Special Chapter 2

34.7K 791 68
                                    



( Kathlyn's POV )

Nag-iisa

Akala ko doon na magtatapos ang lahat..

Akala ko hanggang doon nalang ang buhay ko..

Na hangganan na nang lahat..

Katapusan na nang lahat..

Pero akala ko lang pala yun..

Kasi nabuhay ulit ako..

Dahil yun ang gusto ko..

Dahil ayaw kong iwan ang mga mahal ko..

"E-Ethan.." unang lumabas sa bibig ko nang magising ako

Kahit na pamilya ko ang unang nakita ko , siya pa rin yung unang naisip ko..

"Kathlyn , gising ka na.." si mommy at lumapit sakin

"S-Si E-Ethan.." nahihirapan pa akong magsalita dahil masakit pa rin ang mga tama nang bala sa likod ko

Parang noon lang din , kung paano ako nahirapan..Buti nalang at binibigyan pa ako nang pagkakataon nang diyos na mabuhay..

Siguro may kailangan pa akong tapusin sa mundo..

May kailangan pa akong balikan..

At yun ay ang pamilya namin ni Ethan..

At dito ko mapapatunayan na hindi tutol sa amin ang tadhana..

"Nasa labas siya.." si daddy at tiningnan ako

Agad naman akong tumingin sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Ethan sa loob..

Napangiti naman ako habang lumuluha na naman ang mga mata ko..

Hindi na atah ako mauubusan nang luha kapag si Ethan na ang pinag uusapan..

Nang lumapit si Ethan sa akin ay lumabas naman ang pamilya ko para bigyan kami nang oras para mag usap..

"Ayos na bah ang pakiramdam mo?" aniya at tiningnan ako

"Akala ko mawawala na ako.." hindi ko pinansin ang tanong niya

Hindi ko rin naman kasi kayang sagutin yun dahil sa totoo lang , masakit talaga kapag nagsasalita ako..

"Hindi ko hahayaang mangyari yun , Kathlyn..Hindi ko hahayaang magkahiwalay na naman tayo." aniya na parang galit pa

Pinunasan niya naman ang luha sa pisngi ko at hinalikan nag noo ko..

"Kahit kailan hindi ko na hahayaang mawala ka sakin ulit..."

Hindi ko na nga alam kung paano magpasalamat sa diyos dahil binuhay niya ulit ako..

At ngayong kasal na kami ni Ethan , hindi ko na hahayaang makuha pa siya nang iba..

"Mama , gaano mo bah kamahal si papa?" si Angelica

Simula nang araw na natapos lahat nang gulo , nasabi ko na sa mga anak ko yung totoo..

Noong una nahihirapan pa sila , pero hindi tumagal ay natanggap din nila ang lahat..

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang po , baka po kasi may makilala akong lalaki na katulad ni daddy..At baka din po siya yung the one ko pag laki ko.." aniya at ngumiti

Ngumiti naman ako sa kanya..

"Kung makikilala mo man siya ngayon , siguro sa tamang panahon niyo pa mararanasan ang pagmamahal na dapat sa inyo.." sambit ko

Ngumiti naman siya sakin..

Dahil katulad namin ni Ethan , inakala naming hindi kami ang para sa isa't isa..

Pero si tadhana na mismo ang naglapit saming dalawa..

Kaya ito na yung patunay na hindi mo naman kailangang mawalan nang pag asa dahil hindi naman si tadhana ang mag dedesisyon sa lahat..

May punto ring ikaw mismo ang magdedesisyon sa sariling buhay mo..

"Ethan.." tawag ko dito nang pumasok ako sa kwarto

"Oh , Kathlyn , may problema bah?" agad siyang tumayo at nilapitan ako

Agad ko namang sinara ang pinto at yumakap sa kanya..

"Thank you." tanging nasabi ko

Tiningnan ko naman siya dahil ito nagsalita..

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya

Tiningnan niya naman ako..

"Bakit ka nag papasalamat sakin?" tanong niya

Ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya.

"Kasi nandito ka sa tabi ko..Nandito ka at kasama namin.." 

Tiningnan niya ako bago niyakap ulit..

"Ako ang dapat magpasalamat sayo..Kasi minahal mo ako at binigyan mo ako nang masayang pamilya..At hindi ako mapapagod sa pagpapasalamat sayo kasi ikaw lang yung nag iisang babaeng minahal ko..Ikaw lang yung nag iisang babae na nagpabaliw sa akin nang ganito.." aniya at hinalikan ang noo ko

Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik..

"Ikaw lang din ang lalaking nagparamdam sakin nang ganito.." sambit ko

Kahit gaano pa siguro kahirap masaktan , sa huli makakakita ka rin nang kaligayan sa taong para sayo..



My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now