DB TWENTY FOUR

541 31 1
                                    


"A...aray naman Seven."

"Wag ka kasing malikot."

"Dahan dahan lang kase. M..masakit eh!"

"Don't move. I'll be gentle."

"P..ero--", sinamaan niya ako ng tingin kaya nanahimik nalang ako.

Sumakit kase ang paa ko dahil sa suot kong heels kanina, kaya minamasahe ito ni seven.

Pero hindi ko din naman alam na brutal pala siya mag masahe. Pinapalala niya lang ang sakit niya eh!

Kinuha niya ang remote na nakapatong sa table, tsaka niya nilipat sa basketball ang pinapanuod naming 'The how's of Us'. Kaya napanguso ako.

"You hungry?" Tanong niya sa akin pero umiling ako.

Hindi naman na talaga ako gutom. Masyado kaseng naparami ang kain ko kanina sa party ng Nanay ni Frey.

"Ikaw?" Umiling din siya.

"Sleepy?" Tanong niya ulit kaya umiling nanaman ako.

"Ikaw?"

"Nope."

Sumandal ako sa gilid ng sofa bed, habang nakapatong parin ang dalawang paa ko sa hita niya. Tinignan ko siya, pero sa TV na naka focus ang paningin niya. Hawak parin naman niya ang paa ko at minamasahe parin to. Buti nalang medyo hindi na masakit.

"Kunin ko lang moo ko." Tumango ako sa kanya, at umayos na ng upo.

Tinignan ko ang wall clock ni Seven.

10:43 pm

Late na pala. Pero hindi pa naman ako makatulog. Napabuntong hininga ako.

Kinuha ko ang remote at nilipat sa History channel.

Tutok ako sa pinapanuod ko ng maramdaman kong lumubog ang kanang parte ng inuupuan ko. Hindi ko nalang tinignan dahil alam ko namang si Seven to eh.

"Here." Hindi ko parin siya tinignan pero kinuha ko ang iniabot niyang moo.

Addict talaga siya sa moo, ni hindi nga siya nag sheshare kina Weyn eh. Pero buti nalang binibigyan niya ako.

"Where's the remote?" Ininguso ko ang remote sa hita ko, binubuksan ko kase ang moo ko kaya diko mailahad. Kinuha niya naman ito at nilipat agad sa basketball.

Seriously? Hindi talaga ako mahilig manuod ng basketball eh!

This time tinignan ko na siya.

Prenteng nakaupo at seryoso siyang nanunuod, habang sumisimsim sa moo niya. Napatingin ako sa remote na ngayon ay nakapatong na sa hita niya.

Hmm...

Napangisi ako sa naisip ko.

Inubos ko muna ang hawak kong moo, bago dahan dahang inilalapit ang kanang kamay ko sa hita niya.

Ayan naaa! Ayan naaaa---

"What are you doing?"

Nanlalaki ang mga mata ko ng hinawakan niya ang kamay ko, na nakahawak na sa remote pero nakapatong parin sa hita niya.

Sayaaang!!

"Ah-- ahm! A.ano- a.h--"

Ngumisi siya sakin tsaka niya nilapit ang mukha niya, kaya napaatras ako. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Ba..bat ka lumalapit? L..layo! Layooo."

Pero hindi siya nakinig sakin.

"Are you--" hinapit niya ako sa bewang gamit ang dalawang kamay niya, kaya napa upo ako sa mga hita niya, "trying to--" nilapit niya ang mukha niya sakin, "seduce me?".

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now