DB THIRTY SEVEN

385 33 2
                                    

Napakurap ako ng marinig ko ang malakas na palakpakan nila. Kahit hindi nila kita, ay nag bow parin ako bago bumalik sa likod. Isinawalang bahala ko nalang muna ang mga nasa isip ko kanina.

"Omygash!!" Tili agad ni Hayden ang bumungad sa akin pagka apak ko ng backstage. Palakpak siya ng palakpak habang lumalapit sa akin. Napapatingin tuloy sa amin ang iba pang tao dito sa backstage.

"Omygash!!! Omygash!" Pinaypayan niya pa ang sarili niya. Hindi ba masyado na siyang nagiging Oa?

"B..bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"Are you suuuuure??" Gaaa'

"Huh?"

"P..parang p..para kang--"

"Parang ano?" Tinitigan niya ako, pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ko. Napasimangot ako dahil sa reaction niya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Sigurado kang hindi ka taga China?" Napangiwi ako dahil sa sagot niya.

Anong connect?

Tsaka nakakatawa talaga ang mukha niya kaya hindi ko naiwasang mapatawa.

"What's so funny ditech?" Nakapamewang na tanong niya sa akin.

"Para ka po kaseng ano. Tsaka pinay na pinay ako anu ba."

"Pero in fairness, ang galing mo kanina ah? Hindi na ako magtataka kung pupurihin ka mamaya ng may-ari ng Restaurant nato. Para kang singer na taga China, ka boses mo yung singer na kumanta nun." Napangiti ako sa sinabi niya.

Pinaghandaan ko kase talaga to eh. Kahit naman hindi ka sanay sa isang wika kung kaya mo naman itong kantahin ng buong puso, magiging maganda ang kakalabasan ng kanta mo. Ang kailangan lang jan ay naiintindihan mo ang pinaparating ng kanta.

"Hindi naman." Nakangiting sagot ko sa kanya, at nilapag ang gitara sa tabi ko. Binigyan niya naman agad ako ng tubig.

"Pa humble ka pa! Pwede kang sumikat jan sa talent mo." Napailing iling nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Umupo ako sa upuan, at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo din agad ako. Kailangan ko na kaseng umalis, total wala naman na akong gagawin dito.

"San kana pupunta?" Takang tanong sa akin ni Hayden habang pumapapak sa hawak niyang chips.

"Uuwi na ako. Salamat dito sa gitara mo ah?" Tumango naman siya at kinuha ang gitara ko sa kamay.

"No problem. Ihahatid pa ba kita gurl?"

"Hindi na--"

"Hayden, pinapapunta kayo ni Mr. Chi sa table niya. Isama mo na din yang singer mo." Isang chinito na medyo may edad na ang lumapit sa amin.

"Sir. Chan." Nakangiting bati ni Hayden. Siya yung sinabi ni Hayden noon na may-ari daw ng estaurant nato, pero yung Mr. Chi naman pala.

"B..bakit daw po?" Sunod niyang tanong.

"Gusto niya lang kayong maka-usap. Wag kayong mag-alala mabait naman yun." Napatango nalang kaming dalawa ni Hayden, at sumunod na kay Sir. Chan.

Nagtataka akong tumingin kay Hayden ng sikuin niya ako.

"Siya yung inakala kong may-ari ng Restaurant nato noon na sinasabi ko, ngayon ko lang din nalaman na kanang kamay lang pala. Siya kase yung nakausap ko noon eh. In fairness, unang kanta mo palang dito nagustuhan niya na boses mo. Ano pa kaya sa may-ari?" Bulong niya sa akin habang nakatingin kami sa likod ni Sir. Chan.

Buti nalang hindi kami masyadong malapit sa kanya, baka kase marinig niya si Hayden. Ang lakas pa naman ng boses niya bumulong.

"Nakita mo na ang may-ari ng Restaurant nato?"

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now