DB TWO

1.7K 73 6
                                    


Reign pov

Sobrang lakas parin ng ulan at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nakatayo at nakatunganga lang ako dito sa harap ng malaking building na parang tanga, habang naka tingin sa pangalan ng apartment na ito.

SEIGE C. HIGH BUILDING

Paulit ulit na basa ko sa entrance niya.

Hindi to school, pero ewan ko lang kung bakit ganyan ang pangalan niya. Hindi ko kase to napansin kanina nung unang punta ko.

Oo nga pala, andito ako ngayon sa unang apartment building na napuntahan ko kanina.
Wala akong choice eh.

Kahit pang mayaman pa 'to wala na akong pakealam, hahanap nalang ako ng paraan para pang-bayad ng rent buwan buwan. No choice ako kundi dumito muna. Pag nakahanap naman ako ng bagong matutuluyan aalis agad ako.

Halos lahat na yata ng mga taong nakaupo sa lobby ng building na'to ay nakatingin sakin, at may mga nagbubulungan pa noong napag desisyonan kong pumasok.

Pa'no sila hindi titingin? Eh mukha lang naman akong naligaw sa mamahaling building na'to.

"M..miss k..kukun.nin k..ko n..na y..yung room." nanginginig na sabi ko sa nakatalikod na staff na napagtanungan ko kanina. May kausap kase siya eh.

Slow mo naman siyang tumingin sakin, at bahagyang napanganga ng makita niya ang kabuuan ko.

Problema niya?!

Tumingin pa siya sakin mula ulo hanggang paa na nakapag taas ng kilay ko.

Duh?

Kahit mahirap, dukha at mukha akong basang sisiw na nakawala sa mental sa gulo ng buhok ko.

Maganda parin ako!

"What?!" Pagtataray kunno kong tanong.

Hindi dahil mahirap ako hindi na ako marunong mag english at magtaray.

May karapatan parin ako, kase..

Maganda ako! Kaya ko yang aminin sa sarili ko, pero di ko kaya sa ibang tao.

Nahihiya lang ako pag may nagtatanong, at nagsasabing maganda ako kase wala akong tiwala sa kanila.

Sa sarili ko lang ako may tiwala.

"Nna..ku a..nong nangyari sayo?" Frustrated niyang tanong na parang balisa.

Psh ang oa. Hindi naman kami close

"Oh? Kamag anak mo juday? Anong nangyari Jan? Mukhang na gang rape ! Bwahahaha" pagsisingit nung nasa likod niya.

Abaaaa! Ang feeling! Kala mo naman maganda, tatatlo nga lang ngipin niya sa harapan eh. Hindi naman kagandahan ,maputi lang.

"Naku! Jud bawal siya dito ! Mahigpit na pinagbabawal ang mga namamalimos dito diba? Tsaka may bisita sina sir handsome!" Kinikilig pang sabi ng babaeng matangkad na morena ang kutis.
Mas maputi ako! Kahit di alaga ang kutis ko.

Para namang natauhan yung nagngangalang juday kaya tiniklop niya agad ang bibig niya tsaka pumeywang sa harap nung dalawang intrigada.

"Hoy! Ano bang pinagsasabi niyo? Huh?! Wala ba kayong respeto sa b-- babaeng to? Hindi porket ganyan ang hitsura, ay pulubi at nagang rape na! Kaya pwede ba? Isa yan sa nag ookupa ng room sa building nato so respetuhin niyo siya!" Parang manununtok ng sigaw ni juday daw.

Anyare? Ang bait niya yata ngayon. Di gaya kanina na parang isang nawawalan ng client at desperadang desperada na may makakuha dun sa isang room dito.

Hindi na nakapagsalita pa yung dalawang babae, siguro natatakot sila kay juday. Ang oa naman kase ng pag kakasigaw kanina, pati tuloy yung mga nakaupo sa may waiting area napapatingin dito.

