Chapter 20

45.1K 1.3K 111
                                    


Feelings

Kinahapunan ay nagsimula na kaming mag aral ni Ethan..Buti nga napilit  ko siyang mag aral kami kundi nasa kwarto na siya ngayon at natutulog..

Baka bumagsak pa siya sa lunes dahil sakin..

"Break muna..Gutom nako." reklamo niya

Napairap nalang ako at tumayo na..

"Saan ka pupunta?" aniya

"Saan pa bah , edi sa kusina..Maghahanda ako ng meryenda.." sabay lakad ko

Hindi na siya sumunod kaya naging payapa rin ang paligid ko..

"Kung nandito ka kaya kuya Zed , mararanasan ko kaya toh?" wala sa sarili kong sabi

"Sinong kausap mo?.Tyaka sino si Zed?" 

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko si Ethan..

"H-Ha?.A-Ah a-ano kasi..Kinakausap ko lang yung sarili ko , at anong Zed ang pinag sasabi mo?.Wala akong kilalang Zed.." sambit ko at nag iwas ng tingin

Hindi niya pwedeng malaman kung sino si kuya Zed.At kailangan ko ring alamin mula sa kanya kung kanina bah talaga yung bracelet..

"Ganun bah?.Sige , bilisan mo nalang diyan para makapag simula tayo ulit.." aniya at umalis na

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula nang gumawa ng sandwich at juice.

Habang hinahanda ko ang meryenda ay bigla nalang akong nakarinig ng ingay sa labas..Boses lalaki at babae yun..

Parang may bisita si Ethan ah..

Dala ang meryenda ay bumalik ako sa sala..Nagulat nalang ako ng makita ko si Nathan doon at may kasamang magandang babae..

"Oi Kathlyn!.Nandito ka pala.." si Nathan at ngumiti sakin

Ngumiti lang din ako pabalik sa kanya tyaka nilapag ang meryenda sa lamesa..

"Kathlyn , si Stephanie nga pala..Future girlfriend ko.." si Nathan at tiningnan ang babaeng kasama nito

Napatingin naman ako dun sa babae na pinagpapalo na si Nathan sa sobrang inis..

"Never mo akong magiging girlfriend , gago!" sigaw nung babae

"Ito naman , nagbibiro lang eh.." si Nathan

Napangiti naman ako dahil ang cute nilang tingnan..

"Kathlyn nga pala.." sabay abot ko ng kamay kay Stephanie

Tiningnan niya lang ang kamay ko at tinaasan ako ng kilay..

Binaba ko nalang ang kamay ko at ngumiti sa kanya..

"Nice to meet you , Stephanie.." sambit ko

Inirapan niya lang ako.

"Hindi ako masayang nakilala kita.." mataray niyang sabi

Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya..

"Steph , bakit mo pinagsasalitaan ng ganyan si Kathlyn?" masungit na sabi ni Ethan

"Well , hindi ko kasi siya gusto..Ayaw ko sa mga karibal ko , remember?" maarteng aniya

Tipid nalang akong ngumiti kay Ethan na nakatingin lang din sakin..

"At paano mo naman siya naging karibal?" si Nathan

Hindi sumagot si Stephanie kaya hindi na lang din nagsalita pa ulit si Nathan..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now