DB TWENTY FIVE

566 30 1
                                    


"Let's Date."

*Cough*

"Shit! Reign are you okay? Here, drink this." Kinuha ko agad ang tubig na iniabot niya sa akin, tsaka uminom. Hinimas naman niya ang likod ko.

"Dahan dahan lang kase. Masyado ka bang gutom kaya nabilaukan ka?" Tinapik ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

Grabe siya!

"Bat mo ba kase ako sinubuan?!" Pagalit kong tanong sa kanya. Kung hindi na muna niya ako sinubuan kanina, edi sana hindi ako nabilaukan.

"Huh? What's wrong with that? Dati naman na kitang sinusubuan ah?" Inosente niyang tanong kaya napabuntong hininga nalang ako. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko, at mabilis itong nginuya.

Mahirap na! Baka may sabihin na naman siya na makakapag pabigla sakin.

"Is it about the 'date?" Napainom agad ako sa tanong niya.

Thanks Lord , nalunok ko na ang kinakain ko bago paman ako mabilaukan.

"H.hind-" napatigil ako ng samaan niya ako ng tingin. Para bang sinasabi niya na, 'sge subukan mong magsinungaling lagot ka sakin!'

Kaya, napatango nalang ako.

"B..bat ba tayo magdedate?" Hindi makatinging tanong ko sa kanya.

"Hmm, nothing. I mean, kase gusto ko. Don't you want it? May gagawin ka ba mamaya?" Napaisip naman ako sa tanong niya. 6:00 pm pa naman Ang trabaho ko sa restaurant kaya, so far wala akong gagawin ngayon.

"W..wala naman."

"Then, we'll be having a date." Final niyang saad, kaya hindi nalang ako umimik.

Ako na ang naghugas ng pinagkainanan namin, w..wait.. ako nga pala lagi naghuhugas.

Habang naliligo si Seven, ay nagpalit na agad ako ng simpleng dark blue fitted jeans, at white croptop. Nag suot na lang din ako ng shoes.

Hinintay ko nalang siya sa sala Pagkalabas niya, habang nakahawak sa moo niya.

Gaaa' para akong nag-aalaga ng bata, na sobrang adik sa moo!

Binuksan ko  muna ang moo niya bago ito binigay sa kanya. Pagkalabas namin ng condominium, dumeretso agad kami sa car ni Seven.

"So san muna tayo?" Tanong niya sakin, ng nakatingin sa harapaan.

"Simbahan nalang muna."

"Okay."

Matagal na kase akong hindi nakakapunta ng simbahan eh. Pero hindi naman ako sure kung nagpupunta ba si Seven, para kaseng hinde.

Pagkarating namin sa simbahan pumasok agad kami, at naghanap ng mauupuan. Andami na kaseng tao eh.

May nakita akong space pa sa tabi ng isang lalake sa may bandang unahan, kaya naglakad ako papunta doon. Sumunod naman agad sa akin si Seven. Ng makalapit na ako, uupo na sana ako sa tabi ng lalaki ng unahan ako ni Seven. Kumunot ang noo ko.

Nagkamali ba ako na hindi siya naglalagi sa simbahan? Mukha kaseng atat siyang magdasal eh. Tignan mo nga at inunahan niya pa ako sa pag-upo!

So wala akong choice kundi naupo narin sa tabi ni Seven, so ako ang nasa gilid.

Hindi rin nagtagal at nagsimula na ang misa. Sinilip ko si Seven at seryoso siyang nakikinig sa pari, kaya napangiti nalang ako.

Pero nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin, at bumulong sa tenga ko.

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now