DB THIRTY FIVE

432 28 1
                                    

"Dito na ako Reign, o gusto mo pang ihatid kita? Okay lang sa akin." Sinserong sabi sa akin ni Lianne pero umiling ako. Mukha na kase siyang pagod. Tsaka ayaw ko rin namang maging abala pa sa kanya.

"Okay lang ako. Sige na, pumasok kana."

"Sigurado ka?" Antok na antok siyang tumingin sa akin kaya napatawa ako ng mahina.

Pagkagaling kase namin kina Finn, dumeretso muna kami sa plasa kanina. Kumain kami ng mga street foods, nagkwentuhan at namasyal.

"Oo nga. Sige na, text na lang kita." Paninigurado ko. Niyakap niya ako bago siya tumalikod. Kinawayan ko naman siya, hanggang sa makapasok siya sa loob.

Tahimik na sa condominium ng pumasok ako. Iba na nga rin ang bantay na security, nagkapalitan na siguro sila.

Pagkalabas ko sa elevator, napahinto ako sa pag hakbang ng makita ko si Seven. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin, bago siya lumapit.

"You're late." Hindi ako umimik, ni hindi ko nga rin siya matignan.

"Are you aware that it's already 1;00am for damnsake!" Nanggigigil niyang sinabi sa akin kaya tuluyan na akong napahikbi.

The moment I saw Seven standing here makes me cry. Pero pinigilan ko lang kanina, dahil gusto kong aminin niya mismo sa akin. Pero mahirap pala talagang pigilan.

Naramdaman kong binalot ako ng yakap ni Seven.

"Husshh Reign. I'm so sorry, I'm just worried. I waited you here for 4 hours, kaya sobra akong nag-aalala ng hindi ka pa umuuwi. Maagang matatapos ang shift mo ngayon, pero late kang umuwi."

Kumawala ako sa yakap niya, at tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"Pano mo nalaman?" Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Oo, alam niya ang mga oras ng shift ko.

Pero hindi niya alam na maaga akong uuwi sana kanina, dahil kanina lang din napaaga ang uwi namin. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya dahil hindi rin naman kami okay.

"M..miss Juday told me." Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya.

"Do you have something to tell me Severn?" He again stilled after hearing me calling him Severn. I never called him like that. Ngayon lang ulit.

"Nothing. Why did you ask? Do I have something to tell you?"

Naramdaman ko ulit na nag-init ang sulok ng mga mata ko.

Yun na nga eh! May dapat ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ba talagang pati yun sabihin niya pa sa akin?

Pero kaibigan niya ako, o ako lang ang umaasa na magkaibigan talaga kami?

"R..reign? What's wrong?" Bumalatay sa mukha niya ang pag-aalala.

"Magkaibigan tayo diba?" Umaasang tanong ko sa kanya.

"Of course Reign. Why?" Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko na nagsisimula nanamang tumulo.

"Tell me." Hinawakan niya ang mukha ko at pinakatitigan.

"P..pero bakit?" Mas lalo siyang naguluhan dahil sa sinabi ko.

Tatanungin ko ba? Paano kung mapahiya lang ako sa sagot niya? Paano kung sabihin niya na masyado akong mababaw?

"Seven." Tumawa ako ng pagak bago tinuloy ang sinabi ko.

"H..hindi mo naman ako ininform, kayo pala may-ari nito?"

Umiwas ako ng tingin pagkatapos kong sabihin yan. Hindi siya nakaimik dahil sa sinabi ko. Naramdaman ko rin siyang lumayo sa akin, kaya napatingin ako sa kanya.

Doormate BuddiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt