DB FIFTY SIX

459 16 0
                                    

When you feel my heat
Look into my eyes
It's when my demons hide
It's when my demons hide

Sumandal ako sa punong kinauupuan ko ngayon, at muling pinagpatuloy ang paggitara.

Don't get too close
It's dark inside
It's when my demons hide
It's when my demons hide--

"M..ma'am pinapabigay ho ni Sir Holt." Itinigil ko saglit ang pagkanta pero patuloy parin ako sa pagstram, bago tumingin sakanya.

Hindi pamilyar ang babaeng naglatag ng mga pagkain sa harap ko saakin, pero nakasuot kase siya ng pang maid na uniform kaya hula ko na baka katulong siya nina Severn. Pero wala naman akong nakita kanina na mga katulong sa loob ng bahay.

"Salamat." Tinitigan niya ako atsaka siya ngumiti.

"Leave po talaga sana namin ngayon, pero dahil po may bisita sina Sir Holt agad-agad ding kaming bumalik sa mga trabaho namin." Kumunot ang noo ko sa ibinahagi niya.

"Pero-- okay lang naman po hehe. Mas mabuti nga po 'yon lase wala naman kaming masyadong gagawin sa bahay, at sanay naman na ho kami na kapag may bibisita sa bahay bakasyunan nina Sir Holt agad kaming pumupunta dito."

"Pero hindi ba iyon nakakaabala sa inyo? Paano po ang responsibilidad niyo sa mga bahay niyo po?" Hindi ko na napigilan pang itanong.

"Maam kampante po kase akong iwan yung bahay namin sa mga anak ko at sa asawa ko, kase hindi naman nila iyon kailanman pinabayaan. Nagtutulong-tulong po kami palagi."

Sandali akong hindi nakaimik sa sinabi niya at napatungo nalang. Tumigil din ako sa pagstram, at mapait na ngumiti.

Hindi ako makarelate, hindi ko pa kase naranasan lahat ng 'yan.

"S.sige po Ma'am, kumain po kayo ah?" Tumango lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Bumuntong hininga ako pagkaalis niya at tinitigan lahat ng pagkain na dinala niya. Puro prutas. Dinampot ko ang mapula pulang apple, at ibinalik ang tingin sa dagat.

Kanina pa ako nandidito. Iniwan ko si Severn sa loob ng bahay ng walang paalam, dahil alam ko naman na kahit saan ako magpunta ay mahahanap at mahahanap niya parin ako. Tingnan mo nga at hinatidan pa ako ng prutas.

Nagagalit ako sa ginawa niya noon pero ano pang saysay nun, eh tapos nayun. Pero ang hindi ko lang matanggap, aykung bakit hindi nanaman niya ako binigyan ng pagkakataong makilala ang mga iba ko pang pamilya.

"Reign grapes." Napatigil sa ere ang pagkagat ko sa apple ng marinig ko nanaman ang boses niya, pero hindi din nagtagal ay pinagpatuloy ko din ang pag-kain. Kitang kita kung paano niya nilahad ang grapes sa harap ko, pero hindi ko iyon pinansin.

"Masarap din to. Fresh pa."

Para akong walang naririnig at sige lang sa pagkagat, habang nakatanaw parin sa dagat. Bakit kaya walang masyadong naliligo dito sa pwesto ko, karamihan kase doon sa medyo malayo sila lumalangoy. Tinitigan ko ang alon dito at kinumpara sa ibang parte pa.

Kung tutuusin, malalaki ang alon dito, at doon naman sa medyo malayo hindi masyadong maalon. So that explains why--

"Nangangalay na ako baby." Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, pero hindi ko iyon ipinahalata. Gusto kong idivert ang atensiyon ko sa ibang bagay!

Inilapag ko ang apple sa tabi ko at kumuha ng isang maliit na orange. Nakita ng peripheral vision ko na kinuha niya ang apple ko, at kinagatan ito sa may kinagatan ko kanina.

Nagngitngit ako sa inis, at kinalma ang sarili ko.

Relax! Acting like nothing happened lang 'yan!

Doormate BuddiesKde žijí příběhy. Začni objevovat