Chapter 50

33.7K 952 69
                                    


Pangit

Nagising nalang ako nang may maramdaman akong may humalik sa noo at pisngi ko..

Pagdilat ko at agad na sumalubong sakin ang nakangiting si Ethan..

"Good morning , sungit.." aniya

Napangiti naman ako sa kanya..

"Good morning din , pangit.."

Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sakin..

"Anong pangit?"

Mas napangisi ako dahil alam kong mag mamayabang na naman siya..

"Pangit , yan ang tawag ko sayo.."

Tumaas naman ang kilay niya sakin..

"Sa gwapo kong 'to , pangit ang itatawag mo sakin?"

Sabi na nga bah eh..

"Wala akong pakialam kung gwapong gwapo ka sa sarili mo , basta pangit ang tawag ko sayo.." ngumisi ako lalo nang umirap siya

Ayaw niya talaga maging pangit siya..

Sungit niya rin naman eh..

"Hayst!.Halika ka na nga sa loob para maka kain na tayo.." aniya at ginulo ang buhok niya

Napangisi naman ako bago yumakap sa kanya..

"I love you , pangit..." sweet kong sabi at hinalikan siya sa pisngi

"Kahit hindi ko gusto ang tawag mo sakin , I love you more , sungit.." aniya at sa noo naman ako hinalikan

Matapos naming ayusin ang hinigaan namin ay agad na kaming bumalik sa loob dahil nakapag luto na pala si Ethan kani-kanina lang..

Pagkatapos kumain ay nagligo na din kami at nag ayos para bumalik na sa resort..

Sumakay nga lang kami nang bangka para umikot at mas madaling makapunta sa resort eh..

Holding hands while walking pa ang peg habang naglalakad papunta sa hotel room ko..Ihahatid niya daw ako eh..

Habang naglalakad kami ay may bigla akong naalala..

"Oo nga pala , diba bago tayo dumating dito sa resort , tumawag si Eliza sayo kasi gusto niyang makasama ka?.Bakit nga pala wala siya?" tanong ko sa kanya

Nasa tapat na kami nang elevator nang iharap niya ako sa kanya..

"Hindi daw siya makakapunta sabi niya nung gabing yun..Teka nga , bakit bah siya ang pinag uusapan natin eh galit ka sa kanya diba?"

"Wala lang , naisipan ko lang na mag tanong..Lalo na't may relasyon pa kayo nung babaeng yun , diba?"

Nag iwas naman siya nang tingin..

"Gagawa ako nang paraan para maayos ko ang tungkol saming dalawa..Wag mo na siyang alalahanin.." aniya at inakbayan na ako dahil bumukas na ang elevator

Papasok na sana kami nang bigla nalang kaming natigilan pareho ni Ethan dahil sa babaeng nakita namin sa loob nang elevator..

"Ethan!.Saan ka bah nanggaling at kagabi pa ako nandito sa resort?!" si Eliza at nilapitan si Ethan

Napabitaw nalang ako bigla kay Ethan dahil sa ginawa ni Eliza..

Hindi naman nakagalaw si Ethan at nakatingin pa rin sakin kahit yakap siya ni Eliza.

"Hindi sinabi nang tito mo kung nasaan ka..Hindi niya daw alam kaya nag alala ako.." si Eliza at hinawakan ang kamay ni Ethan

Napansin niyang nakatingin sakin si Ethan kaya agad siyang napalingon sakin..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat