DB TWENTY TWO

524 30 0
                                    

Hinihintay kong bawiin ni Kinsley ang sinabi niya, pero hanggang ngayon nakatitig parin siya sakin.

"Oh? Asan na yung jokes mo?" kumunot ang noo niya.

"Huh?"

"Nang-aasar ka nanaman ba? Naku! Wag ako Kinsley ah?!" pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Iba ang nararamdaman ko sa mga ikinikilos niya ngayon. Tumingin siya sa akin ng seryoso, tingin na ngayon ko lang ulit nakita. Una kase nung time na pinakilala ako ni Seven sa kanya sa Gym.

"I'm serious Reign."

"Kin---"

"Excuse me? That's my seat." napabitaw ako sa hawak ni Kinsley, ng marinig ko ang malamig na boses ni Seven. Seryoso siyang nakatingin sa amin. Nagsukatan pa sila ng titig bago tumayo, at bumalik si Kinsley sa upuan niya.

Nang umupo si Seven, linagyan siya agad ng pagkain sa pinggan ni Victoria. Hindi manlang siya kumibo kahit kung ano-ano ang nilalagay ni Victoria sa pinggan niya. Napaiwas nalang ako ng tingin.

So nagkakamabutihan na pala sila? Huh! Baka chicks siya ni Seven.

Bakit nga ba hinde? Ganyang ganyan ang mga tipo niya eh! Sexy, matangkad, magka height lang naman kami ah? maputi maputi din naman ako, makinis alaga eh, maganda, at mayaman. Hindi na ako magtataka kung iiwan niya ako dito mamaya, at sumama siya kay Victoria.

Mag kiqwikii sila for sure!

"Reign." napaigtad ako ng marinig ko ang boses niya. Kaya napatingin ako sa kanya.

"B.bakit?" Kumunot lang ang noo niya, pagkatapos ay kinuha niya ang pinggan ko. Siya na ang naglagay ng pagkain ko, at sinalinan niya narin ako ng juice.

"Kumain kana." Nang titigan ko lang ang pagkain sa harap ko, ay sinamaan niya ako ng tingin. Nag kibit balikat nalang ako, ayoko ng makipag talo.

Kakain nalang ako kahit hindi pamilyar ang mga to sakin. Total mukha namang masarap!

"Victoria, I can't eat this all." Napabaling ang tingin ko kay Seven, nang marinig ko nanaman ang boses niya. Walang ekspresyon ang mga mata niyang nakatitig sa Plato niya, kaya napatingin din ako dito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sobrang dami nitong laman. May nakita rin akong parang mushroom, hindi pa naman nakain nang ganun si Seven.

"Ok fine, but please eat this Sausage Gravy. This is your favorite right?" Tanong ni Victoria. Napairap nalang ako sa isip isip ko.

Adobo kaya favorite niyan!

At itinuturo niya pa yung parang mushroom, eh ayaw nga ni Seven niyan!

Napabuga siya ng hangin.

"Fine." Muntik na akong mabilaukan ng kinakain ko dahil sa sagot niya. Napatingin siya sakin, kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.

Psh! Sinungaling!

Gusto niya ata talaga si Victoria eh! Kaya kahit ayaw niya, ay kinakain niya. Hindi naman siya ganyan sakin! Pag nagluluto ako ng veggies, nagagalit siya kase hindi daw siya mahilig dun. Pero pag dating sa mga chicks niya, okay na okay lang.

Nakakainis! Hindi ko na siya friend!!

Nanggigigil kong tinusok ang steak sa harap ko. Magsama silang dalawa!

Hindi ko na muli pang sinulyapan si Seven, hanggang sa natapos akong kumain.

"Drink this Sev." napairap nanaman ako nang marinig ko ang malanding boses ni Victoria. Sinalinan niya pa ng wine ang baso ni Seven.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now