DB THIRTY NINE

421 30 1
                                    

Kahit nagtataka ay tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Wala na din naman akong planong magtagal dun." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko at hinigit para yakapin niya.

"Are you tired?" Hinaplos niya ang buhok ko, at inihilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Pero hindi yung parang may mali sa akin, kundi dahil ang sarap sa pakiramdam. Nakaka komportable siya.

Ganito pa kaya kami kahit matapos na kaming mag-aral? Ganito pa kaya kami k..kahit magkaroon na siya ng kasintahan? Sumikip ang dibdib ko sa isiping yon. Siguro nga, hindi na.

Napabuntong hininga ako dahil sa mga naiisip ko.

"What's wrong?" Tanong sa akin ni Seven. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya, at inilapit ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Ganito parin kaya tayo k..kahit m..may girlfriend kana at b.. boyfriend na ako?" Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko, at matagal muna siyang naging tahimik bago umimik.

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, dahil hindi ako handa sa magiging reaction niya.

"I'm not going to have other girl, unless it's you." Napalunok ako sa sinabi niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at ganun din ang sa kanya.

Parang may sariling isip ang mga puso namin at may sarili silang komunikasyon. Napatingin ako sa kanya, na ngayon ay malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

"T..talaga?" Gusto kong batukan ang sarili ko, dahil ang pabebe ng way ng pagtatanong ko sa kanya. Tumango siya, at itinaas ang kanang kamay para hawakan ang pisngi ko. Hinaplos niya ito, at ngumiti sa akin.

"Sinong nagsabi sayo na pwede kang mag boyfriend ng ibang lalaki, hmm?" Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"W..wala. Pero malay mo nga diba?" Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Maya maya ay napailing siya at inilapit ang mukha niya sa akin.

"This--" hinalikan niya ang tungki ng ilong ko, "are--" sa magkabilang pisngi "MINE" at panghuli sa labi.

"I..ibig bang sabihin non, s..sakin ka din?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Ang unfair naman diba, kung sakanya ako, tapos siya hindi akin. Napatawa siya sa tanong ko.

"Of course Reign, you're mine and I'm all yours." This time, dahil narin siguro sa saya ako naman ang humalik sa kanya.

Hindi umandar yung pagka mahiyain ko eh.

--

"Reign? Where are you planning to go,  to spend your 2 weeks vacation?" Ngumunguyang tanong sa akin ni Lex. Katatapos lang ng Exam namin, at nandito kami ngayon sa cafeteria para hintayin sina Seven. May last Exam pa kase sila kanina, kaya nauna na kami dito.

"Hindi ko alam eh, ikaw?" Actually ang plano ko sana ay mag hanap pa ng ibang part time job, dahil wala naman akong pag babakasyunan. Para naman sa next semester, hindi na ako mangangapa sa pera.

"I'm planning to go to Canada. Birthday kase ng nakababata kong kapatid." Tumango ako sa sagot niya at ngumiti. Inaasahan ko na talaga na ako lang ang walang pupuntahan sa aming magkakaibigan.

Hindi nagtagal ay dumating na din sina Frey, Weyn at Seven. Nag-order si Frey ng pagkain namin, at siya na din ang nagbayad. Advance celebration daw dahil sure siyang mataas ang magiging grado, niya this first semester.

"Ang daliiiii dali ng exam ko." Pagmamalaki niya sa amin kaya inirapan siya ni Lex.

"We don't really care! Teka--where's Kinsley?" Takang tanong niya ng mapansin niyang wala pa siya. Hindi ko nalang pinansin kanina, dahil medyo sanay naman na ako na hindi masyadong sumasama si Kinsley sa amin. Kaya siguro si Lex lang ang naghahanap sa kanya.

Doormate BuddiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora