DB FOURTY EIGHT

399 21 0
                                    

Lumipas ang mga araw at bumalik nadin sa dati ang lahat.

Hindi na namin pinag-usapan yung mga nakaraang problema namin. We never talk about Li, even the death threat. Wala naman na kaming natatanggap. Siguro prank lang yun? Sana nga.

"So how's Cebu Reign?" Taas kilay na tanong sa akin ni Lex habang sumisipsip siya sa milk tea niya.

Nilapag ko ang binabasa kong notebook sa lamesa, at tumingin sa kanya.

"Okay lang." Ngumiti ako sa kanya, para hindi niya mahalatang wala akong ganang pag-usapan ang tungkol sa pagba bakasyon ko sa Cebu.

Hindi naman sa ayaw kong ikwento at wala akong tiwala sa kanya. Pero, sadyang may mga bagay lang talaga tayong gustong sarilihin nalang. Hindi sa lahat ng sitwasyong nangyayari sa atin, ay pwede nating ibahagi. Minsan kase, ito ang mas nakakabuti sa atin.

"Buti kapa! Alam mo bang naiinis ako kase hanggang doon ba naman ay binibwisit ako ni Kinsley?!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Akala ko ba sa Probinsya nila sila magbabakasyon?"

"Well, oo. Pero pumunta doon si Kinsley para mag-attend dun sa business meeting nila, na meeting dapat ng papa niya." Tumango ako sa kanya at tumingin ulit sa notes ko. Baka kase may quiz kami mamaya, mabuti ng sigurado.

Hindi din namin kasama sina Seven, dahil may klase pa sila. Ngayong second semester, konti lang ang oras na pwede kaming magkasama sa Campus. Kadalasan yung mga vacant ko, may klase siya. Kapag may klase naman ako, vacant niya.

"At sobrang naiinis ako kase sa bahay pa talaga namin siya nag stay. Wala ba siyang pera?! Bat di nalang siya nag hotel? Tapos alam mo ba Reign na ang kapaaaaal ng mukha niya, para iuwi ang babae niya sa hindi niya bahay? Gigil niya ako eh!" Napangiwi ako sa mga sinasabi niya. Sumulyap ako sa kanya, at kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya.

I wonder why she's really mad. Dahil ba sa nabwibwisit siya sa presensya ni Kinsley? O dahil sa babae niya?

"Hayaan mo na."

"Noooo!! Hinding hindi ko to palalampasin!" I mentally rolled my eyes. Hindi ako maka concentrate sa pagbabasa. What's wrong with what Kinsley did?  Is she jealous? Eh? Impossible!

"Sige."

Sumimangot siya pero nagkibit balikat lang ako.

"Tama na muna yang kakabasa mo. Andito tayo para mag meryenda Reign."

"Baka may quiz kami mamaya Lex, I can't afford to lose my Scholarship."

"Hindi ka naman babagsak sa isang quiz na maliit ang score."

"Kahit na, kailangan ko paring mag review." Napaka bi din talaga nitong si Lex minsan eh.

"Oo na, oo na." Pagsusuko niya nang mapansin niyang seryoso talaga ako sa sinasabi ko. Inirapan niya muna ako bago niya kinuha ang mga notes niya sa bag niya, at nagsimula nading magbasa.

Napangiti ako nang seryoso na siyang magbasa. Kaya sinimulan ko nading mag review.

Hindi din naman kami masyadong nagtagal dahil time na namin.

Gaya nga ng inaasahan, nagkaroon nga kami ng quiz.

"As expected Miss Sue. Keep it up! Magiging successful ka niyan." Ngumiti ako kay Professor Dexter at nag thank you.

Nahihiya talaga ako kapag napupuri ako in public. Hindi parin talaga ako nasasanay. Ngumiti lang din saakin ang mga kaklase ko sa subject nato kaya sinuklian ko din sila ng tipid na ngiti.

"Let's go?" Ngumiti ako kay Seven at pinatong sa nakalahad niyang kamay ang kamay ko. Sinundo niya kase ako dito sa room namin. Parehas kase kami ng oras nang uwi ngayon.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now