Chapter 16

44.5K 1.3K 52
                                    


Tampuhan

Mag-isa kong kinain ang niluto ko..Hindi kasi lumabas ng kwarto si Ethan..

Siguro galit parin siya..

Nang matapos akong kumain ay agad akong nagluto ulit ng adobong manok para sa kanya..

Nagbalat na rin ako ng tatlong pirasong hilaw na mangga para sa kanya..Peace offering ko nalang kahit ayaw ko talagang bigyan siya ng mga yun..

Bitbit ang tray na may pagkain niya , kumatok ako sa pinto ng kwarto niya..

"Ethan , kumain ka na..Nagluto ako ng adobong manok para sayo.." sigaw ko para marinig niya talaga

Ilang minuto akong naghinaty para buksan niya ang pinto pero wala..Hindi man lang siya sumagot..

Huminga ako ng malalim at nagbakasakaling bukas ang pinto at salamat naman at hindi naka lock.

Nang pumasok ako sa kwarto niya at nakahiga lang siya sa kama niya at nakataklob ang  kumot niya sa buong katawan niya..

Inilagay ko sa side table ang tray at umupo ako sa gilid ng kamay niya..

"Oi..Sorry na.Hindi ko naman alam na may allergy ka pala.." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya

"Leave me alone.." malamig niyang sabi pero hindi parin inaalis ang kumot sa mukha niya

"Ethan naman eh..Sorry na talaga." niyugyog ko siya para malaman niyang seryoso ako sa paghingi ng sorry sa kanya

"Sabing iwan mo ako eh!" inis siyang umupo sa kama at matalim akong tiningnan

"Sorry na.." naiiyak kong sabi

Umiwas siya ng tingin sakin at hindi na nagsalita..

Kinuha ko ang tray at nilagay sa tabi niy..

"Adobong manok ang niluto ko para sayo..Tyaka naglagay na rin ako ng manggang hilaw kasi baka gusto mong kumain..Peace offering ko yan sayo..Kaya sorry na.." tiningnan ko siya mabuti

Kunot noo niya akong nilingon na para bang hindi siya nadadala sa mga sorry ko?

"Hindi ko kailangan ng peace offering at sorry mo..Iwan mo na ako dito at dalhin mo na yang pagkain palabas.." malamig niyang sabi at hihiga na sana ulit pero pinigilan ko siya..

"Ethan naman eh!.Sorry na nga!" umiyak na talaga ako sa harap niya

Kahit naman kasi hindi ko siya gusto dahil sa ugali niyang mala demonyo..Hindi ko parin matiis na may taong galit sakin..

"Wag ka ngang umiyak sa harap ko..Ang pangit mo.." aniya at inirapan ako

Ngumuso naman ako dahil sa sinabi niya..

Mas cute kaya ako kapag umiiyak ako..

Siya lang nagsabing pangit ako kapag umiiyak..

"Sorry na nga kasi..Kung ayaw mo akong kausapin , kahit yang niluto ko nalang ang kainin mo , okay na ako.." nag nguso ko paring sabi

Umirap lang siya at kinuha na ang tray..

Mabilis niyang kinain ang pagkain pati na rin ang mangga..Nagulat pa nga ako kasi parang hindi siya naasiman sa mangga..

Sa pagkakaalam ko , maasim talaga yun..

Siguro dahil galit siya , wala siyang pakialam sa lasa ng kinakain niya..

Nang naubos niya na ang pagkain ay agad siyang humiga ulit patalikod sakin..

"Paki sara nalang ang pinto pagkalabas mo.." aniya

Yumuko nalang ako at kinuha ulit ang tray at lumabas na ng kwarto niya..

Hinugasan ko agad ang pinagkainan niya at naglinis na rin ako sa buong bahay..Kapag kasi malungkot ako , gusto ko may ginagawa ako..Kasi kapag wala , iiyak lang ako..

Dahil sa pagod sa paglilinis ay hindi ko na namalayan at nakatulog na ako sa sofa..

Hindi ako tulog mantika , kaya nang makaramdam ako ng may kung anong nakapatong sakin , agad kong minulat ang mata ko at napakunot nalang ang noo ko ng may unan at kumot na ako..

Sa pagkakaalala ko , wala akong kumunot at unan nung nakatulog ako.

Napangiti nalang ako ng wala sa oras dahil parang alam ko na kung sino ang naglagay nito sakin..

Buti naman at kahit galit siya sakin , nag aalala parin siya..

Napansin kong papalubog na ang araw kaya agad akong bumangon at inayos ang unan at kumot tyaka pumunta sa kusina para magluto ulit..

Sinigang na baboy naman ang lulutuin ko ngayon..Para naman makahigop ng mainit na sabaw si Ethan.

Pagkatapos kong magluto ay tiningnan ko muna ang sinaing kong kainin na luto na rin..

Kumuha ako ng mansanas sa ref at hiniwa yun tyaka nilagay sa gilid ng plato ni Ethan..

Nilagyan ko na rin yun ng kanin at kumuha na rin ako ng ulam niya..

Nilagay ko lahat ng yun sa tray at umakyat ulit ako para pakainin na siya..Hindi na ako kumatok kasi alam kong hindi niya ako pagbubuksan kapag kumatok pa ako..

Nadatnan ko siyang nakaupo lang sa kama at nakatulala..Pero nang napansin niya ang presensya ko ay agad siyang umayos sa pagkaka upo at malamig akong tiningnan..

"Sinigang para sa dinner mo..Kumain ka ng marami , kainin mo rin yung apple para naman mas mabusog ka.." nakangiti kong sabi at nilagay sa side table ang tray.

Nakatingin lang siya sakin na para bang may gusto siyang itanong pero hindi niya alam kung paano..

"Kain ka na.." nakangiting sabi ko sa kanya

"Bakit mo bah toh ginagawa?" malamig niyang sabi

"Kasi alam kong galit ka sakin.." malungkot kong sabi

"Hindi ako galit sayo..Tyaka kapag bah hindi ako galit , hindi mo ako ipagluluto at aalagaan ng ganito?" may bahid ng inis ang boses niya

"Hindi naman sa ganun..Ayaw ko lang kasi na may nagagalit sakin o 'di kaya may ayaw sakin.." pagpapaliwanag ko

Hindi na siya nagsalita pa..

"Kung hindi ka galit , anong dahilan para hindi mo ako kausapin gn maayos?" wala sa sarili kong tanong

"Nagtatampo ako.." maikling aniya at nagsimula nang kumain

Nagtatampo siya?

Para saan?

"Bakit ka nagtatampo?"

"Ba't bah ang dami mong tanong?" inis niya akong nilingon

"Ayan ka na naman diyan sa linyahan mo..Syempre magtatanong talaga ako kasi hindi ko naman alam ang sagot kung bakit diba?" inis ko na rin siyang sinagot

"Hindi mo alam ang sagot edi manahimik ka!" sigaw niya

"Alam mo , ang sakit mong magsalita..Kung close siguro tayo magtatampo ako sayo..Pero dahil hindi tayo close , galit ako sayo!" sigaw ko at tinalikuran siya

Pero bago ako lumabas ay nagsalita muna ako..

"Ikaw maghugas na pinagkainan mo!" sigaw ko at padabog na sinara ang pinto

Bwesit siya!.Pasalamat nga siya pinagluto ko siya ng walang galit sa puso ko!

Tapos sisigaw sigawan niya ako?!

Nakaktampo ah!

I mean nagagalit na ako..Hindi nga pala kami close..

Para magtampuhan..

Kasi , ayaw niya sakin..

Ayaw ko rin sa kanya..


My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon