DB ELEVEN

753 52 0
                                    


Buti nalang pagkatapos akong yabangan at pahiyain ni Kinsley, ay hindi na niya ako kinulit. Kaya nag focus nalang din ako.

Tumayo kaming lahat ng marinig namin ang anunsyo sa speaker. Na kailangan daw naming pumunta sa jym, para magpalista sa mga sasalihan naming clubs.

Mag-isa lang akong nasa likod ng mga classmates ko, kase wala pa naman akong ka close sa kanila.  Hindi naman sa ayaw nilang makipagkaibigan sa akin, pero ako lang talaga tong ilag sa kanila.

Pero pagdating kay seven... kulang nalang yumakap ako sa kanya tsk!

Eh sa komportable ako sa kanya eh!!!

Baka nakakalimutan mong may ginawa siya sayo noon?!

Duh?! Pass is pass. Tsaka hindi niya yun sinasadya. Buddy ko na nga siya ngayon eh!

Kase ginusto mo yung halik niya!

Walang kwentaaa!!!!

Pagdating ko sa jym, sumalubong sakin sina Deynwein at Frey. Hinanap ng mata ko si Severn at nakita ko siyang papalapit sa gawi namin.

Ang dami nanamang napapatingin sa kanya pero deretso lang talaga siyang maglakad, habang nakapamulsa ang isang kamay, at ang isa naman nakahawak sa strap ng bag niya. Nanatili pading sa kanya ang paningin ko, kaya nagulat ako ng mapatingin siya sakin at ngumiti.

Inalis niya ang pagkakahawak sa strap ng bag niya, at kumaway sakin.

Kaya napangiti nalang din ako.

"Oh. Helo Reign" bati ni Frey sakin habang nagpipindot sa cellphone niya, bumati din si Weyn.

"Hello. Hindi ba per course ang arrangement natin?" tanong ko sa kanila habang lumilinga. Hinahanap ko yung mga classmates ko, at nakita ko din silang nakaupo sa kahit saan. Nakikipag-usap ang iba sa mga taga ibang department building.

"Nope" maikling sagot ni Weyn. Ng makalapit si Seven samin tinanguan niya sina weyn at Frey saka siya lumapit sakin.

"Oh your here?"

H..huh? A..nong your here?

Tatanungin ko sana kung ano ang ibig sabihin niya sa tanong nya, pero nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Haha. Of course! I'm the owner of this school" tsk! Ang layo naman ng sagot niya. Si Kinsley ang nasa likod ko. Kanina pa kaya siya jan? Hindi ko na siya napansin kanina eh.

"And also the Student Council President" pagpapatuloy niya sa sasabihin niya.

"I know" tanging sagot ni seven at lumapit sakin.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now