Chapter 37

42.9K 1K 44
                                    


Game

Nagising nalang ako dahil sa liwanag na galing sa bintana..

Hindi na ako nakalipat pa sa kwarto ko dahil nakatulog nalang ako sa kakaiyak kagabi..

Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko..Magluluto pa ako at maliligo..

Ilang minuto akong naghanda para kumain at nang mabusog ako ay agad na rin akong naligo..May plano kasi akong bisitahin sina mommy sa mansyon..

Magbibihis na sana ako ng bigla nalang tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Jayce..Agad ko naman itong sinagot..

"Hello?.Napatawag ka?" sambit ko habang inaayos ang damit na susuotin

"Mag handa ka na..Magdala ka ng damit mo para mamaya.." aniya

"Huh?.Para saan?..Teka nga , ano bang meron?"

"Pinatawag ni Mr.Mercado ang lahat ng banda para sa isang tipon-tipon..Si Mr.Mercado ang bumuo ng bawat banda sa M.S.U , kaya mag handa ka na ng mga gamit mo dahil aabutan tayo ng ilang araw sa resort ni Mr.Mercado kasama ang ibang banda.." pagpapaliwanag nito

Napatango naman ako kahit hindi ako nakikita ni Jayce..

"Sige , ibigay mo nalang ang address ng resort sakin para susunod nalang ako--"

"Mag bu-bus tayo.." aniya

"Huh?.Bakit?May sasakyan naman ako ah.."

"Si Mr.Mercado ang may sabi niyan..Kaya pupuntahan nalang kita diyan sa condo mo para sabay na tayong pumunta sa school..Doon kasi nag hihintay ang bus na sasakyan natin.."

Huminga ako ng malalim bago binaba ang tawag..

Agad na akong nag ayos at hinanda ko na rin ang bag na lalagyan ko ng mga gamit ko..

Hindi nagtagal ay tumunog na ang door bell ng condo ko kaya agad kong binuksan ang pinto..

"Good morning.." masayang bungad nito..

"Mornin'" tipid ko siyang nginitian

"Are you okay?.Matamlay atah salubong mo sa pinaka gwapong lalaki dito.."

Inirapan ko siya at tinalikuran..

"Alam mo , masyado kang feeling..Bawas bawasan mo muna , para may reserba ka pa.." sambit ko at ngumisi

Kinuha ko ang backpack ko at sinabit na sa magkabilang balikat ko bago kinuha ang phone ko at nilagay sa tainga ko ang earphone para makinig ng music..

"Let's go.." sambit ko at tinulak na siya palabas ng condo ko bago ito ni-lock..

"Grabe , kakarating ko lang ah.." rinig kong sabi niya

Hininaan ko muna ang music bago siya sinagot..

"Remember , Jayce..Hinihintay tayo ng ibang grupo sa bus..Kaya kailangan na nating magmadali , okay?" tinaasan ko siya ng kilay

"Fine..Tama ka rin naman.Halika na nga.." inakbayan niya ako pero agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko

Kitang kita sa mukha niyang nagulat ito sa ginawa ko..

"Wag ka nang dumagdag sa bigat ng bag ko.." inis kong sabi

"Edi ako ang magdadala--" kukunin niya sana pero agad akong umiwas

"Kaya ko na.." sambit ko

Tiningnan niya ako ng seryoso kaya agad akong nag iwas ng tingin sa kanya..

"Iniyakan mo na naman siya kagabi noh?" seryosong aniya

Hindi ko siya sinagot..

"Bakit bah hindi ka parin nakakapag move-on sa kanya..Pwede ka namang mag mahal ng iba para hindi ka na masaktan ng dahil sa kanya..Kailangan mo ring maging malaya sa sakit na pinaparamdam niya sayo , Kathlyn..Move-on.." aniya

Tiningnan ko siya ng diretso..

