DB TEN

837 44 3
                                    

Tumigil lang sila sa pagbabangayan ng dumating ang order namin. Nakakatawa lang na, ng magsimula na kaming kumain ay wala na ni isa sa kanila ang nagsasalita. Kaya nagsimula na lang din akong kumain.

Ng malapit na kaming matapos kumain, ay saka lang nabasag ang katahimikan ng magsalita si Deynwein, kaya napatingin kami sa kanya.

"So Reign, anong course mo?" Tanong niya sakin. Napansin ko lang na may accent ang pagsasalita niya. Pati si Frey, pero halatang mas ang kay Deynwein. May accent din naman si Seven pero mas nahahalata lang yun, pag nagtatagalog siya.

Ibinaba ko muna ang spoon ko bago ako nagsalita. "Med. Nursing ang kukunin ko. Kayo ba ni Frey, deynwein?" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hmm cool." Eh? Anong cool dun?

"My twin is also a Med student. He's taking doctor" aniya, so kaya pala sinabi niyang cool. "I'm taking up Business Management but Sev and I are not in the same class"  pagpapatuloy niya. Gusto ko sanang tanungin kung bakit, pero nahihiya ako. Kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

"Kaya pala hindi kayo magkakasabay na dumating nina seven dito" napamaang naman sila pagkatapos kong sabihin yun.

"B..bakit?" alanganin kong tanong.

"D..did you j..just call him s..seven?" Eh? Eh ano naman?

"Wein!" Kunot noong sita ni Seven sa kanya.

"Haha ohhhhh. Hmm" parang nang-aasar naman ang tono ni Frey. Umasta pa siyang parang nag-iisip. Ang kyuuut hehe.

"Haha. Just uhm! never mind. Anyway you're too formal. Just call me Wein" ngiting sabi niya. Kaya napangiti nalang din ako.

"Ok, Wein"

"I'm taking up Criminology. I want to be a General too, since my Father is a General. Haha I'm cool ye I know ittt" Frey said popping the 't'.

"Tss. Whatever you say shithead!" Iritang sabi ni seven, tsaka magkakrus ang brasong, sumandal sa upuan niya. Nagpout naman si Frey at sinamaan ng tingin si Seven. Hindi ko tuloy mapigilang matawa, kaya napatingin sila sakin.

Ehmm. Masama bang tumawa?

"Why?/Reign?/Why?" Sabay sabay nilang tanong sakin.

"A..ang cute niyo eh. Hehe" bago ko pa mapigilan ay nasabi ko na yan sa kanila. Kaya pilit ang ngiti kong nag peace sign. Napailing nalang sila sa inasta ko. Napabuntong hininga din si Seven.

N..Nakakatawa naman kase ang mga expression ng mukha nila kanina eh. Na cucutan tuloy ako. Tsk!

"So what's your club?" Kapagkuway tanong sakin ni Frey habang nakangisi. Bat ba kase siya ganyan?

"Hindi ko alam eh. Pwede naman sigurong wala diba?" Tanong ko sakanila.

"Yes of course . But it'll be boring if you'll not join" sabat naman ni Wein.

"Ano bang club niyo?"

"Volunteer Work and Community Service" tipid na pagsagot sa akin ni Seven, tsaka siya sumubo sa fries niya. Hindi ko naman maiwasang humanga sa club nila.

"Wow! Eh di naglilinis din kayo sa mga canals, or tumutulong sa mga proyektong pampaligiran?"

"No. Of course not. We're donating money sa mga charities. That's our work" napa aah nalang ako sa sagot ni Wein. 

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon