DB FOURTY NINE

363 19 0
                                    

Nakita ko agad si Lianne na nakatayo sa gilid ng isang lamesa na parang wala sa sarili. Buti nalang walang masyadong tao ngayon dito, at walang nakakapansin sa kanya. May nakalagay na soft drinks sa lamesa, at hindi ko alam kung sa kanya bayun o hinde. Nabaling ang  tingin niya sa akin, at tipid siyang ngumiti.

"Lianne." Hindi ko maiwasang titigan siya mula ulo hanggang paa. Shezz! Ang laki ng pinayat niya.

"Anong nangyari sayo? Okay ka lang?" Inakay ko siya para maupo. Halata kase sa mukha niyang hindi maganda ang pakiramdam niya.

Andito kami ngayon sa may 7-11. Ayaw niya kase na sa Seige Restaurant kami mag-usap, kahit anong pilit ko sa kanya. Ganun nga siguro ka pribado ang pag-uusapan namin.

"Okay lang." Matamlay ang boses niyang sumagot sa akin.

"Lianne." Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam pero mukhang hindi madali ang pinagdadaanan niya. Hindi naman siguro dahil to kay Finn?

Si Finn! Gaaa'!

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi naman siguro. Wala naman sigurong nangyaring masama kay Finn. Tumingin ako nang seryoso kay Lianne, pero umiwas lang siya ng tingin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Wala pang isang minuto ay napatingin ulit siya sa akin, at nangingilid ang mga luha niya.

"H..hindi ko na kaya Reign."

"L..liane--" Umiling iling siya at parang hindi alam ang gagawin. Kinakabahan na ako sa inaasta niya.

Lumunok muna ako bago huminga nang malalim para sa itatanong ko sa kanya. Kung hindi ako magtatanong, hindi niya sasabihin. Sa estado niya ngayon, mukhang naguguluhan pa siya kung sasabihin ba niya ang gusto niyang sabihin o hinde.

"May nangyari bang masama kay Finn?" Tanong ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. Umiling siya ng dalawang beses na ikinasalamat ko.

"W..wala Reign, wala."

"Kung ganon, ano? Bat ka nagkakaganyan? Makikinig ako, at sabi mo tungkol kay Finn ang pag-uusapan natin?"

Mabilis na nagbago ang emosyon niya, at nakikitaan ko na ito ng awa na may halong inis at galit.

"Kilala ko na." Kumalabog nang malakas ang dibdib ko, at hindi ko alam kung bakit. Anong alam niya? Bakit ganyan siya makaasta, at anong alam niya na may kinalaman kay finn-- pero kailangan pa niyang sabihin sa akin?

"Anong ibig mong sabihin?" Pagak siyang tumawa sa simpleng tanong ko sa kanya.

"Reign, wala siyang kasing sama! Wala siyang awa. Anong nagawa niya para ganunin siya? Ang bait niya Reign eh, ang bait bait niya! Pero bakit ginanon siya?" Bumuhos ang luha niya at pinilit niya itong punasan pero hindi niya magawa dahil sa panginginig niya.

"Wala naman siyang kasalanan sa kanya eh! Pero bakit kailangang ganunin pa niya siya?"

"Anong-- hindi ko maintindihan." Tumawa siya nang sarkastiko, at dinampot ang soft drinks na nasa harap niya para uminom. Huminga siya nang malalim bago inis na tumingin sa akin.

"Hindi mo alam, o nagpapanggap kalang? Hanep! Ang galing din ng boyfriend mo eh no? Porket ang yaman akala mo kung sino ng magpaikot sa buhay ng iba. Anong ginawa ni Finn doon sa Severn nayun Reign huh? Ano?! Bakit niya binugbog?! Bakit kailangang bantaan niya pa siya para huwag magsalita at magsumbong?! Bakit?!"

Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niya? Hindi magagawa ni Seven yun, at saan niya ba nakuha ang ganyang ideya?

"A..ano bang sinasabi mo? Hindi ako ganung klaseng kaibigan at hindi yun magagawa ni Seven. Lianne baka nagkamali kalang ng impormasyong nakuha." Kalmadong sagot ko sa kanya. Hindi magiging maayos ang pag-uusap namin kung pareho kaming galit.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now