DB FIFTY SEVEN

782 19 5
                                    


"You may now kiss your bride." Rinig ko ang palakpakan at saya ng tatlong kasama namin pero ni ngumiti ay hindi ko magawa.

Ngiting ngiting ngumiti si Seven sa akin, at doon niya lang binitawan ang kamay ko. Napatungo ako at nanghihinang inilagay sa likod ko ang mga kamay ko.

"Baby--" itinaas niya ang baba ko at tuluyan ng sinakop ang mga labi ko. Hindi ako gumalaw at hindi ko nanaman napigilan ang mga luha ko. Patuloy lang siya sa paghalik saakin, at parang walang pakealam sa paligid namin.

"SEVERN HOLT!!!"

Napalayo agad ako kay Seven at napatingin sa pamilyar na boses na'yon. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko sa likod namin sina Dad, mga NBI at-- si Li oo si li Corpon. Anong ginagawa niya dito?

"REIGN INSAAAAN!! OKAY KALANG???" Nagulat ako sa isinigaw ni Li at nagtatakang napatingin kay Dad. He smiled at me at kita ko agad ang pagseryoso niya ng napatingin siya kay Seven.

Si li-- Ang nag-iisang pinsan ko na anak ng nakakatandang kapatid ni Dad?

Kaya pala noong una ko siyang makilala sa cebu, ay parang marami na siyang alam saakin.

Maglalakad na sana ako papunta sa kanila ng hilahin ako ni Seven sa tabi niya, at hawakan nanaman ng mahigpit sa wrist ko.

"Saan ka pupunta baby?" Parang bata niyang tanong at doon ulit bumalik ang takot ko kanina. Ang kaibahan ngalang ngayon ay may halo na siyang awa.

"K..kay Daddy Seven." Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya, at ilang beses na pag-iling. Hindi ko nanaman napigilan ang mga luha ko at gamit ang isang kamay, nanginginig kong hinawakan ang mukha niya.

"S..seven--"

"Yes baby, iloveyou. Call me Seven please, I like it when you call me Seven."  Napahikbi ako sa samut saring tanong at konklusyon na nasa isip ko.

Bakit nagkakaganito si Seven?

"DONT TOUCH MY DAUGHTER PLEASE SEVERN." Rinig kong sigaw ni Dad.

Hindi ko maintindihan, bakit? Ano ang meron sa kanya? Kung tama ang hinala ko, bakit-- bakit ngayon ko lang napansin? Bakit ngayon ko lang nalaman?

"SEVERN ANAK--"

"M..mom?" Gulat na sabi ni Severn at napatingin sa mama niya. Doon ko napagtanto na andito nadin ang parents niya na umiiyak, ang kuya niya na tulala, at ang mga guards nila.

"A..anak you haven't drink your meds yet. Come here please, anak."

Doon ako tuluyang natumba sa nginig at mabuti nalang nasalo agad ako ni Seven.

"Mom! What did you do to Reign?!"

Tuluyan na akong napahagulgol at hindi makapaniwalang tumingin kay Seven, na ngayon ay halos maiyak na sa sobrang pag-aalala saakin.

Tama. Tama ang hinala ko na may sakit sa utak si Severn.

B..bakit? Bakit-- bakit ngayon ko lang nalaman to?!

"R..reign anak I'm so sorry, last week lang namin nalaman. H..hindi agad namin nasabi k..kase gumawa agad kami ng paraan sa treatment niya. Pero temporary meds lang k..kase hindi matukoy ng mga doctors kung anong klase ng mental illness ang sakit n..niya" Rinig kong sabi ni Tita at kasunod no'n ay ang pag-iyak niya.

"A..ako ba ang dahilan tita?"

"Reign--"

"A..ako ba?!"

"Pero hindi ka namin sinisi--"

"Jusko! Seven!" Iyak ko at hindi malaman kung hahawakan ko ba siya o ano. Nakatingin lang siya saakin at nakangiti.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon