DB THIRTY

493 33 0
                                    

Kumurap ako sa ng may isang butil na luhang pumatak, galing sa kanang mata ko. Kanina pa pala ako nakikipag eye to eye sa salamin ng hindi talaga kumurap.

Napabuntong hininga ako bago sinulklay ang buhok ko.

Hindi parin talaga ako makapaniwala, na ngayon na ang punta namin sa bahay nina Seven.

Makikita ko ulit ang mommy niyang maganda na mabait, ang daddy niyang gwapo parin, masungit pero mabait, at ang kuya niyang gwapo, sexy at mabait. Napahagikhik nanaman ako dahil sa naisip ko.

Hmm! Stop na! Baka pagalitan pa ako ni Seven.

Sumulyap pa ako ng isang beses sa salamin bago lumabas sa kwarto ko.

"Let's go."

Seven intertwined our hands, and pull ne closer to him. I really love the feeling being close to Seven. Sobrang nakakagaan kase talaga sa pakiramdam.

"A..nong hitsura ko?" Tanong ko sa kanya ng nasa elevator na kami. Baka kase hindi magandang tignan. Nagsuot lang kase ako ng simpleng baby blue dree, at flat sandals.

"You're gorgeous." Napairap ako sa sagot niya. Seryoso ako eh!

"Weh?" He nodded and smile at me.

"Trust me Budd." This time napangiti na ako. Parang may mga paru-parong nagwawala sa tiyan ko. At gusto nilang lumabas. Eh??

"T..thanks."

Gaaa'! Sa kanya lang talaga ako natutuwa at nag te thankyou sa lahat ng mga pumuri sa akin.

Sumakay kami sa kotse niya at nakailang moo na din ako dahil say pag ka tense ko. Siyempre! Makikita ko nanaman parents niya.

"H..hey!" Inagaw ni Seven ang pang-apat ko ng moo, ng akmang kukunin ko nanaman ito. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Bat ba?"

"That's mine. Namumuro kana, kanina mo pa inuubos mga moo ko." Nakasimangot na sabi niya sa akin na deretso parin ang tingin sa harap. Napatingin ako sa lalagyan niya ng moo, at tama nga siya dalawa nalang kase natitira.

"Hehe sowwyy." Nag peace sign ako sa kanya tsaka ako nagpa music.

Buti nalang pinayagan ako ni Miss Juday na mag wag munang pumunta ngayon, total hindi naman daw karamihan mga costumers dun.

Pumasok kami sa isang private subdivision. Pinapasok din naman agad kami ng makilala nila si Seven. Wala kaming imikan hanggang sa tinigil niya ang sasakyan sa isang malaking gate. Pinagbuksan siya agad ng dalawang guard ng bumusina siya. Yumuko pa nga sila nung dumaan ang sasakyan sa harapan nila.

Bumungad sa amin ang isang ulo ng pusa na statue sa gitna ng hallway, na may tubig na lumalabas sa bibig. Hehe
Ang ganda kase may kulay ang tubig sa baba. At habang papalapit kami ay naaaninag ko na ang malaking bahay--mansion pala nina seven. Mas malaki ito kaysa nung ba- mansion nina Frey.

Pinark ni Seven sa may garage nila ang kotse niya, at pagkalabas ko napanganga ako sa dami ng mga kotseng nakaparada.

Gaaa'ang yaman!

"Reign hija." Pagkapasok namin yakap agad ni Tita Kia ang sumalubong sa akin. Kaya niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Reign, nice to see you again." Yumakap din sa akin si Tito Seb (Sebastian).

"Why are you pouting hijo? Want me to hug you too?" Pang-aasar niya pa kay Seven pero hindi siya nito pinansin.

Tumawa silang mag-asawa sa tinuran nito.

"Let's gooo-- come here Reign, I want you to taste my favorite specialty." Iginiya nila kami sa dinning area nila. Parang ang dami nilang magpapamilya dahil ang haba ng table nila, pero napagtanto ko na.

Doormate BuddiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt