DB FIFTY

443 21 8
                                    

Nagtiimbagang bagang ako sa sinabi niya.

"So it's true." Inis na sinuklay niya nanaman ang buhok niya at tumingin sa akin ng nagsusumamo ang mga mata, pero hindi maitatago doon ang inis.

"I did that for some important reason Reign." Napatawa ako nang pagak sa sinabi niya.

Ano yung rason nayun? Bakit kailangan pang gawin niya yun kay Finn? Gaano yun kaimportante?
Kilala niya ba si Finn? Pano?!

"Pero, hindi naman kailangang ganunin pa siya. May paraan naman lagi, pwede mo siyang kausapin. Kase alam mo? Ang babaw ng rason--"

"That's bullshit!" Napatigil ako sa pagsasalita nang magmura siya. Bumilis ang paghinga niya at galit na tumingin sa akin.

"Mababaw ba ang rasong muntik kanang marape huh Reign?! Mababaw ba ang rasong binobosohan ka at palaging sinusundan?! Mababaw ba yun?!"

"A..ano?"

"See?! That's the problem in you. You keep on judging me without making me explain!"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Pagak akong napatawa at ginulo ang buhok ko.

Gaaa'! Mas may iwoworst paba to?

Paano? Bakit? Bakit ako ginaganun ni Finn, kaya ba ganun siya makatingin noon kase minamanyak na niya ako? Kaya ba noong nagpapalit ako noon, ay parang may nakatitig sa akin.

Naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko sa batok at kamay, kaya napayakap ako sa sarili ko.

Shit! How could he?!

"Tell me mababaw bayun Reign?"

Kumunot noo ako nang marinig ko ang boses ni Seven. Nakaramdam agad ako nang inis at galit. Kung alam niya pala to, bakit hindi pa niya sinabi? Pano kung may ginawa si Finn sa akin, noong pumunta ako sa bahay nila at wala manlang akong kaalam alam doon?

"Pero hindi modin kailangang itago ang ganyang kaimportanteng pangyayari sa akin Seven! Bakit hindi mo sinabi ang mga yan? Para hindi ako mag-alala?! Eh tangina naman niyan eh! Pano ako makakapag ingat kung hindi mo ako binalaan nun?!"

"Kase okay na! Ginawa ko na ang lahat para dina maulit yun!!"

"At mali ang pamamaraan mo!!!"

Hingal na hingal akong napakapit sa sofa. I don't get his point! Hindi kailangang sa ganoong paraan pa maghiganti. Pwede namang ipa police nalang. At ang ayaw ko sa lahat, yung handa siyang sundin ng mga batas porket may kaya siya sa buhay.

Nagagalit ako sa ganoong ginagawa sa akin ni Finn, pero hindi kailangang ganunin siya. Mali parin yun.

Napatingin ako kay Seven ng siya naman ngayon ang tumawa nang sarkastiko.

"What do you want me to do then?! Cheer him up?!"  Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Yun ang punto mo eh."

"Hindi nga ganoon yun! He's my friend at hindi mo kailangang gawin yun sa kanya! Pwede naman siyang isuko sa mga police, hindi yung bubugbugin pa siya at ang malala ang pagbantaan pa siya. Wala naman siyang ginawa sa amin--"

"That's because I was there! I saved you! Tapos nato Reign, bat paba natin pinapalaki?" Parang pagod ang boses niyang tanong sa akin. He frustratedly comb his hair. Pero hindi yun naging dahilan para mawala ang inis ko.

"Kase ako ang involve dito Seven." Matigas na sagot ko sa kanya. We can't just run away from this serious matter.

"Right! Kase close na close kayo ganun ba? Kulang na ngalang pagkamalan na kayong mag syota eh!" Kumunot ang noo ko sa sinabi. San nanaman niya napulot ang ganyang sinasabi niya?

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now