DB EIGHTEEN

525 36 10
                                    


"Sorry na Seven." Sumimangot ako ng hindi niya ako pinakinggan. Nakatitig lang siya sa mga buildings sa harap ng condo unit niya. Andito kami sa terrace niya, kanina pa ako dito nagsasalita pero mukhang mas gusto niyang tumitig sa view na nasa harap namin kesa ientertain ako.

"Ok" napangiwi ako ng bigla siyang nagsalita, at ok lang ang sagot niya sa mahaba habang explanation ko kanina.

Napabuntong hininga ako.

"Naiintindihan kong kailangan mo ng pera kaya ka nagtatrabaho, pero ang hindi ko gusto ay ang pagsisinungaling mo. I was worried, and I can't help myself to keep calm. I thought there's something happened on your way home." Tinignan niya ako ng seryoso.

"Don't make me worry again Reign."

"Oo na. So peace na tayo? Dika na galit?" Umiling siya, kaya napangiti ako ng malapad.

"Yes! Tara pagluto mo na ako ng spicy canton. Nag ce crave ako dun eh, kanina pa ako gutom."

"Tss. Fine"

"At pagsosolve mo nanaman ako hehe. Thanks bud." nilagpasan ko siya, at nauna ng pumasok sa sala niya para manuod.

"W..what the?!"

-----

"Reign?!"

"Hm?"

"Your phone is ringing! Aren't you going to answer that?! Ang ingay!"

"Tss. Sungit" sumimangot ako kay seven. Ang sungit talagaaaa.

Nangyari dito?

"Hello?!" Pasigaw kong sabi sa tumawag sakin. Pasensya siya, badtrip kasama ko eh, kaya makiki bad trip ako.

"Reign?" Kumunot ang noo ko ng lalaki ang sumagot sa kabilang linya. Hindi ko naman binibigay number ko sa kani kanino lang ah?

"Sino po to?" nakakunot noo akong tinignan ni Seven.

"Gaga! Si Haydy to!" Oh? Yung baklang kaibigan ni Miss Juday? Hindi ko nakilala, pang lalaki kase ang boses eh.

"Oh? Mr. Hayden, napatawag ka po? Hindi ko kayo nakilala agad, iba kase boses mo." Ngumiti ako ng tipid, at hindi naman nakaligtas sakin ang mas lalong pag kunot ng noo, ni Seven.

"Try mo daw kumanta ng Chinese song friend!! Nakuuu, pano na yan??"

"Ehh??" Gaaaah!!! Ano??? Hala, panibagong problema nanaman.

"Sorry friend, yun kase ang utos ni Boss. Hayaan mo, isang kanta lang naman. Tsaka ano ka ba? Practice ng pag bigkas lang ang kakailanganin mong gawin, hindi mo na kailangang imemorize ang mga lyrics. Baka nakakalimutan mong nasa covered area ka? Haha I mean, nacocoveran ng curtain, you know?"

"Oo nga no? Pero, hindi ko parin alam bumigkas ng Chinese words pano yan?"

"Nu kaba! Don't worry tutulungan kita." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Gaaaah! Buti nalang...

"Maraming salamat po talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko pag, wala ka."

"Sus! Wala yun, sge na... Matutulog na ako. Bye gurlll"

"Bye"

Binaba ko na ang hawak kong phone atsaka, humarap kay Seven.

"Seven, naantok--- b..bat ang sama mo makatingin?" ansama niya kase makatingin, dahil ba sa inubos ko yung dalawang spicy canton na niluto niya?

"Who's that?"

"Eh?"

"Don't 'eh' me Reign."

Doormate BuddiesWhere stories live. Discover now