DB FOURTY

417 30 4
                                    

This chapter is dedicated to KuKu_Bisex
Thank you for the flood votes bb.

--
Mag-isa ako ngayon dito sa kwarto ko dahil, nakipag last bonding muna si Seven kina Frey at Weyn. Napangiti ako ng maalala ko yung sinabi niyang hindi daw siya maglalasing. He even assured me, that 'no girls for tonight'.

Napabangon ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. I smiled knowing that Severn already wants to talk to me that's why he called. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagtataka, ng makita kong ang Nanay ko ang tumatawag.

Himala.

Bago pa siya mainip at patayin ang tawag pag diko agad sinagot, ay sinagot ko na agad ito.

"Nay." Bati ko agad sa kanya, but as expected she will never greet me 'anak' too. I am already use to this kind of treatment, so why bother expect?

"At sinagot mo din!" May naririnig akong ingay sa kabilang linya, siguro nasa palengke siya.

"Sorry ho." Seconds ko lang naman pintagal ang pagsagot sa tawag niya, pero ganun na agad ang reaction niya. Ano pa kaya kung hindi ko sinagot?

"Ano, bakasyon niyo na pero wala ka paring balak pumunta dito? Abat-- anong gusto mo? Magpapasarap lang jan, habang naghihirap akong maghanap ng pera para sa pag-aaral mo jan?! " Sigaw niya sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa pag-aaral ko dito, halos dalawang beses pa lang ata siya nagpadala ng pera. The rest? Ako na ang nagpakahirap maghanap ng trabaho para lang may makain at ipambili ng libro.

Naalala ko pa noon. Noong wala pa ako sa condo ko at nakatira pa ako sa apartment. Halos itapon na ng may-ari ang mga gamit ko sa labas, dahil dalawang buwan na akong hindi nakakabayad sa kanya. Pasalamat nalang ako ng may natira pang katiting na awa sa kanya, ng lumuhod ako sa harap niya.

First year college ko palang noon, at wala pa akong masyadong alam dito sa maynila. Sanay akong magtrabaho pero ang lumayo kina Nanay noon ay hinde. Kaya nga gabi gabing umiiyak ako noon, pero anong magagawa ko? This is life.

Kaya ako hindi nakapagbayad pa noon dahil simula ng mag-aral ako dito, hindi na ako tinawagan ni kinamusta ng Nanay. Ni hindi siya nagpadala ng pera kahit manlang limang daan. Hindi naman din ako masyadong nakakapasok sa part time job ko noon, dahil sobrang busy ako sa pag-aaral.

Kaya anong karapatan nitong Nanay ko na isumbat sa akin ang perang ipinadala niya sa akin? Eh, ako nga halos ang bumuhay sa sarili ko dito.

"P..pupunta ako jan hindi ko lang sigurado kung kel--"

"Anong hindi sigurado? Pupunta kana dito sa makawala o di kayay bukas na bukas din! Kailangan mo akong tulungan sa trabaho ko dito!"

Pinunasan ko ang luhang tumakas sa mata ko. Wala akong magagawa, I still need to do what she wants. Nanay ko parin siya kahit papaano. Nanay ko parin siya kahit, never kong naramdaman ang pagiging nanay niya sa akin. Nanay ko parin siya kahit na wala na siyang inisip kundi ang kapakanan nila, at ng asawa niya ngayon. Nanay ko parin siya kahit hindi niya ako pinapahalagahan, gaya ng kung gaano kahalaga sina Ivo at Seven kina Tita Kia at Tito Seb. Nanay ko parin siya k..kahit na-- buong buhay ko ay para akong lumaking walang ina. Dinaig ko pa ang mga batang nasa bahay ampunan ngayon.

"S..sge po--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko, pinatayan nanaman agad niya ako.

Dalawang beses. Dalawang beses pa lang siyang tumawag sa akin, ngayong nasa second year college na ako. Napatawa ako ng pagak, habang pilit na pinupunasan ang mga luha na sunod sunod ng lumalabas sa mata ko.

Nakakainis!!

Hindi dapat ako iiyak dahil lang dito. Sanay na sanay na ako diba? Pero bakit? Bakit kahit sanay na ako, parang bago parin sa akin ang lahat? Dahil ba sa kahit sanay na ako, pinipilit ko parin itong iniintindi? Bakit hindi nalang sa sobrang sanay, wala na nalang akong maramdamang sakit? Diba ganun naman ang iba jan? Namamanhid sila dahil sa sobrang sakit na, pero bakit ako hindi ganun?

