DB THIRTY FOUR

436 22 0
                                    

"Alam mo bang galit na galit sayo si Lex?" Natatawang sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng may pagtataka, bago tumingin sa daan. Nagmamaneho kase siya.

Sabi ko naman kanina na kaya kong umuwi mag-isa, kaso mapilit siya kaya wala din akong nagawa.

"Bakit daw?"

"Linigaw mo naman kase! Lagot ka pag nagkita kayo nun." Napatawa ako ng mahina ng sumimangot siya.

"Kasalanan ko bang uto uto ang babaeng yun? Masakit pa naman yun kumurot. Ang hahaba ng kuko eh! Ganyan ba talaga kayo?" Inis na inis niyang tanong sa akin.

Tingnan mo to! Nandamay pa.

"Hindi ako nagpapahaba ng kuko." Komento ko sa kanya. Hindi kase ako nakakapag trabaho kapag mahaba ang kuko ko eh.

"Buti naman. Teka-- sigurado ka bang dito nalang kita ibababa?" Kunot noong tanong niya ng itigil niya ang kotse niya, malapit sa Seige H. Restaurant Building.

"Oo. Sa restaurant nayan ako nagtatrabaho eh." Napangiti siya sa sinabi ko.

"Ang sipag ah?"

"Kailangan eh." Tipid akong ngumiti sa kanya. Bumaba siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako.

Gentleman din? Gaaa'.

"Thank you sa pagsama sa akin, sa buong araw Kinsley." Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.

"Just call me if you need someone to talk to. Pero hindi yun libre oy!" Napatawa ako sa sinabi niya. Hindi na gaya ng dati na maiinis ako.

"Okay." Nanlaki mga mata niya sa sinagot ko sa kanya.

"Bago yun ah? Pero sige haha. I'll call you pag na arrange ko na schedule ng date natin."

Hindi na ako nakaangal sa sinabi niya ng tumakbo siya, at pumasok siya sa kotse niya. Kumaway ako sa kanya at tinanaw muna hanggang sa mawala sa paningin ko, bago pumasok sa loob.

"Reign!" Napatingin ako kay Lianne ng makita ko siyang kuma kaway sa akin.

"Lianne!" Dali dali akong lumapit sa kanya at sinuri siya.

"Okay kana? Anong nangyari?" Hinila niya ako papunta sa mga lockers namin, at seryosong tumingin sa akin.

"Okay lang ako." Napakunot noo ako.

"Pero bat ka nag-absent ng matagal? Hindi ba may family problem ka?" Umiling siya at bumuntong hininga. Namumula ang mga mata niyang tumitig sa akin.

"Binantayan ko si Finn." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Akala ko may problema ang pamilya niya.

Ganoon siguro niya kamahal si Finn.

Kahit hindi niya sabihin halata na sa mga kilos niya, at kung gaano niya ito pahalagahan.

"Nag-alala lang ako, akala ko kase may nangyari na sa pamilya mo."

"Naaawa ako sa kanya, hindi kase makarating yung mga parents niya dito eh. Kaya ako nalang nagbantay. Buti nalang may ankel siya dito, at doon siya muna pansamantalang  titira bago umuwi sa kanila."

"Umuwi?"

"Wala na siyang titirhan dito Reign, hindi daw kase siya masyadong nakabayad sa dorm kaya siya pinaalis. Naalis na din siya dito sa restaurant." Napahikbi si Lianne kaya niyakap ko siya. Awang-awa din ako kay Finn. Pano na ang pag-aaral niya? Teka--

"Yung mga bumugbog ba sa kanya, nakilala niya?" Umiling si Lianne.

"Hindi daw, pero feeling ko nagsisinungaling lang siya."

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now