DB TWENTY NINE

478 30 0
                                    


Inaantok akong pumasok kinabukasan. Nagkape panga ako ng tatlong beses para hindi ko matulugan ang mga prof ko. Iniwan ko nadin yung cellphone ko sa condo.

Baka ayaw pa talaga akong pansinin ni Seven.

Nang vacant ko na, tumambay nanaman ako sa library at binasa ulit yung report namin. Humihikab pa ako kaya pinatong ko muna saglit ang ulo ko sa table at pumikit.

"Hey" naramdaman kong may humawak sa pisngi ko.

Hmm. Pamilyar ang pabango niya eh.

"Reign."

Napatayo ako ng marinig ko ang boses nayun. Napatingin agad ako sa kanya. Tsaka ko nilibot ang paningin ko.

Nasa  library parin naman ako. Nakatulog yata ako.

Akala ko, nag hahallucinate lang ako kaya kinusot ko pa ang mata ko, pero andito parin siya eh.

Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

"Why are you sleeping here?" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Tumalon ako sa kanya at sinalo din naman niya ako.

Pinulupot ko ang mga binti ko sa bewang niya at hinigpitan ang kapit ko sa leeg niya.

Namiss ko talaga siya!

Ang hirap talaga pag nasasanay kana sa presensya ng isang tao.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Hinagod niya ang likod ko kaya napa hikbi nanaman ako.

"Sshh. Why are you crying?"

Pinulupot din niya ang mga kamay niya sa bewang ko, at hinigpitan niya din ang yakap niya sa akin.

Buti nalang nasa parteng likod kami ng library. Kaya hindi kami napapansin.

"N..natiis mo ako ng ganun?" Sumisinghot akong tumingin sa kanya .

Pinaupo niya ako sa table, pero nakapulupot parin ang mga binti ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin, at pinunasan ng dalawang hinlalaki niya ang mga luha ko. Hinalikan niya din ang noo ko.

"I'm sorry. May pinuntahan ako kahapon kaya hindi muna ako nakapagparamdam sayo. Wag ka ng umiyak, namiss kita." At siya na rin ang nagkusang yumakap sa akin ng mahigpit.

"Namiss rin kita! Akala ko nagtatampo ka parin sakin."

"Sinong ba kasing nagsabing okay na tayo?" Napalayo agad ako sa yakapan namin dahil sa sinabi niya.

"S...sorry na." Napayuko ako.

Sana maawa siya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga, at tinaas ang mukha ko para mapatingin ako sa kanya.

"Nah uh. Don't show me that look Reign." Umiling siya kaya sumimangot ako.

Grabe naman siya magtampo! Nakakaasar!!

"Eh, anong gusto mong gawin ko?"

"Hmm." He leaned forward and our nose are almost touching.

Gaaa'!! Do I need to kiss him, para ma forgive na niya ako??

"D.. dito talaga sa library?" Napalunok ako ng ngumisi siya. Luminga nanaman ako sa paligid. So far wala pa namang napapadaang tao dito.

Umatras ako ng mas lalo niyang ilapit ang mukha niya.

*Blag*

Naitulak ko si Seven ng may nahulog. Akala ko may tao na pero yung book ko lang pala na naatrasan ko. Pinulot ito ni Seven at siya narin naglagay sa bookshelf.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon