DB SEVENTEEN

570 39 2
                                    

Agad kumalat yung nangyari sa cafeteria kanina, at hindi ko alam kung maiinis ba ako sa mga bulung bulungan o hindi.

"Mukha siyang suplada at masungit! Pero I doubt kung kakayanin niya sina Beauty, daig pa nung mga yun ang Queen Bee sa mga high schoolers eh!"

"Trulala friend! Pero close naman siya nina Severn. Hindi naman siguro siya mapapahamak."

"Mayaman ba siya? Pano siya naging parte ng grupo nina Weyn?"

"Scholar daw besh eh! Mukhang mayaman sa kutis at mukha, pero sa pananamit hindi."

Napangiwi ako ng marinig ko yan at diko na napigilang mapatingin sa kanila. Nagsi iwasan naman sila ng tingin, kaya ipinagsiwalang bahala ko nalang ito at nag focus na ako sa binabasa kong Human Anatomy.

Kailangan kong panatilihin ang mataas na  grades ko, para naman kahit papaano maging proud si mama sakin. Si mama!

Biglang pumasok sa isipan ko, si mama. Oo nga pala! Malapit na akong magtatlong buwan dito, hindi parin niya ako kinakamusta ni padala kahit konting pera. Hindi din naman niya sinasagot pag tumatawag ako. Wala talaga siyang paki-alam sakin.

Pinigilan ko ang nagbabadyang luha na gustong kumawala sakin, dahil ayokong isipan ng mga tao dito na naapektuhan ako, na ako ang pinag-uusapan nila. Pinilit kong mag concentrate sa binabasa ko, at hina highlight pa ang mga importanteng words na kailangan kong pagtuunan lagi ng pansin, at I review.

Nang mag-uwian, nagtext sakin si Severn na may meeting sila at ng club niya. Mauna na daw ako sa kotse niya pero tumanggi ako. Nag reason out nalang ako na kailangan kong umuwi agad dahil maaga ako sa trabaho ko.

Ang totoo niyan, pupunta ako sa isang exclusive restaurant na pag mamay-ari ng isang intsik. Sabi kase ni Miss Juday kagabi nung magtanong ako, kung may iba pa ba siyang alam na maaari kong pagkakakitaan, ng hindi nagiging sagabal sa schedules ko sa school.

Rinecommend niya ako sa isa niyang kaibigan, na manager din sa restaurant nayun. Laking pasasalamat ko dahil sa kanya. At ngayon ang simula ko. Buti nalang, sarado daw muna ang restaurant sa Seige High Restaurant ngayon dahil kakailanganin mai renovate. Dadagdagan daw nila ng floor.

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa restaurant na ito, 6pm na at 6;30 ang simula ko. Ipinaliwanag sakin ng baklang manager na siya ring kaibigan ni Miss Juday, na kakanta lang daw ako ng 5 songs ngayong gabi at pag nakuha ko na agad yung bayad ko, maaari na daw akong umuwi.

And yes, boses ko naman ngayon ang pagkakakitaan ko. Ang swerte ko nga dahil ako ang napiling singer ngayong gabi, dahil mga malalaking negosyante daw ang nandito sa restaurant ngayon. Pag magustuhan daw nila ang boses ko , malaki din ang tip. Ganun daw talaga dito.

Pagkatapos kong nagpalit ng simpleng manipis na light blue v-neck at blue fitted jeans, pumwesto na ako dito sa stage. Nabawasan ang kaba ko dahil nakatakip ang katawan ko ng manipis na curtain, pero kita ang shadow ko sa labas. Buti nalang. Pero hindi ko maaninag ang mga nagsisikainan, nagkwekwentuhan at nanonood na costumers.

Sabagay.. Mas mabuti na to kesa nakabalandara ang buong mukha ko sa kanila!

Kinuha ko ang gitara na hiniram ko kay Fin at huminga ng malalim.

Go Reign! Pagpapalakas ko sa sarili ko. Ngayon lang ulit ako kakanta at sana hindi ako mawawalan ng boses. Pinikit ko ang mga mata ko.

Sinimulan ko ng tugtugin ang intro. Naramdaman kong parang nag-iba ang aking mga nasa paligid. Parang huminto ang lahat sa mga ginagawa nila at ang buong attention nila ay napunta sakin.

Demons
(Imagine Dragons)

When the days are cold
And the cards are fold
And the saints we see
Are all made of gold

Doormate Buddiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن