DB TWENTY ONE

525 30 2
                                    


Hindi ko aakalain na ganun talaga bumati ang tatay ni Seven. Nang-iinsulto muna para daw asarin ang anak niya. Hindi ko din aakalain na kilala na pala ako ni Tita Kia, ang mommy ni Seven. Tita na daw kase ang dapat itawag ko sa kanya.

"Na kwento ka na sakin once ni Seven hija. And I am really happy to finally meet you." kwento niya ng makaupo na kami sa lamesa nila.

"I'm sorry for what I did earlier iha. Masyado lang pikon si Severn kaya ang sarap asarin." tumawa silang lahat sa sinabi ni Tito Sebastian, daddy ni Seven. Kasama din namin sa table na to ang mga parents nina Frey at Weyn.

Seven made a 'tss' sound.

"Ok lang po yun Tito." Ngumiti ako sa kanya ng sinsero na tinugunan din naman niya.

"Buti nga tong uniko hijo niyo handa na atang mag settle eh. Tignan niyo nga naman at may sineseryoso ng babae, unlike my son Frey." napairap pa ang mommy ni Frey bago uminom sa wine na hinahawakan niya. Tama nga si Seven, mukha palang kase ng mommy ni Frey mataray na. Nagpapasalamat nga akong hindi niya ako tinarayan.

"You're right, even my twins seems like they don't want to get in a serious relationship. I pity them. Don't you know that loving and having a partner for your lifetime, is the happiest thing that will gonna happen in your life?" sabat naman ng mommy nina Weyn, bago kumiss sa asawa niya.

Sheeez!

"You better make your relationship stronger Severn." at sumang-ayon silang lahat sa sinabi ng dad nina Weyn.

"Cheers!"

W..wait. what?!

Ang alam nila mag kasintahan kami ni Seven??

Tinignan ko si Seven pero parang wala lang siyang paki-alam.

"T..teka po hindi kam--"

"Oh I need to go now, may speech pa kase ako eh. Goodbye fellas!"

Pag papaalam ng mommy ni Frey. Bumuntong hininga ako ng hindi ko natuloy ang sinasabi ko.

"So what is your family business Reign?" natuon ang pansin ko sa tatay ni Frey. Ngumiti ako sa kanila bago sumagot.

"Wala po Sir. Mahirap lang po kami." Naramdaman kong hinawakan ni Seven ang kamay.

"Hmm. But you look familiar to me, did we already met before? Well just, nevermind. So where is your parents?"

"N..nasa Cebu po yung mama ko at wala na po akong tatay." tinignan nila ako ng tinging naaawa, kaya ngumiti ako sa kanila para ipakitang ok lang ako.

"I'm sorry for that."

"Ok lang po." kinuha rin ng mommy ni Seven ang kamay ko tsaka niya ito pinisil kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin, kaya hindi ko rin naiwasang ngumiti sa kanya. Nakakahawa kase ang mala anghel niyang ngiti.

"Andito lang kami Reign, you can treat us, as your parents, right hon?" bumaling siya sa asawa niya, at nginitian niya din ako.

"She's right Reign." naluluha akong tumingin sa kanilang dalawa. Napaka swerte nina Seven sa mga magulang nila. Hindi ko aakalaing ganito ang magiging trato nila sa akin, akala ko kase mga matapobre sila.

"Maraming salamat po."

Hindi nagtagal nagsimula na ang speech ni Misis Heather, kaya natuon na sa kanila ang pansin ng mga ka table namin.

"You okay?" bulong sakin ni Seven.

"Oo naman."

"Dun tayo kina Frey, I'm bored here." naka ngusong sabi niya kaya natawa ako. Para kase siyang Bata.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now