Kulang pa ba? Kulang pa ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon? So ano? Kailangan ko na bang magready para, pagbalik ko sa Cebu-- panibagong sakit na naman ang ipaparamdam ng Nanay ko?

Wala namang kaso sa akin ang pamilya ni Nanay, kase kahit minsang hindi nila ako maipagtanggol. Ramdam ko parin naman ang pagpapahalaga nila sa akin.

Eh ang Nanay? Kailan niya kaya matatanggap na anak niya ako? Dinaig niya pa kase yung mga nahiwalayan ng jowa jan, sa pagkabitter.

Tumawa ako ng mahina. Hindi ko alam pero-- feeling ko kailangan kong mag-isip ng jokes para sa sarili ko.

Napadako ang tingin ko sa wallpaper ng cellphone ko. Nakasimangot na mukha ni Seven habang umiinom ng moo, ang nandito. Napangiti ako pagkakita ko palang sa picture niya.

Ang swerte swerte niya. Bukod sa maganda na nga ang estado nila sa buhay, maganda pa ang pakikitungo nilang magpapamilya sa isat-isa. Wala silang gaanong prinoproblema, dahil nagmamahalan silang lahat at pinapahalagahan ang isat-isa.

Ako kaya? May pag-asa pa kayang maging maayos ang pamilya ko?

Kailan ko kaya mararamdaman ang yakap ni Nanay? Gusto ko sana gaya nung higpit ng yakap ni Tita Kia sa akin. Yung tipong hindi na ako makahinga at ramdam ko talaga kung gaano niya rin ako pahalagahan? Yung tipong ngingitian niya rin ako at tititigan, na parang ako na ang pinaka magandang anak niya sa buong mundo. Yung tipong kahit simple lang ang ginagawa namin, makikita ko parin ang saya sa mga mata niya. Kung gaano siya kasaya na kasama ako, at nakukuntento na siya doon.

Napalunok ako ng parang may bumabara sa lalamunan ko.

Ayoko! Ayokong umasa na magkakaganoon pa kami ni Nanay. Ayokong umasa na meron pang magbabago. Mahirap yung ganon. Mahirap umasa-- at mapunta lang sa wala ang mga nais ko.

"Shh. I'm just here."

Naramdaman ko ang pagbalot sa akin ng yakap mula sa likod ko. Hindi ko manlang namalayan ang pagdating ni Seven.

Pinaharap niya ako sa kanya, at bumuntong hininga siya ng titigan niya ako sa mukha. Napakurap ako ng mag-init nanaman ang sulok ng mga mata ko.

Andito nanaman siya. Siya nalang lagi ang sandigan ko kapag sobra na akong nasasaktan.

Hindi niya alam ang mga nangyayari sa buhay ko, pero iniintindi niya parin ako. Hindi ako nagkwekwento sa kanya, pero hindi niya ako iniwan.

Hinigit niya ako papalapit sa kanya, at hinalikan niya ang mga luha ko sa mukha.

"Do you have an idea how beautiful you are right now? Hmm?"

Tuluyan na akong napahikbi dahil sa sinabi niya. I'm so selfish! Bat ako mag gigive-up kung andito naman si Seven lagi sa tabi ko? I never expected this. Na magkakaroon ako ng isang Seven, na anjan lang para pagaanin ang loob ko. Na sa kauna unahan ay magkakaroon ako ng kaibigan na gaya niya, at mamahalin ko ng sobra sobra.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi siya nagsalita, niyakap niya lang din ako at hinagod sa likod. I even felt him, kissing my hair.

"Husshh. My Reign."

Those words. Kahit siguro sobrang nasasaktan na ako, basta anjan lang siya at handang sabihan ako ng mga ganyan. Gagaan ang pakiramdam ko. He made me fall for him deeper, and I love this feeling.

I will never regret falling for this man.

•••••••••••
••••••••

adorableG

I hope I made you cry 🤭✌️, pero mukhang hindi kase hindi naman ako bihasa sa drama hakhak.😹😹

Still, thank you for reading bb. 💙
Silent reader ka man o hindi, still laham ka ni hotburnn😇

Doormate Buddiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें