DB TWENTY SEVEN

464 29 0
                                    

Pagod akong pumasok sa unit ko. Wala rin ako sa sarili habang naliligo. Iniisip ko kung sino ang gumawa nun kay Finn. Base kase sa kwento ni Lianne, malaki talaga ang galit ng gumawa nun sa kanya. Kababalita nga lang kanina na muntik na siyang ma comma eh.

Naaawa din ako kay Lianne, kung makaiyak kase parang anak niya si Finn eh. Pero diko siya masisisi baka, napamahal na sa kanya.

Bumuntong hininga ako bago lumabas ng banyo, at nagpalit ng pajama at tshirt. Kinuha ko ang libro ko at sinimulan ng magbasa. Baka may surprise quiz bukas. Ayoko namang bumagsak lalo nat malapit ng matapos ang first semester.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng makaramdam ako ng gutom. Kaya napagpasyahan ko munang magluto ng Canton. Mahirap kayang mag review pag gutom.

Pabalik na ako sa kwarto ko ng mapansin kong, hindi ko pala nalalock ang pintuan ko. Kaya nilapag ko muna ang hawak kong canton, at lumapit sa pinto.

Isasarado ko na sana ito ng namataan ko si seven na kakalabas lang sa elevator, at may kaakbay na babae. Malagkit ang titig ng babae kay Seven, samantalang hindi ko naman alam kung ano ang reaction niya. Nakayuko kase siya.

Bumuntong hininga ako bago ko iniwas ang tingin ko sa kanila. Sinarado ko ang pinto ko at dumeretso agad sa kwarto ko bitbit ang canton.

Nakain ko na at nahugasan ang pinggan ko pero hindi parin talaga ako mapakali. Gusto kong puntahan si Seven, baka kase rapein siya nung babae--

Duh? As if! Baka gusto pa ni Seven pag ganun!

Ays! Hindi naman ako nangengealam sa sex life niya dati kaso, iba ang pakiramdam ko ngayon.

Tsaka kailangan kong bumawi sa kanya. Hindi kami masyadong nagpapansinan kanina, diba?

Buo na ang pasya ko, mag sosorry lang naman ako sa kanya. Baka kase tamparurot pa siya dahil kay Kinsley.

Siya lang naman ka close ko talaga sa kanila, so ano pang tinatampo niya diba?

At ngayon lang nagpapasok si Seven ng ibang babae niya sa condo niya. Dati naman kung may ka qwiki siya, nag hohotel or sa sa unit daw ng babae sila nagpupunta.

Pero anong nangyari ngayon?

Lakas loob kong binuksan ang pinto niya, buti nalang hindi naka lock. Kaya pumasok agad ako. Wala sila sa sala, so probably nasa kwarto sila ni Seven.

Umiling ako ng kung ano-ano nanaman ang pumasok sa isip ko.

Lumapit ako sa pinto ng room niya, pero nakalock.

"Shit!" Hindi ko na napigilang naibulalas.

Dali-dali akong bumalik sa unit ko, at hinanap yung duplicate key na binigay ni Seven sa akin.

"Asan kanaaa!!" Bat wala dito sa unan ko?!

Hinanap ko siya sa drawer ko at buti naman natagpuan ko din.

Bumalik din agad ako kina seven at ingat na ingat na kinandado ang room niya.

Click!

"Yeah!" Mahina kong sabi.

Dinikit ko muna ang tenga ko pero wala akong ingay na naririnig, kaya dahan dahan ko itong binuksan.

Nanlalaki ang mga mata ko, ng makita kong nakapatong yung babae na walang kahit anong saplot kay Seven. Hinahalikan nito ang leeg niya.

Yuck!!

Tinuon ko ang tingin ko kay Seven, pero nakapikit ang mga mata niya.

Ano to? Natutulog ba siya kaya rinerape siya ng malanding babae nato?! O nagtutulog tulugan lang at sarap na sarap naman siya.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now