempo para magawa to. Wala si Nanay Ema mo, hindi kana makakatakas sakin"

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now