DB FIFTEEN

655 40 0
                                    


Kasasabi ko lang nung isang araw na ayaw kong makasalamuha ang nanay ni Frey, kase natatakot ako sa kanya pero heto ako ngayon. Nagpapasukat ng dress para sa party niya sa Sabado ng Gabi. Wednesday na ngayon so malapit na.

Sabi ni Frey, naging success naman na daw ang problema ng company ng nanay niya. Kaya daw siya magpapaparty dahil bukod daw sa naging success yun, at ang pagkuha ng client's sa mga aatend na bigating business man ang women, gusto niya rin daw I celebrate ang pagbabalik niya sa Pilipinas after 1 year.

Weird na sosyalin pa.

Hindi rin ako makatanggi sa invitation ni Frey dahil baka mag tampo. Tsaka wala din daw date si Severn pag nagkataon.

Kaya eto ako ngayon, nakatayo sa living room ni Seven habang sinusukatan ng isang sikat na designer na kaibigan ng mommy ni Seven. Nakakahiya nga eh kase siya magbabayad ng lahat ng gagastusin ko.

Bakit pa kase ko magpapatahi? Di ba pwedeng bumili nalang ako sa SM? Yung mga may discount lang para iwas gastos.

Pero I doubt na papayag siya dun.

Malamang naman kase ! Puro sosyalin ang nandun, baka magmukha lang akong P.A ng tatlo lalo na si Severn pag nagkataon.

"Done" nginitian ko si Miss Park ang designer na sinasabi ko, bago ako umupo. She's half Korean and half Pinay. Ang ganda niya nga eh, siguro nasa 24 or 25 pa lang siya.

Pinagmasdan ko lang siya habang nagtatype siya sa loptop niya, ng dumating si Seven.

"Did you also measure her foot?" parang walang galang na tanong ni Seven sa kanya kaya siniko ko siya. Nakita naman ni Miss Park ang ginawa ko kaya napatawa siya ng bahagya.

"Yes no need to worry SIR Seven." Ini emphasize niya pa ang sir. Siguro medyo close na din sila.

"Tss."

"Anyway i need to go now. I still have an appointment to attend. I will just deliver her shoes, jewelries and dress on Saturday morning. Goodbye!" Naki pagbeso siya kay seven at sa akin.

"By the way. You too look good together." bago pa kami maka pag comment tumakbo na siya na parang bata.

"Close kayo?" Tanong ko sa kanya ng tumabi siya sakin.

"Sort of! She is my brother's ex."

"Ay talaga? Kaya pala kung kumausap ka sa kanya, wala kang galang."

"Nasanay na akong ganun siya kausapin eh. Gusto mo ng chocolate cake?"

"Yes yes yes. Sakto gutom na ako." sumimangot ako, at bahagyang hinimas ang tiyan ko. Kaya napatawa siya tsaka niya ako hinila sa kusina niya.

Umupo ako sa kitchen counter niya para sana hintayin ang cake na ibibigay niya, pero nagulat ako ng nakiupo din siya. Kaya sinundot ko yung tagiliran niya.

"Oy! San na yung cake?"

"Kunin mo sa fridge." Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Inilabas niya ang phone niya at kinakalikot yun.

Tumayo ako at sinadya ko talagang dumaan sa likod niya, para makita ko ang ginagawa niya sa phone niya.

Mobile Legend.

Hayy! Kaya pala. Akala ko may katext nor ka chat na. Bumuntong hininga ako bago tumuloy sa paglalakad para kunin ang cake sa fridge.

Nilagyan ko ng two slice cake ang plate ko tsaka ako nagsalin ng banana milk shake.

Nagsimula agad akong kumain pagka upo ko. Dapat damihan ko ang kumain dahil may work pa ako mamaya, sigurado magugutom nanaman ako.

Napatigil ako sa pagsubo ng bahagyang inilapit ni Seven ang nguso niya sakin, na para bang nagpapasubo. Pero di ko siya pinansin kase sa phone niya parin siya nakatingin.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now