"M..miss hatid na kita sa magiging room mo" malumanay niyang sabi sakin kaya tumango nalang ako at sumunod na sa kanya.

NANG makarating kami sa harap ng malaking pinto ,may binigay siya saking dalawang card at susi.

"E..tong black card ang swiping card para mabuksan mo ang pinto mo,pero pag di mo yan trip etong susi nalang ang gagamitin mo. Eto namang isang isang card ay calling card. Pag gusto mong magpadeliver sa baba ng makakain hanapin mo lang jan yung numero ng delivery hotline, at kapag may emergency o kailangan ka wag kang mahiyang magsabi" mahabang litanya niya bago siya umalis.

Pagkabukas ko naman ng pinto halos malula na ako sa sobrang laki ng space.

"What the fcvk?! A..ng lakiiii!!!" Hindi ko na napigilang maibulalas. Hindi ko na rin inabalang isara ang pinto kase busy ako sa pagtingin ng kabuuan ng kwarto, wala siyang TV pero medyo kompleto na ang sala . May dalawang single sofa, isang malaki at isa ring malaking sofa bed, with glass table sa gitna.

Nung pumunta rin ako sa kusina, halos mapanganga ako kase kumpleto na sa gamit. Wala ngalang laman ang ref.

Duh? Malamang ! Alangan naman pati pagkain mo sagot nila.

Tsk!

Pakealamerang isipp!

Napanganga nanaman ako ng mabuksan ko ang pinto na nakita ko.

"W--wwow!"

Parang tangang naibulalas ko. Hindi niyo ako masisisi.

Ang laki eh, yung bahay nga namin sa Cebu, maliit lang kasing laki na ng sala ko dito.

Queen size yung bed , may lamp  shade sa gilid niya at malaking closet. Pati doon sa banyo kompletong-kompleto sa gamit. At sobrang malawak.

Kasalukuyan na akong nakahiga dito sa malaking sofa. Ngayon ko lang kase naramdaman yung pagod na ginugol ko buong araw eh.

*burrrrrrr*

"Ugh! Gutom nakoooo"

One day akong di kumain so sino'ng 'di magugutom?

Magpapadeliver nalang kaya ako? Kaso anong ipambabayad ko?

Baka mamahalin din ang pagkain dito.

Sa huli napagdesisyunan ko ding tawagan yung numero na nasa card at nagpadeliver ng pagkain.

--
Hapon na ng magising ako at napagdesisyonang lumabas, ang sakit ng ulo ko!!

Kailangan ko ng gamot!

Nung makalabas ako, nagulat pa ako ng makita ko si juday sa labas mismo ng pinto ko na parang may hinihintay.

"A..h Miss ju..day?"

Tumingin pa siya sakin ng parang nagulat.

"Oh? I.I..kaw pala."

"Bat po kayo nandito? M..may sasabihin po ba kayo?" Kinakabahang tanong ko. Malay ko ba naman kung pagbabayarin agad ako sa room ko eh no?

"W..wala naman haha. Ano nga pala ang buong pangalan mo?"

Ah o..key?

"Reign po. Reign Sue"

Nakangiting pagpapakilala ko at bahagyang inabot pa ang kamay ko para makipag shake hands.

Ayan nanaman yung nakakapagtaka niyang hitsura. Ba't ba parang lagi nalang siyang nagugulat?

"U..h Jude Vestre. Pero tawagin mo nalang akong Juday" sabi niya at nakipag shake hands sakin.

A..ng lambot ng kamay niya.

Oo malambot ang kamay ni miss juday! Nakakapagtaka lang. Pero ang mas nakakapagtaka sa lahat ay yung expression ng mukha niya pagkatapos niyang isigaw ang mga katagang-

"Naku! Ma'am Sue sobrang init niyo. Ba't di  niyo ako tinawagan kagabi?!!"

'Yan lang ang mga salita niyang narinig ko  bago ako nawalan ng malay.

•••••••
To be continue...

°adorableG

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now