DB TWENTY

547 30 3
                                    

This chapter is dedicated to QueenLabb thank you so much sa flood votes😚.

-------

"Oh my goodness! You look stunning!" Pinaikot pa ako ni Miss Yrikah. Gaaa' nahihiya ako.

"H..hindi ba masyadong revealing?" napairap siya sa tanong ko.

"No, of course not! Don't you know that thing called 'fashion'? Bagay mo nga eh."

I sighed. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Naka ponytail ang mahaba kong buhok, at light lang ang makeup ko. Nakasuot naman ako ng silver gown, na kita ang likod at may slit sa bandang kanang hita ko, pero buti nalang hindi mababa ang neckline niya. Nakasuot din ako ng black high heels na 4 inches.

"Miss Yri--"

"C'mon, andun na ata si Severn sa sala. I'm so excited to see his reaction!" She giggled while walking towards the door.

Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Pagdating ko sa sala wala si Seven at Miss Yrikah, kaya umupo nalang muna ako sa Sofa.

Gusto kong mag thank you kay Miss Yrikah, dahil hindi ko talaga aakalain na ganito ang magiging itsura ko ngayon. Kaso nahihiya ako. Maybe next time? Naaah! Wag na.

"Reign-" napatayo ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Seven.

"Ano ba?! Bat ka bigla biglang nagsasalita jan--" naputol ang pagsasalita ko ng makita ko ang itsura niya. What the?!

B..bat ang gwapo niya?

Naka ayos na din kase siya. He looks good in his silver tuxedo. So pareho kami ganun? Ahh! Date nga pala kami.

Pero grabe! Bat ang gwapo niya?

He's get up with his serious awra, defined how much intimidating and handsome he is. Somehow I felt ashamed. I had this strange feeling na ipapahiya ko lang siya. I'm not rich like them, atsaka first time kong aatend ng magarbong party.

Hindi ko alam kung pano makisalamuha sa mga mayayamang tao. This gown, shoes and jewelries I'm  wearing looks expensive, but it doesn't mean I'm already look like one of them.

"Are you looking for Yrikah? She already went home. Kailangan niya ding mag-ayos dahil aattend din siya sa party ni Tita Heather." hala-- nakakahiya. Mas inuna niya pa akong ayusan kesa sa sarili niya. At hindi ko alam na aatend din pala siya. Pero hindi na nakakapagtaka yun, family friend din siguro ng family ni Frey ang family niya, o di kayay dahil sa kaibigan siya nina Seven.

"Ahh. Ganun ba?" Umiwas ako ng tingin sa kanya, dahil para akong nalulunod sa mga titig niya.

"Reign."

"H..huh?" nagulat ako ng nasa harapan ko na siya. He lifted my chin, then he sighed.

"You're beautiful, I--i mean you look gorgeous." I felt my cheeks heated.

Gaaa' namumula nanaman ata ako.

"Nambobola ka ba? Wag kang mag-alala soooobrang gwapo mo rin ngayon, I mean araw-araw pala." tumawa siya ng mahina kaya napatawa nalang din ako.

"But you're really beautiful tonight." napatitig ako sakanya. Ang sinsero naman kase ng boses niya.

"S..salamat."

Nasapo ko ang bibig ko.

Gaaa'! Si..sinabi ko ba talaga yun??

"What's wrong?"

"W..ala."

Alam kong di siya naniniwala, pero buti nalang di na niya ako pinilit. Hindi talaga ako makapaniwalang nag thank you ako sa kanya. Big deal talaga sakin ang magpa salamat sa mga pumupuri sakin. Pero diko inaasahang napaniwala ako sa sinabi ni Seven.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now