DB FIFTY ONE

387 15 0
                                    

A/N: It's been months since my last update. So-- puspusan na talaga tong pag uupdate ko, para matapos na. 😂😂

--

"So handa ka ng tumestigo Reign?" Napakurap ako sa tanong ni Attorney. Pero hindi padin totally na natuon ang atensyon ko sa kanya. Napahawak ako sa puso ko at pumikit ng mariin.

Hindi ako makapaniwala. Hindi nga ba? O-- ayoko lang tanggapin? Pero paano? Bakit? Kailan pa? Bat ngayon pa?

Impossible eh. Kilala ko si Seven, hindi siya ganoon! Hindi ko alam pero bahagyang sumikip ang dibdib ko sa naisip ko.

Do I really know him well? I don't even know alot of things about him. Specially his past.

I shooked my head. Can someone will wake me up from this nightmare?
Bakit parang sunod-sunod naman na ata ang dumadating na problema? Bakit parang ako lagi ang involve?

Bakit-- bakit parang connected kami ni Seven?

"R..eign" I felt Mr Chi's soft hand in my shoulder. Kung dati kinakabahan ako sa presensiya niya, ngayon parang wala na. Ni hindi ko nga din alam kung masaya ba ako, kase nalaman kong-- sinasabi nila na tatay ko daw siya. Na ako ang long lost daughter niya, kaso halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon eh.

Gusto ko ding malaman o makita man lang ang mukha ng tatay ko, kahit sinabi ni Nay na patay na daw siya. Kahit picture manlang sana, pero ngayong nalaman ko na buhay na siya-- hindi ko alam kung masaya ba ako? Okay sana kung maganda ang nangyayari ngayon, pero hindi eh! Hindi na nakakatuwa!

" Let me explain everything Reign."

Hindi ako kumibo sa sinabi niya pero alam kong alam niya na makikinig ako.

Nanatili ang tingin ko sa mga kamay kong nakapatong sa mesa, habang nag-iisip kung handa na ba akong marinig lahat ng sasabihin niya.

Narinig ko siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga, kaya hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.

"Can you give us privacy Attorney? If that's okay with you."

Walang alinlangan namang tumayo si attorney at naglakad sa kabilang mesa, na medyo malayo sa amin.

A moment of silence, naramdaman kong tumingin siya sa akin.

"Nagkakilala kami at ng Nanay mo ngayon sa isang bar, I was so depressed that time because my dad left my mom. She's a waitress and she easily catch my attention because of her silliness," he chuckled " ako yung nag-iisang costumer noon sa private room at siya ang naghatid sa iinumin ko. She accidentally tripped kaya nabuhos sa akin yung mga hawak niya." Natuon ang atensyon ko sa kanya.

"Nagalit ako noon, at nasabihan ko pa siya ng mga masasamang salita. Hindi naman siya nagreklamo, pero ramdam ko na naiinis nadin siya sa akin nun kase kita ko yun sa expression ng mukha at emosyon ng mga mata niya. Siguro hindi nadin siya nakapag-pigil, kaya iniwan niya ako ng basta nalang habang nagsasalita pa ako. Muntikan pa nga siyang masubsob sa kakamadali dahil may naapakan siyang bote, pero nahawakan ko siya agad."

Nag-iwas siya ng tingin, at lumunok sa hawak niyang wine.

"Hindi ko alam kung paano nangyari pero pagkatapos nun, nalalagi na ako sa bar nayun. Araw-araw akong nandoon at siya lagi ang nagseserve ng iinumin ko, kung hindi naman siya ang dumadating pinapabalik ang waiter at sinasabing siya ang gusto kong magsilbi sa akin."

"Naging close kami not knowing our identities maliban sa mga pangalan namin. Hanggang sa isang gabi, nalasing kami sa condo ko and-- that night something happened between us."

Doormate BuddiesOnde histórias criam vida. Descubra agora