Chapter 07

48.3K 1.4K 71
                                    


Tanga

"S-Sorry..H-Hindi ko kasi alam na..M-Magkapatid kayo.." napakagat ako ng labi ko ng biglang lumapit si Ethan sakin at yumuko para maging pantay ang paningin namin

"Wag ka kasing padalos dalos.." aniya at tumawa sa harapan ko pa! >.<

"Sorry ha?!.Tao lang kasi ako , nagkakamali!" inis ko siyang tiningnan

"Anong nangyayari dito?" biglang natahimik ang lahat ng marinig namin ang isang baritunong boses galing sa likod

Nang lingunin ko ito ay agad na bumungad sakin ang gwapong lalaki na halatang may edad na..Asawa kaya toh ni ma'am Kyla?.Daddy kaya siya nina Ethan?.Magkamukha rin kasi sila.

"Dada!" sigaw ni Xandra at agad na yumakap doon sa lalaki

So , daddy nga talaga nila..

Gwapo ah..

"Xandra?.Anong ginagawa mo dito?.Akala ko bah mananatili ka dun?" tanong nito sa anak

"Dada , miss ko na kasi kayo kaya ako umuwi dito..Tyaka wala pa namang pasok doon eh.." si Xandra at matamis na ngumiti

"Ito na yung cookies!" narinig namin ang boses ng ma'am Kyla..

Agad rin namang yumakap sa kanya si Xandra..

"Mama.." sweet nitong tawag

Ngumiti naman si ma'am Kyla at hinalikan si Xandra sa pisngi..

"Nandito ka na pala..Kamusta ang byahe?" si ma'am Kyla ng mailapag niya na ang dalang cookies

"Okay naman , medyo pagod lang ako.." si Xandra habang nakayakap parin

Napatingin naman ako sa mga lalaking nasa gilid ko na nakatingin lang din sa mag ina , maliban nga lang sa isa..

Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Ethan na nakatitig lang din sakin..

Anong problema ng isang toh?.Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah?.Iniisip niya parin kaya yung mali ko?.

Tsk!.Pakialam ko bah sa kanya?.

Ilang minuto lang akong nakatingin sa kanila..Alangan naman kasing istorbohin ko sila habang masaya na silang nag uusap diba?.Tyaka nakaka OP kaya..

"Kathlyn..." napalingon nalang ako ng tinawag ako bigla ni Ethan

"Bakit?"

"Sumama ka sakin , dalhin mo yang mga libro mo.." aniya at nauna nang tumayo

Agad ko naman siyang sinunod at kinuha ang mga libro ko..Pero bago ako umalis ay nagpaalam na muna ako..

Nang nasa tapat na kami ng hagdan ay agad akong nagsalita..

"Saan bah nakatira si Xandra?" hindi ko na napigilan nag magaling kong bibig -_-

Agad naman akong nilingon ni Ethan..

"Kina lolo at lola.." malamig niyang sabi

Tatalikod na sana siya pero agad kong hinawakan nag laylayan ng damit niya kaya agad siyang napatigil..

"Bakit?.Ayaw niya bang makasama kayo?..Hindi niya bah gusto dito?." sunod sunod kong tanong

Pero nagulat nalang ako ng kunin niya ang kamay ko na nakahawak sa damit niya , agad niya rin akong hinila papalapit sa kanya sabay bulong na..

"Wag kang tanong ng tanong..Kung ayaw mong halikan kita.." aniya at agad akong binitawan

Nagsimula na siyang maglakad sa hagdan habang ako nakatulala lang dahil sa gulat sa kung ano man yung sinabi niya..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now