"Hindi madali , Jayce..Kasi kahit anong pikit ko ng mata ko makalimutan lang siya..Kahit anong limot  ko sa nakaraan naming dalawa..Kahit anong pilit ko sa sarili kong magmahal ng iba..Hindi ko magawa..Kasi kapag pumipikit ako nauuwi lahat sa iyak..Kapag nililimot ko lahat mas lalong sumasakit..At kapag nagmamahal ako ng iba , hindi ko makita ang tama..Kasi para sakin , sasaktan lang din ako ng taong mamahalin ko.At ayokong mangyari yun.." naluluha kong sabi pero agad kong pinigilan ang sarili ko

Hindi na siya nagsalita kaya agad na akong naglakad paalis doon..

Wala ni isang kumibo samin , kahit nung nasa bus na kami at sa likuran ako naka pwesto..Sa labas lang ako nakatingin..

Pinili ko kasing malapit sa bintana umupo kasi mas malilibang pa ako sa tanawin..

Nagsi pasukan na ang mga ibang banda , at wala akong katabi sa ngayon..Dahil nasa likuran ko si Jayce..

May katabi na nga siyang babae habang ako..Ito , mag-isa..

Pero sanay na naman ako..

Nakikinig ako ng music habang nakapikit nang maramdaman kong may tumabi na saakin..

Hindi ako dumilat at nanatiling nakapikit at nakasandal sa bintana..

"Okay guys , magsisimula na ang byahe..Kung sino man yung may kailangan wag kayong mahiyang magsabi sakin..Ako ang may responsibilidad sa inyo sa ngayon dahil ako ang bumuo ng bawat banda niyo..At isa pa , wag na Mr.Mercado ang itawag niyo saakin..Kundi Sir Dale nalang.." 

Medyo naririnig ko pa naman ang mga nagsasalita kaya nang matapos magsalita si Sir Dale , mas nilakasan ko pa ang music..Ako lang din naman ang makakarinig eh..

Naramdaman ko na ang pag andar ng bus kaya medyo inayos ko ang pagkakasandal ko sa bintana habang nakapikit..

Mahigit 30 minutes din akong ganun ang posisyon..Dumilat lang ako ng may maramdaman akong mabigat na bagay sa balikat ko..

Wala na naman akong bitbit na backpack ah?.

Agad kong nilingon ang kabilang upuan at halos mapasigaw pa ako nang makita ko kung sino yun..

Napatakip nalang ako ng bibig ko habang nakatingin sa tulog na si Ethan..

Bumigat bigla ang pakiramdam ko dahil nakita ko na naman ang inosente nitong mukha kapag natutulog..

Hindi ko siya ginalaw sa balikat ko kaya nang may tumulo nang luha sa mata ko , agad kong binaling ulit ang ulo ko sa bintana..

Pinilit kong lumunok kahit na ang sakit na talaga ng dibdib ko..Gusto kong humikbi pero hindi pwede..

Bakit ganito ang tadhana sakin?.Bakit sa dinami-dami ng taong pwede kong makatabi , siya pa?.Pinaglalaruan bah ako ng mundo?.Gusto bah talaga nila akong masaktan?Kasi kahit litrato lang ni Ethan ang makita ko , iiyak na ako..Kapag nakikita ko siyang masaya sa iba , parang gusto ko ng paglamayan sa sementeryo..

Matagal nang patay ang puso ko pero bakit hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko?.Bakit hindi pa ako namatay?.Bakit kailangan ko paring makaramdam kahit na wasak na wasak na ang puso ko?

Hininaan ko ang music para kung sakaling mapahikbi ako , may magawa pa akong paraan para makalusot sa ibang tao.

"Sandali lang ito..Patulugin mo lang ako sa mga balikat mo ng kahit ilang minuto.." biglang nagsalita si Ethan

Halos pigilan ko ang hininga ko dahil sa sinabi niya..

Minute?.Why can he make a decision without my permission?..Akala niya bah okay ako sa ginagawa niya?.Well , ang alam niya kasi , naka move-on na ako sa kanya..Kaya gusto niya sigurong mahulog ako ulit sa kanya para masaktan na naman..

Love is not a game..But for him?It is..Well , if that's what he think , then I will play a game with him..And I will call it a Ex-Lovers Game.

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon