DB THIRTY SIX

421 30 0
                                    

"Wow! You're a fast learner." Ngiting ngiti si Tita Kia habang pinagmamasdan akong hinahalo ang chicken adobo, na version ng pamilya nila.

Sunday na kase ngayon, at ito daw ang pananghalian namin mamaya. Kaya nga sinunod ko lahat ng sinabi ni Tita kanina.

Maka diyos din pala ang pamilya nila. Pagkadating kase namin dito kanina, nag-aya agad si Tita Kia sa simbahan. Buti nalang nakapambihis ako ng komportableng damit kanina. Kaya sobrang humahanga ako sa pamilya nila, akala ko noon porket mayaman ay puro nalang pagpapayaman ang ginagawa. Nakakakonsyensiya lang dahil naisip ko yun.

"Thank you po Tita. Ang galing niyo naman kaseng magturo eh." Kumuha ako ng spoon, at kumuha sa niluluto ko para ipatikim kay Tita.

"Tikman niyo nga po." Umiling si Tita, at ngiting ngiti siyang lumayo. Napangiwi ako ng may maisip akong dahilan kung bakit ayaw niyang tikman, at  mas pinili niyang umalis.

Siguro ang panget ng amoy.

Inilapit ko ang mukha ko at inamoy. Mabango naman siya. Baka pinuri niya lang ako kanina para hindi ako mapahiya.

"Reign--" napaigtad ako ng ng kinalabit ako ni Seven sa likod ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Akala ko ba may ginagawa siyang report sa taas? Bat andito naman to?

"Sabi ni Mom, ipapatikim mo daw ang luto mo sa akin. How sweet of you Budd, mas gusto mo talagang ako ang unang makakatikim niyan?" Sinilip niya niluluto ko, at inamoy amoy. Kaya pala tinanggihan ni Tita. Gaaa' makulit din talaga yun.

"Hindi ah! Kay Tita ko nga sana unang ipapatikim eh." Ngumisi lang siya sa akin, at ininguso ang hawak kong spoon.

"Well, that's what she told me. And you know, my mom never lied to me." Napa irap nalang ako sa sinabi niya, tsaka sumandok ng niluto ko. Hinipan ko muna ito bago isubo sa kanya.

"Hmm." Tumango tango siya habang ngumunguya.

"Sharap. Isha pa--" napailing nalang ako sa kanya at kumuha pa para subuan siya.

Parang may kumikiliti sa tiyan ko, habang nakatingin sa kanya na sarap na sarap sa luto ko. Ang sarap sa pakiramdam, never pa akong napuri ng ganito ng Nanay ko.

"Wow, you two look like a newly wed." Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni Tita Kia, kasama niya si Tito Seb. Lumapit sila sa amin ng parehong nakangiti.

"Really mom?" Napatungo ako ng marinig ko ang tanong ni Seven. Para kaseng may himig ng excitement ang boses niya.

"Yes son. Come on upo na tayo, I'm already excited to taste Reign's chicken adobo." Saad ni Tito seven na nakapag pangiti nanaman sa akin.

"Manang Cora! Pakihain na po ang mga niluto ni Reign."

"A..ako nalang po--"

"No Reign, let Manang Cora do it, baka  pagod kana." Wala na din akong nagawa kundi maupo nalang, dahil sa sinabi ni Tita Kia.

Nagkwentuhan kami habang kumakain, at sobrang saya ko dahil naubos ang niluto kong chicken adobo. Sunod-sunod nga rin ang kain no Seven, kaya inasar nanaman kami ni Tita Kia.

Alas singko na ng magpaalam ako kina Tita at Tito. Nagpaalam din ako kay Seven, na kailangan ko ng umalis dahil may trabaho pa ako. Nag insist nga siyang ihatid ako, pero tumanggi ako dahil mukha siyang busy. Hindi naman na din siya umangal basta daw ihahatid ako ng driver nila, kaya umoo nalang ako.

"Reign! Buti nalang maaga kang pumunta dito, magpapractice pa tayo eh." Parang kinakabahang bungad sa akin ni Hayden. Ako nga dapat makaramdam nito, pero bat parang baliktad ata?

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon